Alisa's Point of View
Tarantang taranta na ang mga tao sa mansyon. Kaniya kaniya silang ng ginagawa,paano ba naman ay uuwi na daw si Sir Blaise.
Hindi pa ako inuutusan ni Sir Jade at mukhang maganda iyon. Ayoko din naman na sigawan at laiitin niya ako ngayon.
Maaga nga palang umalis sina Ma'am Sidney, dahil sila daw ang susundo sa kuya nila.Habang naglilinis,napansin ko ang isang litrato ng buong pamilya nila.
Nasa gitna nilang magkakapatid ang mga magulang nila,nasa gitna si Mam Sidney at nasa dalawang gilid naman sina Sir jade at Sir Blaise.Napaka bata pa nila dito,ano kayang itsura ni sir blaise?
Maganda kase si Mam Sidney,Si Sir Jade naman ay gwapo,Inaamin ko na gwapo naman talaga siya siya.
Maganda talaga ang lahi nila,sana lang ay mabait din katulad ni maam sidney si sir Blaise.
At yung tinatawag nilang grand Primo? Sino kaya siya?
Ipinagpatuloy ko ang paglilinis hanggang matapos,madami pa akong ginawa bago naisipang magpahinga saglit sa kwarto.
SIDNEY'S POV
Maaga kaming umalis sa mansiyon.
Inutusan kase kami ni Grand Primo na sunduin sa airport si Kuya blaise. Pinilit ko pa si Jade,at mabuti nalang sumama din siya.
Kakarating lang namin dito at hinihintay ang paglapag ng eroplano ni Kuya.
Pinagmasdan ko naman si Jade na busy kaharap ang kaniyang Cellphone.
Napa singhap nalang ako dahil sa sobrang kabagutan sa paghihintay.
"Seriously? maghihintay tayo ng matagal para lang sunduin si kuya?" jade sighed with disbelief.
Inirapan ko siya sabay tingin sa kung saan. Isang tao ang pumukaw ng atensyon ko.
Ang lakad na iyon,
at ang hubog ng kaniyang katawan,
nandito na si kuya.
Napatingin naman ako kay Jade na mukhang napansin na din ang paparating na si kuya.
Napa lunok siya habang papalapit sa aming kinatatayuan si kuya.
"It is good to be back." bungad niya sa aming dalawa.
Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya
"What took you so long? kanina pa kami dito." maarte kong sabi sa kaniya,napangiwi naman siya at tinapunan ng tingin si jade.
"I'm here jade, are you not going to greet me?" utos niya kay Jade.
Inirapan lang siya ni jade at yumakap
"I hope na okay lang ang lahat habang wala ako." makahulugang sabi ni kuya habang nakayakap kay Jade.
Napatingin naman ako kay jade ng kumalas ang yakap niya kay kuya
"Mas lalong bumait 'yang si jade nung wala ka." pagsisinungaling ko.
Nako kung alam mo lang kuya ang mga pina-gagawa niyan habang wala ka. Buti nalang at may awa pa ako kay Jade.
"Really? let see sa mga susunod pa na araw kung may improvement na nga ba sa behavior niya. " sabi niya at niyaya kaming kumain sa labas.
I miss kuya a lot.
Kahit napaka strikto niya ay nagagawa niya pa din kaming mahalin at alagaan ni Jade nung mga oras na wala sina Mommy at Daddy.
I remember how he manages to help us with our studies nung nasa grade school palang kami. Nung mga panahon na pinapatulog pa niya kaming dalawa ni Jade tuwing gabi.
BINABASA MO ANG
His Promdi Slave
Teen FictionIsang simpleng probinsyana lang si Alisa , hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa lungsod ng maynila ay magiging katulong siya ng isang mayamang pamilya. Makikilala niya ang isang lalaking mang-gugulo sa buhay niya at gagawin siyang alalay sa u...