Sorry for typos, wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!
ALISA'S POINT OF VIEW
Akala ko ay mag-aaway pa ang dalawa kanina malapit sa pinto. Mabuti nalang at mabilis akong pumagitna at agad na inawat ang Halimaw.
Humingi pa ako ng paumanhin kay alistair pero natawa lang ito at sinabing sanay na daw siya sa tuwing sinusumpong ng sakit ang hari.
"You're obviously flirting on him, agang-aga." ani ng hari ng makaupo siya sa upuan niya.
"Ang utak mo may ubo." mahinang bulong ko pero mukhang narinig ng hari.
"What did you say?!" iritado niyang tanong
"S-sabi ko ang tagal ni brie." pagpapalusot ko at agad na umupo sa upuan ko.
Isang linggo lang akong nawala pero sobra kong namiss si Brie, pati narin si Alia. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko, hindi parin nagpapakita sa akin si jairus.
Wala na siguro siyang balak ipaalam sa akin ang katotohanan. Hindi niya naman yun maitatago sa akin at hindi ko maiwasang magtampo sa kaniya. Nagawa niya akong paglihiman, bagay na hindi ko inaasahan mula sa kaniya.
Napatingin ako sa pinto ng pumasok na si Alistair kasabay si kobe. Parehas silang ngumiti sa akin kaya ginatihan ko din sila ng ngiti. Kasunod naman nilang pumasok si Brie na mukhang nagulat pa ng makita ako.
"ALISA!!!" malakas niyang sigaw at mabilis akong dinamba ng yakap. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya na halos hindi na ako nakahinga. Mabuti nalang at pinigilan siya agad ni kobe.
"Hoy! Hindi na makahinga si Alisa." suway sa kaniya ni kobe kaya agad naman niya akong nilubayan.
"Namiss ko lang siya!" bwelta naman ni Brie at muli akong niyakap.
"Sobra ka naming namiss ni alia, tagal mo ding nawala! Napakarami ko ring chika sayo!"
hay nako! basta talaga tsismis madami siyang maikwekwento. Umupo na siya sa upuan niya at agad akong hinarap ng mapanukso niyang mata na agad ko namang ipinagtaka.
"Pero bago ako magkwento, mukhang ikaw muna dapat dahil napakarami mong utang sa amin ni alia." aniya habang pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni jade.
Napatingin naman ako kay jade na abala sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.
"A-ano namang ikwekwento ko?" naiilang kong tanong at kunwaring abala sa aking gamit.
"It's been a week nung mawala kayo, no wonder ay may---"
"Tumigil ka!" mabilis kong pigil sa kaniya habang takip-takip ang bibig niya.
"hmmm-hmmmm!"
"Wag ka kaseng maingay! baka may makarinig sayo." suway ko at agad naman siyang tumango. Tinanggal ko na ang kamay ko mula sa bibig niya at mapanukso na naman niya akong tinignan.
"Now tell me, anong nangyari sa inyo? ha?" pabulong niyang tanong.
"A-ano bang pinagsasabi mo? Kinuha ko lang yung birthcertificate ko."
"Pero ba't ka namumula?"
Agad naman ko namang pinakiramdaman ang sarili. Feeling ko nga namumula ako, nahahalata tuloy ako.
"Halos mabaliw ang mga babae noong mga araw na wala si jade. At ang mas ikinabaliw pa nila ay nung nalaman nilang wala ka rin. Ang daming kumalat na balita tungkol sa inyong dalawa, nagtrending pa nga sa page ng Kelton ang biglaan niyong pagkawala." panimula ni brie.
BINABASA MO ANG
His Promdi Slave
Teen FictionIsang simpleng probinsyana lang si Alisa , hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa lungsod ng maynila ay magiging katulong siya ng isang mayamang pamilya. Makikilala niya ang isang lalaking mang-gugulo sa buhay niya at gagawin siyang alalay sa u...