Alisa's POV
"Saan po ba tayo pupunta?" tanung ko kay Sir Blaise habang nasa byahe.
"Somewhere,kung saan merong Kapeng Barako. May alam ka ba na pwede nating puntahan?" sagot nito habang nakatingin sa daan.
Kung kapeng barako lang pala ang hanap niya bakit hindi nalang sa batangas? Kilala kase ang aming probinsiya sa kapeng barako at talagang dinadayo iyon ng mga turista hindi lang para bumili at para uminom na din nito kasabay ng malamig na klima.
"S-sa batangas po." tugon ko
"Masyadong malayo yun at matatagalan tayo sa byahe. Kailangan nating umuwi at exactly 1pm dahil kailangan pa namin sunduin si Lolo." sambit nito
Tama siya,masyadong malayo ang Batangas at mukhang hindi rin maayos ang daloy ng mga sasakyan palabas ng maynila baka matagalan kami sa pag balik.
"Ipinadeliver ko nalang ang mga kape sa mga tauhan namin mula sa probinsiya papunta dito sa Manila and that coffee is originally from Batangas pa din naman." dugtong nito sabay tingin sa telepono niya.
Sayang! kung sana ay sa Batangas kami pupunta ay magpapadaan ako kina nanay. Kaso nga lang di rin naman yun mangyayari kase baka hindi pumayag si Sir Blaise at isa pa nakakahiyang magsabi sa kaniya.
Hindi na ako nagsalita pa sa buong byahe hanggang sa tumigil ang sasakyan namin sa isang malaking bahay.
"Let's go." anyaya ni Sir at naunang bumaba ng sasakyan. Sumunod naman ako sa kaniya at sumalubong sa amin ang isang matandang babae.
"Nandito na po ba ang hinihingi ko?" kaswal na tanung ni sir sa matanda.
"Opo señorito,umupo muna po kayo saglit at mamaya lang ay tapos na ang pagbabalot doon." magalang na sagot ng matanda at umalis.
Umupo si Sir Blaise sa isa sa mga sofa nanatili akong nakatayo ng muling dumating ang matandang babae dala dala ang isang paper bag na mukhang naglalaman ng kapeng hinihingi ni Sir.
"Heto na po ang kapeng barako para kay Grand Primo." sinenyasan ako ni Sir na kuhanin iyon kaya iniabot ito ng matanda sa akin.
"Salamat Manang, mauna na kami." paalam ni Sir at umuna na sa akin na lumabas.
Lalabas na sana ako ng pigilan ako ng matanda.
"Teka Ija!" napatingin ako sa matanda ng tawagin niya ako. Ngumiti siya sa akin ng makahulugan
"B-bakit po?" magalang kong tanung kahit sa loon loob ko'y may nararamdan akong kakaiba sa kaniya.
"Ikaw ba ang nobya ni Señorito?" napa ubo naman ako sa sinabi niya na ikinabigla naman niya.
"N-nako po,nagpapatawa ba kayo? hindi niya po ako nobya." natatawa kong saad.
"Ganun ba? ay sige sumunod ka na kay señorito."
"Sige po hanggang sa muli po." saad ko at sumunod na kay Sir Blaise.
Sumakay na ako sa sasakyan at ipinatong sa katabing upuan ang paper bag. Tumingin naman ako kay Sir ng mapansing di pa niya binubuhay ang makina ng sasakyan.
"Ano 'pang sinabi sayo ng matanda?"
Napatingin ako ng magtanong ito.
"W-wala po." sagot ko sabay lunok.
"Dinig ko na tinawag ka niya bago umalis."
Sasabihin ko ba yung tinanong sa akin nung matanda? nakakahiya naman kung sasabihin ko diba?
BINABASA MO ANG
His Promdi Slave
Teen FictionIsang simpleng probinsyana lang si Alisa , hindi niya inaasahan na sa pagtapak niya sa lungsod ng maynila ay magiging katulong siya ng isang mayamang pamilya. Makikilala niya ang isang lalaking mang-gugulo sa buhay niya at gagawin siyang alalay sa u...