Chapter 12

557 19 10
                                    

ALISA'S POV

"Do you know her?"

Bumalik ako sa katinuan ng magtanong si Alia,hindi kase ako makapag salita at dahil sa takot. Naalala ko kase yung nangyari sa aming dalawa kanina ng babaeng 'to.

"I know her Alia, I met her a while ago." sagot nito at makahulugang tumingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya.

"I'm not talking to you Fiona, si  Alisa ang tinatanong ko." sabat ni Alia sa babaeng Fiona pala ang pangalan.

Muling tumingin sa akin si Alia at hinihintay ang sagot ko.

"H-hindi ko siya kilala." sagot ko at tumingin kay Fiona. Masama niya akong tinignan pero nagbago iyon nung tignan siya ni Alia.

Tch. Plastik!

"See? Alisa don't know you." kaswal na sabi ni Alia kaya napataas ang kilay ni Fiona. Nararamdaman ko ang inis niya dahil sa pagkapahiya.

"Don't be rude to me Alia, nagsasabi naman ako ng totoo. And infact, magiging sister-in-law mo na ako,you should be nice to me."puno ng pagmamalaking sabi ni Fiona, napatawa naman si Alia sa sinabi niya.

"Nananaginip ka ba? O baka sadyang malawak lang talaga ang imagination mo?" maarteng tanung ni Alia,nagbago ang ekspresyon ni fiona at halatang naiinis na siya."Stop dreaming na sayo si kuya, hindi ka niya gusto at hinding-hindi siya mapapasayo." sagot ni Alia at hinila ang kamay ko.

Naglalakad na kami palabas ng cafeteria ng bigla namang sumigaw si Fiona.

"WE'RE NOT DONE YET!"

Napakalakas ng pagkakasigaw niya kaya napatingin na ang ibang estudyante sa loob ng cafeteria.
Nararamdaman  ko din na naiinis na si Aia sa mga nangyayari. Kaya hinawakan ko ang kamay niya upang kumalma siya.

"I'm so done with you at diyan sa mga kabaliwan mo!" nagsitawanan naman ang mga taga-KU sa sinabi ni Alia.

"I'm not done with that girl!" turo niya sa akin kaya napatingin ang lahat sa akin. Pati narin si Alia ay naguguluhang tumingin sa akin. "Tsaka pwede ba Alia? 'Wag 'kang makisali dito?!" iritadong dugtong nito.

"Wag mo nga siyang idamay!Wala siyang ginagawa sayo!" pagtatanggol ni Alia sa akin.

"Alam ng lahat ng estudyante dito sa Kelton University kung gaano  kalandi ang babaeng iyan! She stole my boyfriend!" inis niyang singhal habang dinuduro ako.

Nabigla ako sa sinabi ni Fiona, halos lahat ay napasinghap sa sinabi niya.

Ano 'bang kabaliwan ang sinasabi niya? Pinapahiya niya lang ang sarili niya. Pero mas nabigla ako ng bigla nalang niya ako sugudin buti nalang at naiiwas agad ako ni Alia.

Sinalubong niya ng sampal si fiona at mukhang nasaktan ito sa ginawa ni Alia.

"You! you don't have a right para sampalin ako!" inis niyang sabi at sinugod si Alia. Sinabunutan niya si Alia kaya gumanti naman si Alia.  Aawatin ko na sana sila pero bigla nalang may humawak sa dalawang braso ko.

"Ano ba!?Bitawan niyo nga ako!" singhal ko sa dalawang alipores ni Fionana. Nakita ko naman ang dalawang hindi parin tumitigil sa  sabunutan,walang pumipigil sa kanila.

Halos lahat ng tao ay nagsisigawan at yung iba pinagpupustahan pa yung dalawa.

Hanggang sa...

"TAKE YOUR HANDS OFF ON MY SISTER!!"

His Promdi Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon