ALISA'S POV
KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising upang pumulas. Araw ngayon biyernes at naalala ko na sa Linggo ay may discussion kami nina Alistair para sa debate. Sana lang ay naalala niya pa.
Sinadya ko na mas maaga akong pumasok kaysa noon para maka-iwas sa maraming studyanteng pumapasok. Kung mas maaga akong papasok ay may mas maaga din akong makakapaglinis sa tambayan at hindi na ako maabutan ni Alistair at ng hari.
Lagi namang bukas ang tambayan tuwing umaga dahil maagang pumapasok si Jiro or si kobe dahil nasa kanila parehas ang mga susi. Kaya kadalasan talaga ay sila ang una kong nakikita sa loob nun.
Tulad ngayon , si kobe ang nauna at nakapag-bukas nito. Nadatnan ko siya na abala sa binabasang diyaryo. Saglit niya akong tinignan at ibinaling muli ang atensyon sa diyaryo.
"Wag ka munang maglinis" napatingin ako ng magsalita siya
"Hindi pwede , baka magalit si jade"
Sinabi din sa akin ni Lolo na tawagin ko ang mga apo niya tulad ni jade ng walang pag-galang o ang pagsasabi ng Ma'am at Sir. Umalma pa ang halimaw pero wala siyang nagawa. Napagdesisyunan kong tawaging ate si ma'am sidney at kuya si sir blaise.
"Baka nakakalimutan mong galing ka lang sa clinic kahapon" aniya
"Okay na ako" sagot ko at nagpatuloy sa pagwawalis sa loob ng tambayan. Tsk! napaka-kalat talaga nilang magkakaibigan.
"Bahala ka! kapag may nangyari na naman sayo kami na naman ang sisihin" napatingin ako sa kaniya na masamang nakatingin sa akin
"Wala namang sumisisi sa inyo!" bulyaw ko sa kaniya
"Paano mo nasabi? gising ka ba nung may pumuntang lalaki dito kahapon at hinahanap ka?"
May pumuntang lalaki kahapon at hinahanap ako? sino naman yun?
"T-teka? ano bang pangalan nung lalaking iyon?" tanung ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako
"Hoy tinatanong kita kobe!" muli kong sigaw sa kaniya
"Jairus daw pangalan niya eh!" teka si jairus? paano nalaman ni jairus na dito ako napasok? tsaka bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin?
"Kilala mo ba siya?" tanung niya sa akin
Tumango lang ako at napa-upo. Hindi ko inaakalang bibisitahin ako ni jairus pero hindi man lang siya nagpakita sa akin. Bigla nalang lumapit sa akin si Kobe at hinawakan ang balikat ko.
"Hoy? okay lang ba?" nag-aala niyang tanung
Sinamaan ko siya ng tingin at itunulak kaya napaupo siya sa sahig.
"Oo naman! tsaka ba't mo ba ako hinawakan?" inis kong singhal sa kaniya
Inis siyang tumayo at galit na tumingin sa akin.
"Napaka arte mo talaga promdi girl!" singhal niya at muling umupo sa sofa
"Hindi ako maarte nabigla lang ako ng hawakan mo ako!" depensa ko pero hindi niya ako pinansin kunot noo siyang nagbabasa ng dyaryo. Haysttt ewan ko ba sa lalaking ito , daig pa ang may regla sa sobrang matampuhin.
"Sorry , hindi ko naman sinasadya na itulak ka." tinignan niya ako saglit ng walang emosyon pero bumaling ulit ito sa kaniyang binabasa.
Hindi ko nalang ulit ito pinansin at nagpatuloy na sa gawin dito sa tambayan. Matapos ang lahat ay magpahinga pa ako saglit at umalis na rin upang pumunta sa classroom.
BINABASA MO ANG
His Promdi Slave
Novela JuvenilIsang simpleng probinsyana lang si Alisa , hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa lungsod ng maynila ay magiging katulong siya ng isang mayamang pamilya. Makikilala niya ang isang lalaking mang-gugulo sa buhay niya at gagawin siyang alalay sa u...