49

403 16 0
                                    

Sorry for typos, wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!


ALISA'S POINT OF VIEW

Hanggang sa makauwi sa mansyon ay hindi parin mawala-wala sa isip ko yung mga sinasabi ng hari. Gabi narin kami nakauwi dahil sobrang traffic daw dahil rush hour.

Agad akong pumanhik sa aking silid at hindi ko na nagawang magpasalamat kay Jade. Okay na siguro yung mga pasasalamat ko sa kaniya kanina sa Batangas. Ibinaba ko ang dala ko envelope, laman nito yung hinihingi ng Guidance Counselor na Birthcertificate ko.

Ipinahinga ko ang aking sarili, medyo napagod din ako sa biyahe at balak ko na sanang ipikit ang aking mga mata ng biglang may pumasok sa silid ko. Sunod-sunod pumasok sina Venus, Ryah at Lovely, halos isang linggo ko din silang hindi nakita.


"Hep! Hep! Bago ka mamahinga ay magkwento ka muna!" pigil sa akin ni venus at nagsimulang umupo sa kama ko, ganun din ang dalawa.

Tsk! mga tsismosa talaga!

"Oo nga! Ang dami mong utang na kwento na dapat mo rin ikwento ngayon din!" sabat naman ni Ryah.

Napakamot nalang ako sa ulo habang ang tatlo ay hinihintay akong magsalita. Tiyak ako na hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako nagkwekwento.

"So, ano nga'ng nangyari at ang tagal niyo bakit ang tagal niyong makabalik ni Sir Jade?" tanong ni Lovely.

Ikwinento ko sa kanila kung bakit kami nagpunta ng Batangas at kung paano ko nakasama ang Hari. Ganun din ang nalaman ko nung umuwi ako at sa ginawang pang-iiwan sa akin nina nanay. Medyo nalungkot pa ako habang nagkwekwento kaso naalala ko ang pangako ko sa sarili ko, na hindi na ako muling iiyak at maghihintay nalang sa kanilang pagbabalik.

"Ibigsabihin, hindi mo alam na may sakit pala ang bunso mong kapatid?" muling tanong ni ryah.

"Oo, buong akala ko si nanay ang may sakit pero pati pala si art meron na din." saad ko.

"May ganon talagang cases, diba sa probinsiya may tinatawag silang manang sakit. It means, maaaring nakuha ito ni art sa nanay mo nung pinagbubuntis pa lang siya." ani ni lovely.

"Anyways, mabuti at nakatagal dun si sir jade. Ang alam ko kase ay ayaw niya sa mga ganung lugar. Mas gusto pa nga niyang mag-kulong sa kwarto magdamag kaysa makipaghalubilo sa pamilya niya." sabi ni venus, parehas na naisip ko nung una pa lang.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit siya sumama at nakatagal ng isang linggo sa probinsiya. Nagawa niya nga'ng bumili ng damit sa ukay-ukay." ani ko at sabay-sabay naman silang nagulat sa sinabi ko.

Upang maintindihan nila ay ikwinento ko din sa kanila ang nangyari noong magpunta kami sa Ukay-ukay. Medyo may bahid ng konting inis ang pagkwekwento ko lalo na sa part na hinaharot ng dalawang tindera si jade. Eto namang si jade todo harot din sa dalawang babaeng halos mamatay na sa sobrang kilig.

"Halatang inis na inis ka sa dalawang iyon." komento ni ryah kaya natigilan ako sa pagkwekwento.

"Baka nagseselos lang si Alisa." mapang-asar na gatong ni venus.

Ako? Mag-seselos? Sa dalawang mahaharot na tinderang yon? Bakit? Nakakasama ba nila ang hari? Tsee! wala silang panama sa aki---

T-teka? Bakit ako nag-iisip ng mga ganong bagay? nababaliw na talaga ako.

"Tignan niyo, hindi makasagot si Alisa. Sadyang nag-iisip siya." bulalas naman ni Lovely.

Pare-parehas ko silang sinamaan ng tingin sa mga pinagsasabi nila. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang at nagsisimula ng mag-init ang buong mukha ko sa hiya.

His Promdi Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon