Chapter 9

587 22 7
                                    

ALISA'S POV

"Ano ba!Bitawan mo na nga ako!" inis kong singhal sa halimaw na patuloy parin akong hinihila.Konti nalang talaga at masasapak ko na ang halimaw na ito.

"Pwede ba tumahimik ka!" bulyaw nito.

Nakakahiya na sa mga estudyanteng nadadaanan namin, lahat sila ay nakatingin sa akin at sa hari.

"Nasasaktan na ako! ano ba!?"  pagrereklamo ko sa kaniya.

"Sadyang masasaktan ka sa akin!" sigaw nito.

Hindi na ako muling nagsalita at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan. Wala na naman kase akong magagawa.

Hanggang sa huminto kami sa isang malaking pinto.Teka? Nasa university pa din ba kami? Bakit may ganito?

Napatingin naman ako sa braso ko na pulang pula na, kasalanan to ng halimaw na kasama ko.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" singhal ko sa kaniya.Tumingin siya sa akin ng nakakamatay at mukhang may mali sa sinabi ko.

"Where is your manners? Hindi mo ba naaalala yung deal nating dalawa?Slave kita at amo mo ako." mariin niyang paalala sa akin.

Igagalang ko pa din ba itong lalaking ito? eh napaka bastos niya nga, basta   nalang nanghihila.

Pumasok siya sa loob ng silid kaya sumunod ako. Bumungad sa pagpasok ko ang isang kwarto na parang isang  bahay, napansin ko din ang dalawang lalaki na prenteng naka upo sa isang sofa.

Siya yung Alistair at yung isa ay hindi ko kilala. Napatingin sila sa aming dalawa,marahil ay nagtataka sila kung bakit niya ako kasama dito sa tambayan nila.

"Who's that?" tanung ng isa kay Sir Jade.

"I want you to meet my Promdi Slave." pakilala niya sa akin sa mga kaibigan niya.

napatingin naman ako ng masama sa kaniya

"Iba ka talaga Jade." papuri nung  isa.

"Then i remember you now " napatingin naman kami kay Alistair. mukhang natatandaan niya na ako.

"Nagkita na kayo?" tanung ni Sir Jade.

"Sinong hindi matatandaan ang pagmumukha ng babae na iyan! walang manners at napaka bastos!" asik ni Alistair.

"Excuse me huh! ikaw kaya yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" sabat ko naman.

"Teka nga lang? ano bang nangyari sa inyo at ganyan nalang ang galit niyo sa isa't isa." tanung nung lalaki sa amin

"Can you please shut your fvcking mouth Kobe? Napaka ingay mo!" suway ni Alistair sa kaniya.

Kobe pala ang pangalan niya.

"Don't talk to them like that sa harap ng mga kaibigan ko at dapat na igalang mo parin sila." singhal naman sa akin ni Sir Jade.

Hindi nalang ako umimik baka mapaaway na naman ako. Napatingin pa ako sa bastos na si Alistair na ang sama sama ng tingin sa akin.

"Since Slave naman kita, lahat ng gusto at utos ko ay susundin mo.Walang reklamo at walang aangal kung ayaw mong maparusahan,do you understand?"

Tumango nalang ako sa halimaw , ayoko siyang kausapin. Napaka yabang niya kase akala mo naman kung sinong mayaman.

"So, pwede namin siyang utusan?" tanung ni Kobe. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin ngunit kinindatan niya lang ako.

His Promdi Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon