Novice

3 0 0
                                    

JAMES PAUL'S POV

Pagkauwi ko sa bahay, natutulala ako kapag naaalala ko 'yong mga nangyari kanina!

Luminga ako sa living room, walang tao. Baka nasa kitchen sina Mama at Papa. Iisang anak ako. Hehe. Mas masaya sana kung may kapatid kaso maselan masyadong magbuntis si Mama. Muntikan na siyang bawian ng buhay nang ipanganak ako kaya hindi na sila nag-attempt pa.

I'm already 21 pero 4th year pa lang ako. Late kasi ako nagcollege hindi dahil walang pambayad kung hindi dahil nagkasakit ako at 2 years akong nagstop. Bata pa ako nun eh. May sakit ako noon sa puso kaya naoperahan ako, halos 1 year akong nagstop nun (prior to the surgery) kasi hindi kaya ng heart ko, sobrang weak niya. Tapos noong nakahanap ng donor, more than 1 year kasama na operation and recovery period so total of 2 years. Hehe.

Diretso na ako sa kwarto ko para magpalit, mamaya ko na lang titingnan sina Mama. Maluwang 'tong kwarto ko tapos may mini-library. Pinakapaborito ko rito ay 'yong CR. Hahaha. Madalas kasi akong magconcert sa banyo saka ehem, magmilagro. Hahaha.

May-kaya naman kami, mayaman nga sabi ng iba. Pero ayaw ko talagang ipakita. Hehe. Ayaw kong magkaroon ng sariling sasakyan kahit pinipilit ako ni Papa. Gusto ko lang magcommute para maranasan ko naman. Pinagagalitan nga ako dahil nagkasakit na ako noon sa puso. Ang katwiran ko naman, hindi naman dahil sa pagcocommute ako magkakasakit. Noon nga, hatid-sundo ako sa school pero nagkasakit pa rin.

Heredity siguro. Hahaha. Kaya ayun, hindi ako napilit. Hehe.

Huhubarin ko na sana ang uniform ko pero naalala ko 'yang HUBAD HUBAD NA 'YAN!

"Excuse me? Kahit maghubad ka pa, hindi kita papatulan!"

"Talaga?" Lumakad siya palapit sa akin, umatras naman ako nang umatras.

"Tabi, aalis na ako."

"Saglit lang maghuhubad pa ako eh." Sheeeet naman, ginagamitan niya ako ng bedroom voice, parang bagong gising! Husky! Shet, please let me pass.

"Ui ano ba huwag kang lumapit!"

"Ito na huhubarin ko na ha. Ano palang gusto mong unahin kong tanggalin - pantaas or pambaba?"

Sunod-sunod ang paglunok ko.

"Please let me go." Sabi ko habang nakakulong ako sa braso niyang nakalapat sa pader at ako naman sobrang dikit na sa pader! Nanlalambot na ako nang sobra.

"Tsk, ikaw rin pala susuko eh. Taray taray ka pa riyan."

"Sorry. I didn't mean to bump into you. Please let me go."

"Tsk. The next time na hamunin mo ako sa hubaran, siguraduhin mong ready ka na sa malaki!"

"Anong malaki?" Gulat kong tanong.

"Malaking... pagkapahiya! HAHAHAHA! Ano namang iniisip mo ha, bakla?"

Umalis na siya sa pagkakakulong sa akin.

"Gago ka ah!"

"Eh bakit hindi ba? Kung makatingin ka nga sa umbok ko, parang isinusubo mo na."

TAKTE NAMAN!!!!!

Shet, hindi ko rin maitangging gwapo siya. Sobrang gwapo!

Mukhang early 20's na siya sa itsura, sana hindi 20 pababa para hindi mas bata sa akin. Eh ano naman kung mas bata sa 'yo? Bakit, papatulan ka ba? Duuuh?! Erase erase. Maputi, matangkad - mga 5'11" siguro, matipuno shet, maganda ang mata, matangos ang ilong - sobrang tangos mahihirapan akong makipaghalikan kasi matangos din ilong ko.

MY VOLLEY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon