26

490 13 0
                                    


ALISA'S POV

Hapon na ng matapos ang group study namin nina alistair at jairus. Nagpaalam na kaming uuwi pero pinigilan kami ni tita alexie , dito na daw kami maghapunan. Pumayag naman kami ni jairus kaya heto kami ngayon at nakaupo sa mahabang lamesa na puno ng masasarap ng pagkain.





"Tumawag sa akin si froi at matatagalan daw silang umuwi dahil traffic. Sayang lang at hindi ka makikita ni Alia." saad ni tita habang kumakain. Katabi niya si Alistair na tahimik lang na kumakain at nakikinig.



"Oo nga po eh." aniya ko



Kanina pa ako naiilang pero hindi ko nalang pinapansin ang titig ni alistair habang kumakain ako. Hindi ko alam kung iniis lang ba ako ng damuhong ito o sadyang inaatake na naman siya ng sakit niya.




"Kaano-ano mo nga pala itong kasama mo?" tanung ni tita habang nakatingin kay jairus.

"Kababata ko po siya." sagot ko

"He look too familiar to me---parang nakita ko na siya." aniya habang nakatingin pa din kay jairus.

Nakakapagtaka naman? Hindi naman dito lumaki si jairus kaya imposibleng nagkita na sila ni tita alexie.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang nakakatandang kapatid ni Alistair--si blair.


"Mukhang may bisita tayo." aniya habang nakatingin sa amin

"Halika at samahan mo kaming kumain." anyaya ni tita alexie sa anak.Umupo naman ito sa tabi ni tita at tumingin sa aming dalawa ni jairus.

"Alisa right?" tanung nito kaya tumango ako. Nagkita na kami nung dinner at hanggang ngayon ay naiilang pa din ako sa kaniya.

Tumingin naman ito kay jairus na walang emosyong kumakain.

"He's jairus , kaklase ko sila parehas." si alistair na ang sumagot kaya napatingin kami sa kaniya.

" I see." sagot nito at nagsimulang kumuha ng pagkain upang kumain.

"At saan ka naman galing? Hindi ka nagpaalam sa akin o sa daddy mo." tanung ni tita kay blair

"Nag hang-out kami nina blaise kasama ang mga dati naming kaklase." sagot nito habang kumakain


"At inabot kayo ng magdamag para lang dun?" ani ni tita habang naka-taas ang kilay.


Napaka-strikto niyang ina pero mabait. Naalala ko sa kaniya si Nanay , parehas sila ng ugali. Bakit kaya hindi ko sila matawagan ni ate? Ayaw kong mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala.

"We missed each other , natural lang yun." sagot ni blair

"Dapat nagpaalam ka pa din." singit ni alistair

"Look who's talking" sabat ni blair

Mukhang mag-aaway pa ang dalawa dito sa harap namin,mabuti nalang at sinuway agad sila ni tita.


"Nasa harap tayo ng pagkain---may bisita rin tayo! mahiya naman kayo." suway ni tita sa dalawa

Nag-samaan lang sila ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Pasensya na kayo sa dalawa kong anak." ngumiti ako sa kaniya

"Okay lang po tita." sagot ko

Matapos nun ay hindi na muling umimik ang dalawa. Halos buong oras ay kami ni tita alexie ang nagkwentuhan hanggang sa matapos na ang pagkain namin. Niligpit ng mga katulong ang aming pinagkainan kaya tumayo na kami'ng dalawa ni jairus upang magpaalam. Gabi na din kase baka mapagalitan na ako sa mansyon.


His Promdi Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon