50

440 17 0
                                    

Sorry for typos , wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!

JADE'S POINT OF VIEW

I'm so tired last night. Mabilis akong nakatulog buhat ng mahabang biyahe pauwi dito sa mansiyon.

Tumawag pa sa akin sina kobe dahil may kailangan daw kaming pag-usapan pero pinili kong ngayong araw nalang gawin iyon dahil nga sobrang antok na ako kagabi.

Araw ng linggo at maaga akong nagising, medyo nanibago pa ako dahil noong mga nagdaang araw, bubong ng bahay nina alisa ang bumungad sa akin. Agad akong bumangon at nagsipilyo, inayos ko ang aking sarili bago bumaba sa salas.

Nadatnan ko sa baba sina mommy at daddy na sabay na nag-aalmusal. Napatingin naman sila sa akin ng mapansin ako at agad na niyaya mag-almusal kasama sila.

"Goodmorning Son, let's have a breakfast. Alam kong napagod ka sa trip niyo kagabi ni alisa." bati sa akin ni mommy ngunit nginitian ko lang siya. Umupo ako sa isa sa mga upuan at nagsimulang kumuha ng pagkain.

"How's your vacation with alisa?" napatingin ako kay grand primo na kakadating lang. Pasimple ko siyang inirapan, alam ko namang gusto niya lang akong makapagsalita sa harap nina mom and dad.

"It's not a vacation." tipid kong sagot at kumuha ng isang bacon at isang kutsarang fried rice. I miss this, nung nasa batangas kase kami ay puro tinapay at itlog ang breakfast namin. I'm craving for bacon coz it's my favorite.

"It's a trip papa, no wonder ay masaya ang dalawang bata sa gala nila sa loob ng isang linggo." komento naman ni daddy.

Hindi ako sumagot , dahil ganito naman talaga ako sa kanila. Not unless, kaharap namin si Lolo. I'm not that type of person na showy sa magulang, i only speak to them kapag may tinatanong sila. But in terms of telling problems, mas gusto ko pang idaan nalang sa inom imbis na magsabi sa kanila.

"It doesn't matter anyway. Ang mahalaga ay nasamahan niya si Alisa pauwi ng Batangas." ani ni lolo at umupo sa tabi ko.

Good thing na pinasama ako ni lolo kay alisa. Paano pala kung wala siyang kasama? Baka magdamag siyang umiyak at hindi na maisipan pa'ng bumalik dito sa Manila.

"Masaya ako na muli niyang nakita ang pamilya siya. She told me last time na she don't have any contacts from her family these pass few days, isa narin yon sa rason kung bakit ko siya pinayagang umuwi." saad ni Grand Primo.

I feel pitty for her. She's too excited to get home pero hindi niya alam, wala na pala siyang babalikan.

"Her family already left her."

"What!?" halos sabay na tanong ni mom at grand primo sa akin. Napatingin naman sa akin si dad na animo'y parang nagbibiro lang ako sa mga sinabi ko.

"Nung makarating kami, there's no one inside their house. Her neighbors told us that Alisa's mother already left that place last month." paliwanag ko

"B-but-- how come na umalis sila na wala si Alisa at hindi nila kasama si alisa?" nagtatakang tanong ni mommy.

"It is because her little brother have a heart disease. Kinailangan niyang maipagamot agad as soon as possible. They don't want to disturb Alisa, ayaw nilang umuwi si alisa at tumigil sa pag-aaral. That's why they left her without telling to alisa." sagot ko

"How is alisa? Okay na ba siya?" nag-aalalangang tanung ni grand primo kaya agad akong tumango.

"We need to help her papa, do something to find her family." ani ni mommy kay lolo na ngayo'y nag-iisip ng kung ano.

His Promdi Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon