31

444 15 0
                                    

Sorry for typos, wrong grammars and spellings aayusin ko nalang po. ^_^

ALISA'S POV

Pinili kong hindi pumunta sa cafeteria matapos ang debate namin kay Ms.Fatima. Hindi na nga ako bumalik sa room mula nung nagpaalam ako na magbabanyo lang. Ewan ko pero nakaramdam ako nang awa sa sarili ko sa mga narinig ko mula sa kanila.


Nandito ako ngayon sa likod ng University kung saan may maliit silang garden. Sakto at walang tao kaya solo ko ang lugar at walang makakakita sa akin.



"Bakit hindi ka na bumalik?"

"Ay palaka!" napatalon ako sa boses na nanggagaling sa likuran ko. Punyeta si alistair lang pala teka paano niya nalaman na nandito ako?

"Do i look like a frog?" tanung niya habang papalapit sa akin

"Pasensya na, ginulat mo kase ako." ani habang pinagmamasdan ang pag-upo niya sa kaharap kong upuan.

"I should be the one to apologize."

"Bakit ka nga pala nandito?" tanung ko

"Nothing , gusto ko sanang magpahangin dito then i see you here so i decided na samahan ka na." aniya

May kakaiba sa kaniya ngayon hindi ko alam kung ano pero naiintriga talaga ako dahil parang may nagbago sa kaniya.

"May problema ba sa mukha ko? Kanina ka pang nakatingin sa akin and i find it akward." inosenteng tanung niya kaya napaiwas ako sa kaniya.

"W-wala naman---k-kamusta naman pala yung resulta?" pag-iiba ko sa usapan.

"Well, It's okay."

Natalo ba kami? Ano pa nga ba? Ang tanga ko kase sa part na ipinaglaban ko pa yung gusto kong sabihin kahit alam kong talo na agad ako sa umpisa.

"Sorry." nakatungo kong sabi

"We actually won." nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya. Tama ba ang sinabi niya o namali lang ako ng dinig?

"N-nanalo tayo?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yes and it's all because of you. We're all surprise sa mga sinabi mo kanina kaya nanalo tayo , dahil sayo and thankyou for that." nakangiti niyang saad

Umiwas ako ng tingin at bahagyang napangiti.

"Ano ka ba? Ikaw nga nagpapanalo sa atin." sagot ko habang nakatingin sa paligid.

"Aren't you happy?"

Bakit ba hindi ko makuhang magsaya? Nanalo kami sa performance task namin at malaking tulong iyon para sa final grade namin. Pero may kung ano sa loob ko na hindi ko magpaliwanag kaya hindi ko kayang maging masaya ngayon.

"Kung iniisip mo yung sinabi nila kanina, yung mga depensa nila kontra sa akin at sayo ay sana wag mo nalang intindihin. Ngumiti ka na diyan dahil lalo kang pumapangit" dugtong nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Salamat." tipid kong sagot sabay ngiti

Ngumiti lang siya at tumayo. Ginulo niya ang buhok ko bago ako iwan mag-isa sa garden. Habang pinagmamasdan ang pag-alis niya ay hindi ko parin maintindihan ang naging kilos niya ngayon, may nagbago talaga sa kaniya o sadyang ganiyan talaga siya dahil hindi ako sanay at hindi ko pa siya gaanong kakilala.

Napag-pasyahan kong pumunta ng muli sa classroom pero hindi pa man ako nakakalayo ng may biglang humawak sa braso ko at hinila ako kung saan.

"T-teka sino ka?"

His Promdi Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon