ALISA'S POV
Dumaretso na ako sa cafeteria at nadatnan dun ang dalawa. Umupo naman ako sa isa sa mga silya kaharap silang dalawa.
"Pumunta ka daw sa bahay kahapon? Sayang at hindi na kita naabutan." malungkot na saad ni alia.
"Oo eh , sayang nga at hindi tayo nagkita." ani ko
"Okay lang---btw ano nga palang balak niyo sa Js prom? sasali ba kayo?" tanung nito sa aming dalawa ni brie
Tumingin ako kay brie at sinenyasan na siya nalang ang sumagot sa tanung ni alia. Tutal siya naman ang nagpresinta na ilibre kami ng sosootin para dun. HEHE
"Sasali kami syempre at ako na bahala sa Gowns na sosootin natin" kuminang naman ang mata dun ni Alia.
"Talaga! magandang ideya yun. Sasali na din ako!" masaya niyang sabi
Nagtawanan kaming tatlo at sari-sari pa ang napagkwentuhan ng biglang may lumapit sa amin kaya naputol ang usapan namin. Walang iba kundi si Fiona at si---elytra?
"Don't worry girls, may sasabihin lang kami sa mga studyante dito." sabi ni fiona sa amin habang nakangiti. Halata namang plastik yun dahil nauwi iyon sa isang masamang ngisi.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Alia habang kami ni brie ay tahimik lang na nakikinig. Kasama niya si Elytra at ang mga alipores nila. Ano naman kayang sasabihin nila?
"Good day Kelton's Students. Siguro ay alam niyo na naman ang tungkol sa JS PROM na gaganapin after ng ating final exams. We,SSG officers are here to announce something para mas lalo kayong mainganyo na sumali sa aming activity." bungad na pananalita ni Fiona.
Bakit dito pa sila sa cafeteria nag announce? Pwede namang sa gymnasium nalang? Tsaka masyadong maunti ang studyante dito kaya mas maganda sana kung sa gym nalang para lahat ay makikinig.
"Puro kabaliwan lang ang sasabihin ng mga iyan, i swear." bulong ni brie kaya napatawa nalang ako
"Makinig nalang kayo sa kabaliwan nila." ani ni alia
Tumingin kaming lahat sa kanila at hinintay ang sasabihin nila.
"First of all , kung sinong sasali dito ay may extra points para sa inyong final grade which is napakalaking tulong sa inyo. Second , Kung sino man ang sasali ay tiyak naming masasayahan kase nagdagdag kami ng iba't-ibang twist kumpara dati. Third, We already talk to Our dean na payagan kaming maglagay ng mini bar kung saan pwedeng uminom ng alak ang lahat. And last , Hindi pwedeng mawala ang Mr.And Ms. JS Prom kung saan ay pipili kami ng mananalo at nag stand out sa Prom kaya everyone is expecting na mag-suot ng magaganda at magagarang damit para sa event na iyon." saad ni elytra
Nag-ingay naman ang lahat at nasiyahan sa mga pwedeng mangyari dun sa Prom. Pwede ang alak? Ibig sabihin ay maaari ding gumulo dahil tiyak akong maraming malalasing at magiging wild sa gabing iyon.
"And to be added, Kung sino man ang mapipiling Mr.and Ms. JS prom ay may special prize na matatanggap doon din mismong event. " dagdag ni fiona
Sobrang ingay sa loob ng cafeteria habang kaming tatlo ay tahimik lang. Hindi ko alam pero may masama akong kutob dito. Siguro ay kinakabahan lang ako dahil unang beses ko itong sasali sa ganitong prom.
"Ano sasali pa ba tayo?" tanung ni alia
"It's not because may alak sa gabing iyon ay hindi na tayo sasali, Hindi naman tayo iinom at mag eenjoy lang tayo buong gabing iyon.Sayang din naman kase last year na natin dito sa KU" may punto si brie dun
"Sang-ayon ako dun. Isa pa ay isang gabi lang yun." tumango naman si alia
"Mag-papaalam ako kina mom and dad , sana lang ay payagan niya ako." ani ni alia
BINABASA MO ANG
His Promdi Slave
Teen FictionIsang simpleng probinsyana lang si Alisa , hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa lungsod ng maynila ay magiging katulong siya ng isang mayamang pamilya. Makikilala niya ang isang lalaking mang-gugulo sa buhay niya at gagawin siyang alalay sa u...