Chapter 65

7.2K 209 17
                                    


Sobrang takot ang naramdaman ni Autumn nang piniringan na ang kanyang mga mata. Pero, hindi siya nanlaban. Balewala kung lalaban siya, mauubos lang ang lakas niya at ayaw niyang patulugin siya ng mga ito. Gusto niya na alam niya ang lahat ng nangyayari pati na rin ang usapan nila. At saka, baka saktan siya ng mga ito kapag gumawa siya ng ikagagalit nito at mapahamak sila ng anak niya.
     Pero kanyang ipinagtaka dahil hindi naging marahas ang mga bumihag sa kanya, mabilis man pero marahan ang pag-alis nito ng kanyang salamin sa mata. At magalang pa nitong iniabot sa kanya. Pero, gayunpaman ay ayaw niyang pakampante at baka palabas lang ng mga ito ang marahan na pagtrato sa kanya.
    Ace! Ace! Ang sigaw ng isipan niya, bakit ngayon pa ito nangyari sa kanya kung kailan nakakita na siya ng bagong pag-asa para magkabalikan sila ni Ace. Talaga bang may mga babalakid sa kanilang dalawa? Ang naluluhang tanong ni Autumn sa sarili.
    Though she tried to remain calm, hindi pa rin nawawala ang lakas ng kabog sa kanyang dibdib. Bakit ba nangyayari sa kanya ito?! Ito ba ang kapalit ng pagiging anak ng isang PNP chief? Ang iniiwasan na mangyari ng kanyang daddy ay nangyari na ngayon, ang naiiyak niyang sabi.
    Pero pinigilan niya ang lumuha, hindi siya pababayaan ng kanyang daddy at ni Ace, umaasa siya na kapag nalaman nito ay di siya nito pababayaan. Alam niya na kahit papaano ay gagawin nito ang lahat para masagip siya. Ang umaasang sabi ni Autumn sa kanyang sarili.
    "Tawagan mo na si boss" ang narinig niyang sabi ng lalaki na nagmamaneho.
    "Sigurado matutuwa yun, sulit ang ibinayad niya sa atin" ang narinig niyang sagot ng lalaki na nasa kanyang tabi.
    Sino kaya ang gagawa nito sa kanya? Mga drug lord kaya na may galit sa daddy niya? Ang takot na sabi ni Autumn sa sarili.
    "Boss, nasa amin na ang package, maghintay ka lang sa dropped off point" ang narinig niyang sabi nito, "okey po siya, mukhang nagmana sa kanyang daddy, matapang, ni hindi makitaan ng takot, ewan ko lang pag nakita ka na" ang sabi pa nito sabay tawa ng mahina.
    Autumn was breathing deeply, her nostrils flared in every deep and quick breath that she's taking. Baby, hold on, we're going to be okay, O God please, wala sanang mangyari sa kanilang masama ng baby nila, please Lord! Ang panalangin ni Autumn.
    Sa tantiya ni Autumn ay may oras na silang bumibiyahe, at dire-diretso ang kalsada na dinaanan nila, hindi sila tumigil dahil sa matinding traffic o para magbayad ng toll. Saan kaya sila banda ng Luzon papunta? Ang tanong ni Autumn sa sarili.
    Kung may paraan lang para masundan siya ng kanyang daddy, alam na kaya ni Perez na nawawala siya? Ang tanong niya, and then it hit her, yes! There was a way! And that moment she thanked her dad for monitoring her. She and her baby are going to be alright, ang umaasa at natutuwa niyang sabi sa sarili.

     "Yes your honor, I can guarantee the people na naging malinis ang pamamahala ng PNP, sa ilalim ng aking panunungkulan" ang sagot ng PNP chief sa tanong ng isang senador sa kanya. Nang may biglang lumapit na pulis sa kanya at bumulong.
     Hindi na tinapos pa ng General ang sinabi ng pulis, bigla itong tumayo at halos patakbong lumabas ng senate hall, kasunod ang mga pulis escorts na kasama niya. Biglang nagtinginan ang lahat ng mga tao senador, guest, at witnesses sa ikinilos ng heneral.
    "What the hell was that?!" ang galit na tanong ng isang senador dahil sa biglang pag-alis ng General. Nang may lumapit din na isang pulis sa senador para sabihin ang nangyari.
    Napailing ang senador, "I hope he'll handle this situation well" ang tanging nasabi nito.

     "What the hell happened! Where's Perez?" ang galit na tanong ng General, kitang-kita ang galit at panggigigil nito, at namumula na ang mukha nito.
    "Sir dito po" ang turo ng isang pulis sa isang bakanteng kwarto sa senate, pagpasok nila ay naroon si Perez na halata na takot na matikman ang galit ng hepe.
    "Anong nangyari? Paanong nawala si Autumn?" ang galit na tanong nito.
    "Sir, ang usapan po namin ni ma'am na iaayos ko lang po ang kotse sa likod na parking, doon na po kami dadaan dahil busy po ang driveway sa harap dahil po sa maraming pasyente, sabi ko rin po na hintayin na lang niya ako at susunduin ko siya sa kwarto niya pero tumanggi po siya at sabi niya na kaya daw po niya at nakainom na siya ng vitamins, ang sabi ko pa nga po na itext na lang po niya ako o tawagan kapag nasa lobby na po siya para masundo ko siya" ang takot na paliwanag ni Perez.
    "Then?" ang naiinip na tanong ng PNP chief.
    "Yun po ang tagal ko ng naghintay sa ibaba, halos thirty minutes na pero wala pa rin akong natanggap na tawag o text, akala ko po na bumalik siya sa doctor niya kaya umakyat binalikan ko po siya sa kanyang private room pero wala na po siya roon nagtanong ako sa mga nurse na baka may nakakita sa kanya ang sabi lang ay may sumundo daw po na lalaki" ang paliwanag ni Perez.
    "DuPont?"ang umaasang tanong ng PNP chief. Mas gugustuhin pa niya at baka hindi pa pagalitan ang anak kung si Ace ang kasama nito.
     Pero parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng makita na umiling ang batang police. Iba ang sumundo sa anak niya?
     "Tiningnan ko po sa CCTV ng hospital sir, hindi po ang asawa ni ma'am ang sumundo kay ma'am, umiwas po ito ng mukha, tila alam na mya camera, pero, hindi po si DuPont ang sumundo kay ma'am"
    "Bwisit!"ang sigaw ng PNP chief, "we need to go back sa Crame, I need some back up" ang sabi nito.
    "Sir hindi na po ba natin pag-aaralan ang mga kuha ng cctv?" ang tanong ni Perez.
    "I don't need that" ang sagot ng matandang General, sabay kuha ng kanyang phone, "Velasco, I can always count on you, track my daughters phone!"

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon