52

400 19 0
                                    


Sorry for typos, wrong grammars and spellings. Aayusin ko nalang po!

ALISA'S POINT OF VIEW

"T-tunay b-ba na p-pumapatay ka ng tao? na-- may gang kayo?"

Hinihintay ko ang mga sasabihin niya , hinihintay ko ang sagot sa tanong ko. Tila nabigla siya sa mga sinabi ko, ngunit imbis na sagutin ako ay mabilis niya akong hinaltak palabas ng mansiyon.

"Ano ba saan mo ba ako dadalhin?" reklamo mo ko habang palabas kami ng mansyon. Imbis na sagutin ay mabilis niya lang akong nadala sa garahe at pilit na isinasakay.

"Ano ba?! Saan ba tayo pupunta?" inis kong tanong kay jade na ngayo'y kunot na kunot na ang noo.

"Just fvcking go inside!" sigaw niya sa akin na agad namang nagpapasok sa akin sa sasakyan. Basta kapag sumisigaw siya na parang galit ay agad akong sumusunod sa kaniya.

Hindi na ako nagtanong pa ng makasakay siya. Hinayaan ko nalang siyang dalhin ako kung saan, pero kahit ganun hindi parin mawala-wala sa isip ko ang mga nalaman ko.

Sa mga naging reaksyon niya, makikita na totoo lahat ng sinabi ni Denver. Tunay na-p-pumatay sina jade.

Tumigil ang sasakyan sa isang hindi mataong lugar. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at mukhang nasa loob parin kami ng village , kaso nga lang nandito kami sa parte na wala masyadong bahayan.

"Now tell me, who the fvck told you about that?" tanong ng hari ng mapatay nito ang makina ng sasakyan niya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." sabi ko ng hindi siya tinitignan,dinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"That's true." doon na ako tuluyang tumingin ng naguguluhan sa kaniya. T-tunay nga yung sinabi ni Denver. Tunay lahat ng sinabi niya at hanggang ngayon ay hindi ko makapaniwala.

"Yes,we have a gang. Nakikipaglaban kami, nananalo at natatalo pero never in our entire life na pumatay kami. Oo, masama kaming tao but killing isn't our job." paliwanag niya sa akin.

"A-alam ba 'to nina grand primo? ng mommy at daddy mo?" umiling ito at seryosong tumingin sa akin.

"You have to promise me na hindi mo sasabihin sa kanila ang tungkol dito. Understand?" makikita sa mata niya ang pangamba, natatakot siya marahil dahil ayaw niya talagang ipaalam 'to sa pamilya niya.

"P-pero, hindi ba delikado 'yang pinasok niyo? Baka mamaya mapahamak kayo ng dahil diyan." sumilay ang nakakalukong ngisi sa labi ng hari.

"Nag-aalala ka ba sa akin?" nakakalokong pangaasar nito na agad ko namang inirapan.

"M-masyado pa kayong mga bata, madami pa kayong mga pangarap at alam ko 'yun." saad ko sabay iwas sa mapang-asar niyang tingin.

Heto na naman ako. Kinakabahan sa mga kinikilos niya, hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Lagi kong sinisiksik sa utak ko na itigil na ang nararamdaman sa kaniya pero bakit parang ayaw naman ng puso ko. Nakakairita!

"Now, promise me na hindi ka magsasabi." utos niya sa akin kaya agad naman akong tumango. Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag, napatingin nalang siya sa unahan at bahagyang niliyad ang sarili sa upuan.

"Bakit ka napasali diyan? Ibig kong sabihin ay, paano ka nakapasok sa ganiyang klaseng grupo?" huminga siya ng malalim at muling umayos ng pwesto.

"Matagal na akong involve sa ganung klaseng grupo. When i was a kid, laging wala sina mom and dad. Puro sila trabaho at minsan lang sila umuwi sa Pinas. Halos gawin na nilang tirahan ang business nila sa Paris. That time, inggit na inggit ako kina kuya blaise at ate sidney. Sila lang kase ang may passport and visa that time, so sila lang ang may opportunity na makausap , makasama at makabonding sina mom and dad." saad ng hari at bakas sa kaniya ang lungkot habang nagkwekwento.

Tunay pala yung sinabi sa akin ni Grand Primo. Na malayo ang loob ni Jade sa kaniyang mga magulan bata pa lang siya. Kaya pala hindi ko din napapansin na hindi siya palaimik sa tuwing andiyan sina Tita Sirene at Tito Vito.

