39

465 14 0
                                    

Sorry for typos and wrong grammars aayusin ko nalang po!

JADE'S POV

Maghapon akong hindi kinakausap ng promdi girl na yun. Hindi niya man lang ako tinitignan bagay na kinaiinisan ko.


Nagagalit ba siya dahil hindi ko siya pinayagan makipag date kay kobe? O nagagalit siya dahil hindi ko siya pinayagan sumali sa prom? o di kaya ay galit siya sa parehas na dahilan?


Hayst, I'm just being concern to her. Ayoko lang na mapahamak na naman siya ng dahil sa akin. Yeah , i know its sound so weird but i can't help myself na mag-alala lalo pa't madaming problema ngayon.



"You look so worried." bulong sa akin ni kobe habang nagklaklase ang huling guro ngayong araw.

"I'm not." pagtanggi ko kahit na totoo ay inis na inis na ako sa promdi girl na yun.


Guess what? Lumayo siya ng upuan sa aming dalawa ni kobe. Siguro, kung nandito yung jairus na yun don tatabi itong si alisa. Tssss mabuti nalang at wala siya kundi baka sinilaban ko na yun ng buhay kung magkatabi man sila.

"Baka matunaw niyan si alisa. Kanina mo pa siya tinitignan." inis akong tumingin kay kobe na nakangisi sa akin.

"Can you please shut up!" mahinang sigaw ko sa kaniya na mag diin sa pananalita.

"Bakit ba galit na galit ka?" natatawa niyang sabi sa akin.

I glared at him at muling tumingin kay alisa na abala sa pagsusulat ng notes. I hate you promdi girl!

"I know it. Hindi ka mapakali kase hindi ka pinapansin ng slave mo." bulong nito kasabay ang mahinang pagtawa na animo'y nang-aasar.

"This is all your fault!" inis kong giit sa kaniya.

"Why me? wala naman akong kasalanan ah." aniya habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Kung hindi mo siya niyaya sa isang date , hindi ako magagalit ng ganon."

"You're being too possesive to her , that's why she hates you so much." tinaasan ko siya ng kilay at inis siyang tinignan.

"I'm just being concern." matigas kong giit pero napangiwi lang ang loko.

"Concern? eh halos kontrolin mo na ang lahat sa kaniya. You should let her this time."

Pabayaan siya? The hell wala ba sa ayos na pag-iisip itong si kobe? Hindi niya ba alam na mainit ang mata nina elytra kay alisa?

"You're out of your mind." nasabi ko nalang at muling tumingin kay alisa.

"I know hindi pwedeng mag-isa lang dun si Alisa. Why don't you join her? masisiguro mo na ligtas siya if you join to that party."

Sasamahan ko si alisa sa party na yun? WTF!? ayoko nga sa mga party na ganon. In some point , pwede rin.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa pinakopya na kami sa aming notebook. Lahat ay kumokopya maliban sa akin. Hindi ko na kailangang kumopya pa. Hindi sa pagmamayabang , lahat ng itinuturo nila ay alam ko na.

I can't take this anymore. Naiinis na talaga ako sa promdi girl na yun. Naguguilty ba ako dahil hindi niya ako pinapansin? The hell? kailan pa ako naguilty? tsss

"Are you okay Mr. Villaruel?" Lahat ay napatingin sa akin ng tawagin ako ni Mr. Aravelo


"Y-yes." mabilis kong sagot at iniwas ang tingin sa kaniya. Ano ba kaseng nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?



His Promdi Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon