Sorry for typos, wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!ALISA'S POINT OF VIEW
Dumating ako sa mansiyon ng mga Villaruel na parang naligaw lang na tupa. Nagawa kong pakisamahan ang pinaka masungit at hari ng mga halimaw. Ginawa niya akong alalay sa unibersidad na parehas namin pinapasukan pero hindi ko alam na dadating sa puntong mahuhulog ang loob ko sa kaniya. Na masasaktan ako ng dahil sa kaniya.
Ikakasal na pala siya hindi ko alam pero nasasaktan ako sa ideyang 'yun. Ang alam ko lang naman ay gusto ko siya, pwede bang masaktan kapag ganun? Sa tingin ko naman ay para lang akong isang ordinaryong tao na gustong-gusto siya. Para lang akong isa sa mga fans niya na hinahangaan siya.
Ginusto ko siya sa hindi ko malamang dahilan.Lagi niya naman akong pinapahirapan at inaaway. Mas madalas pa ang pagsusungit niya kaysa sa pakikipag-usap ko sa kaniya ng tino. Hindi ko inaakala na mahuhulog ako sa taong bigla nalang nanggulo sa buhay ko.
Ilang araw na akong hindi pumapasok, sa loob ng mga araw na 'yon ay hindi niya man lang ako pinupuntahan at kinakausap. Siguro ay sadyang gusto niya ang kasal nila ni Elytra, siguro ay abala siya sa magiging asawa niya.
Bukas na ang JS PROM sa Kelton University. Akala ko talaga ay makakasama ko na ang hari sa unang beses na gabi na makakasali ako dun. Akala ko talaga ay makakapareha ko siya pero 'tila mapaglaro talaga ang tadhana. Umasa lang ako sa wala, hanggang sa parang nawalan na ako ng gana dun.
Sa mga nakalipas na araw at magdamag, mas pinagtuunan ko ng pansin ang trabaho dito sa loob. Hindi ko nakikita ang hari, minsan nasusulyapan ko siya tuwing umaga kapag papasok at mukhang masaya naman siya.
Siguro, umasa lang talaga ako sa mga naiisip ko na ideya. Yung tipong akala mo talaga ay parehas kayo ng nararamdaman sa isa't-isa. Parang, binigyan ko ng malisya lahat ng ginagawa niya.
Yung pagiging mabait niya sa akin noong mga nagdaang araw, yung pagsama sa akin sa batangas, yung pagtitiwala niya sa akin at yung laging pagtatanggol sa mga umaapi sa akin.
Bumalik lahat ng sakit sa akin. Doble pa yung sakit na nararamdaman ko ngayon kaysa sa ginawang pang-iiwan sa akin nina nanay. Para akong pinarusahan ng tadhana at pinagkaitan ng saya.
Minsan ay pumupunta dito sina brie at alia, sa katunayan ay nandito sila kahapon. Pilit nila akong niyaya na pumasok pero ayoko talaga. Bukod sa wala akong gana ay wala na din naman akong gagawin. Sabi kasi nila ay Isang linggong pahinga ang mga estudyante pero kinakailangan parin pumasok para sa paghahanda sa nalalapit na JS PROM.
Nakakatanggap din ako ng message mula kay Alistair. Puro iyon pangangamusta pero maging siya ay hindi ko din magawang replyan.
"Ano ba talagang nangyayari sayo?"
Bumalik ako sa katinuan ng bigla akong pansinin ni lovely. Maging sila ay hindi malaman kung anong dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
"W-wala naman." ani ko at nagpatuloy sa pagdidilig ng halaman.
"Asus! Ilang araw ka ng hindi pumapasok, nag-aalala na kami dahil hindi ka parin kumakain mula kagabi." ngumiti ako ng tipid kay lovely at napasinghap.
"Wala din naman kami ngayong gagawin sa school. Mabuti pa na dumito nalang ako at tumulong sa inyo." saad ko
Siguro, kung may babalikan lang ako sa batangas umuwi na ako. Napapikit nalang ako sa isipin na sana ay panaginip nalang lahat.
Masyado na akong pinapahirapan ni tadhana, hindi naman kami close.
"Alam kong may problema ka." napatingin ako ulit sa kaniya at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
His Promdi Slave
Teen FictionIsang simpleng probinsyana lang si Alisa , hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa lungsod ng maynila ay magiging katulong siya ng isang mayamang pamilya. Makikilala niya ang isang lalaking mang-gugulo sa buhay niya at gagawin siyang alalay sa u...