"Luckily, i have grand primo by my side. Umuuwi siya sa mansyon para makipaglaro sa akin. I appreciates his efforts kahit na alam ko na busy siya ay nagagawa niya parin akong paglaanan ng oras. Hindi tulad kina mom and dad na puro trabaho. Minsan nga ay umuuwi sila para magbakasyon pero syempre, trabaho parin ang dahilan at hindi kaming mga anak nila." isang mapait na ngiti ang pinakawala niya sa pagkwekwento.

"Hanggang sa dumating yung punto na pati si Grand Primo ay madalang ng bisitahin ako. Umuwi na naman sina Kuya and ate, oo may kasama ako pero hindi ko gusto na kalaro sila. Pati sa kanila ay lumayo narin ang loob ko, ngayon nalang ulit kaming nagkakausap kumpara dati na halos hindi na kami nagpapansinan."

Pero sa kanilang magkakapatid naman ay mas close niya si Ate Sidney. Hindi ko siya masyadong nakikitang kausap si Kuya Blaise, siguro dahil takot din sa kaniya si jade sa hindi ko malamang dahilan.

"I was on my first year at Kelton University ng makilala ko sina Alistair ang iba. Niyaya niya akong sumali sa isang gang na kinabibilangang ng kuya niya. Almost 1 year din kaming nagsama-sama at nakipag-away sa ibang gang hanggang sa natibag ang samahan namin. Kaming dalawa nalang ni Alistair ang natira, so we think that it's time to form a new group. Yung kaming dalawa yung mamumuno, hanggang sa dumating ang panahon at nadagdagan ang grupo namin na hanggang ngayon ay aktibo parin." pagpapatuloy niya.

Kaya pala..

Kaya pala madalas silang mag-usap sa kanilang tambayan.

Kaya pala kinatatakutan sila ng lahat ng estudyante sa kelton university.

Kaya pala ganun nalang sila kakilala ng lahat.

Kase isa pala silang sa grupo..

"I named it UNIQUES, kase kami ay kakaiba. Sound so weird but i choose it para tumatak kami sa aming mga kalaban sa tuwing natatalo na namin sila. Madami narin kaming napabagsak at ang ilan sa kanila ay ngayo'y tinitingala na kami. Dahil dun, naging kilala na kami sa Gang Society. Madaming nagsesent ng invitation sa amin para makipaglaban, we refuse some of them kapag alam naming mahina pa. At kapag naman alam naming malakas sila nilalabanan namin sila."

"I thought it would be fun. Akala ko magiging masaya na ako sa ganitong paraan, but i wasn't. Kase lahat ng ito ay nananatiling lihim sa pamilya ko hanggang ngayon. Natatakot akong malaman nilang kasali ako, at ang mas malala pa ay ako ang Gang Leader. I would be dead if malaman nila lahat ng 'to, that's why i'm begging you to keep it as a secret. Alam ko ang maaaring mangyari kapag nagkataon, they will send me to paris and worst , kokontrolin nila ako kung ano man ang gusto nila na sa tingin nila ay makakabuti sa akin."

Nakaramdam ako ng awa bigla sa kaniya. Dahil sa kawalan ng atensyon sa kaniya ng magulang niya, napasali siya sa ganitong klaseng grupo. Hindi ko alam pero bigla ko nalang hinawakan ang kamay niya, napatingin naman siya sa akin na halata sa mukha niya ang pagkabigla.

"Mapagkakatiwalaan mo ako at naiintindihan kita. Nandito lang ako palagi, kagaya nung mga sinabi mo sa akin sa Batangas." sabay ngiti at bawi sa kamay ko mula sa kaniya. Ilang segundo pa siyang nakatingin sa akin hanggang sa umiwas siya na parang naiilang.

"Now that i make things clear for you , masasagot mo na siguro ang tanong ko." napatingin naman ako sa kaniya na ngayo'y nakatingin na din sa akin.

"Si D-denver. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa inyo at sayo. Sinabi niya rin sa akin na mas mabuti daw na kay Kuya Blaise ko itanong para mas maintindihan ko." napataas ang kilay niya at bahagyang napakunot ang noo.

"Who's that Denver?" tanong nito. Mukhang hindi niya kilala si denver pero kilalang kilala siya nito. Nakakapagtaka lang....

"Si Jan Denver Flores, hindi mo ba siya kilala?" pagkasabi ko nun ay biglang napalitan ng gulat ang mukha niya. Napatingin din ako sa mga kamay niya na ngayo'y naka-kuyom na.





Bakit kilala ba niya si Denver?



to be continued.....


His Promdi Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon