Last update for today!!
ALISA'S POV
Sa sobrang pagod ay naging mahimbing ang tulog ko kagabi. Kahit na wala naman akong ginawa sa tagaytay kahapon ay nakaramdam ako ng sobrang pagod.
Humingi ako ng paumanhin kina manang esme dahil hindi na ako nakakatulong sa kanila. Mabuti nalang at mabait siya tulad ngayon na nagpaalam ulit ako para sa group study namin kina alistair at pinayagan niya naman ako.
Nandito ako ngayon sa tapat ng mansyon para hintayin si Jairus , dito ko kase siya pinadaretso tutal ay nasa iisang village din naman ang bahay nina alistair.
Ilang minuto pa akong naghintay ng matanaw ang sasakyan ni alistair. Tumigil ito sa harapan ko at bahagya niyang ibinaba ang bintana ng kotse.
"Hop in." utos niya kaya agad kong binuksan ang pinto sa unahan. Nang makasakay ay inayos ko ang seatbelt ko at tumingin sa kaniya.
"Tara na." Pinaandar naman niya ang sasakyan at itinuro ko ang direksyon ng bahay nina alistair.
Naitanong ko na kase kay alistair nung nakaraan kung saan ang bahay nila mabuti nalang at sinabi niya dahil kung hindi , mahihirapan at matatagalan kami sa pag-hahanap dahil sa lawak ng village na ito.
Nakapunta na kami rito nung nag dinner kami kasama ang pamilya nina Alistair pero hindi ko natandaan ang daan dahil gabi na nun at hindi ko na napansin dahil sobrang kinakabahan ako nun.
"Kasama mo pala kahapon si jade." napatingin ako ng magsalita siya
"P-paano mo nalaman?" nagtataka kong tanung
Imposible naman na malaman niya iyon ng walang nagsasabi diba?
"I went here last time pero sinabi sa akin ng ibang katulong na umalis ka daw--with your boss." aniya habang nagmamaneho
"S-sorry hindi ko na nasabi sayo." nakatungo kong sambit
"You don't have to say sorry. I'm just confirming it to you kung kasama mo nga siya kahapon." saad nito
Hindi na muli kaming nag-imikan sa byahe. Hindi ko alam pero mula ng dumating siya dito ay parang nag-iba siya kumpara nung mga nasa probinsiya kami.
Hindi siya magkakaganyan kung wala siyang problema. Pero kung meron man siyang problema ay hindi niya pa din ito sasabihin sa akin, maliban nalang kung mapansin ko ito at pilitin siyang sabihin ito.
"May problema ka ba?" tanung ko rito
"Wala naman, ba't mo naitanong?"
"Alam ko may problema ka , kaya please sabihin mo sa akin." saad ko
Tinignan niya ako saglit at ngumiti.
"Wala akong problema okay? siguro ay napagod lang ako kahapon kase may inasikaso ako." aniya at muling tumingin sa daan
"Saan ka nga pala tumitigil ngayon?" tanung ko , wala naman kase silang bahay dito sa maynila kaya nagtataka akong kung saan siya tumitira ngayon.
"Yun ang inasikaso ko kahapon, I went to Fernandez Hotel and Condominium para bumili ng condo at napakadaming pasikot-sikot bago ako nakakuha ng isa." aniya at bahagyang tumingin sa akin.
"May gusto sana nga pala akong itanong sayo bago bumaba." huminto ang sasakyan namin sa isang malaking mansyon , mukhang ito na ang mansyon nina alistair
"What it is?" tanung nito at pinatay ang makina ng sasakyan.
"May balita ka ba kina nanay? hindi ko kase matawagan mula pa nung isang buwan." sambit ko na ikinaputla niya
BINABASA MO ANG
His Promdi Slave
Teen FictionIsang simpleng probinsyana lang si Alisa , hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa lungsod ng maynila ay magiging katulong siya ng isang mayamang pamilya. Makikilala niya ang isang lalaking mang-gugulo sa buhay niya at gagawin siyang alalay sa u...