Sorry for typos, wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!
ALISA'S POINT OF VIEW
Araw ng lunes at kinakailangan ko ng pumasok. Halos isang linggo din akong wala at panigurado ay madami akong nakaligtaan na lesson. Aish! Maghahabol na naman ako, alam kong mahihirapan ako pero iniisip ko nalang na matatapos din ito.
Mula kahapon ay hindi ko na muling nakausap ang hari. Hindi naman sa hinahanap ko siya ngunit mula kagabi ay hindi ko siya nakita sa loob ng mansyon.
Siguro mabuti na din yun? Mabuti nang hindi ko muna siya makita. Nagiging baliw din naman ako kapag andiyan siya! Yung parang nakikipagkarera ang puso ko sa bilis ng tibok na ito. Hindi na maganda 'to baka mamaya may sakit na pala ako sa puso.
chos!
Maaga akong pumulas upang pumasok sa Kelton University. Ganito naman talaga ako dati, minsan nga lang ay kasabay ko ang hari. Pero siguro naman ngayon na wala na akong kontrata sa kaniya ay malaya na ako diba?
Hindi na ako pupunta sa tambayan nila para maglinis. Hindi na ako susunod sa sandamakmak niyang mga utos. Hindi narin ako parating lalapit o sasama sa kaniya. Tapos na ang paninilbihan ko sa hari ng mga halimaw.
Napabuntong hininga ako sa isiping mamimiss ko din naman lahat ng 'yon. Syempre, halos kalahati ng buhay ko dito sa Kelton University ay lagi akong kabuntot ng hari. Pero dapat maging masaya pa ako, ngayon makakagalaw na ako ng ayos at siguro naman ay mawawala na yung masasamang tingin sa akin ng mga kababaihan.
Malapit na ako sa university ng may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko. Hindi naman agad ako kumibo bagkus ay hinintay na bumaba ang sakay nito. Unti-unting nagbukas ang pinto ng sasakyan hanggang sa inuluwa nito si Alistair na ngiting-ngiti sa akin.
"Goodmorning." Bati niya sa akin samantalang ako ay hindi parin gumagalaw.
Ewan ko ba, para akong nakakita ng sobrang gwapong nilalang ngayong umaga.
Oo na! Pinupuri ko si alistair kase totoo naman!
"Aray!" reklamo ko ng bigla niya akong pitikin sa ulo.
"Are you out of your mind? Alam ko namang gwapo ako at lahat sila natitigilan kapag nakikita ng malapitan ang mukha ko." pagmamayabang niya kaya agad siyang binatukan.
"Puro ka kayabangan kahit kailan!" saad ko habang pinagmamasdan ang paghimas niya sa bandang ulo niya.
"I'm just kidding-matagal-tagali din nung huli kitang naasar." aniya habang inaayos ang sarili.
Sabagay, namiss ko rin naman siya. Nakalimutan ko na nga yung mga nangyari bago kami pumunta sa batangas. Ang tanda ko lang ay bigla niya nalang akong niyapos sa may garden ng university.
"Maaga ka 'yata ngayon?" puna ko sa kaniya dahil kalimitan ay tanghali na siyang pumapasok.
"Sinadya ko talaga dahil gusto talaga kitang makausap." sinsero niyang sagot habang nakatingin sa akin.
Gusto niya daw akong makausap? Para saan naman?
"A-ako? B-bakit naman?" nauutal kong tanong ngunit ginulo niya lang ang buhok ko.
"Malalaman mo din mamaya-anyways, nakapagbreakfast ka na ba? Yayayain sana kita diyan malapit na cafe shop. Libre ko." nakangiti niyang anyaya.
Gutom narin ako! Hindi nga pala ako nag-almusal. Tsaka maaga pa naman at wala pa akong gagawin sa loob kaya tumango ako sa kaniya at sinundan siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
His Promdi Slave
Teen FictionIsang simpleng probinsyana lang si Alisa , hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa lungsod ng maynila ay magiging katulong siya ng isang mayamang pamilya. Makikilala niya ang isang lalaking mang-gugulo sa buhay niya at gagawin siyang alalay sa u...