Chapter 39

6.5K 184 38
                                    

Bitbit  ang dalawang bag ng groceries, isinuot ni Autumn ang susi sa keyhole ng pinto. Ace was kind enough to gave her a spare key, bago pa siya umalis kanina. Nauna siyang umalis at naiwan niya si Ace na naghahanda pa lang papasok nito ng opisina.

     Inabot na rin siya ng hapon, sa kanyang trabaho, nagkasabay kasi ang dalawa niyang kliyente, dahil na rin sa delay, gawa na rin ng biglaang honeymoon nila ni Ace.
     Medyo late man na siyang nakauwi, pero nagawa pa rin niyang makapag grocery, ang masayang sabi ni Autumn sa sarili. Makakapag luto siya ng hapunan, habang nag-aayos siya ng kanyang mga gamit.

    At makakapag –

    Natigilan si Autumn sa kanyang pag-iisip ng pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang magulong loob ng bahay.

    Halos namilog ang kanyang mga mata sa likod ng kanyang salamin at dahan-dahan siyang pumasok sa loob, at talaga namang nakakapanlumo ang naabutan niya.

     Hindi niya alam kung bakit nagkaganuon ang loob, pinasok ba sila ng magnanakaw? Ang alarmang tanong niya sa sarili.

    Pero bakit puro damit lang ang nakakalat? Ang iba ay nasa sahig at ang iba ay nakasabit sa kung saan, at mukhang ito pa ang mga maduduming damit nito na nasa hamper kanina, ang sabi ni Autumn sa sarili.

     Ano bang ginawa ni Ace at nag kalat ang mga damit nito sa bahay? Ang tanong niya sa sarili, napabuntong-hininga na lang si Autumn. Mabilis siyang nagpunta sa kusina, inilapag niya ang shopping bag sa kitchen counter, saka niya sinimulang iaayos sa pantry ang mga pinamili niya.

     Pagkatapos ay mabilis niyang kinuha ang basket sa loob ng isang cabinet sa kusina kung saan nakalagay ang mga cleaning materials at mga laundry baskets.

     Mabilis na kumilos si Autumn at sinimulang niyang damputin ang mga damit nito at inilagay sa basket.

     She did it, while sorting it out, batay sa kulay at fabric ng mga ito. Pinaghiwalay niya ang mga white at colored na damit pati ang underwear na kanina lang ay nahihiya siyang damputin, pero dahil sa pagmamadali na niya ay hindi na niya inisip na underwear yun ni Ace, asawa naman na niya ito, so bakit pa siya mahihiya, ang giit niya sa sarili. At laking pasalamat niya, dahil na rin sa puro cotton ang damit nito, at hindi ito maselan labhan.

     Agad niyang isinalang sa washer/ dryer na nasa kusina ang mga puti nitong damit. At nang maisalang na niya ang unang batch ng labahan, ay nagsimula naman na magluto si Autumn ng ulam. At dahil sa walang rice cooker si Ace, na napansin na niya kanina, ay nakabili siya ng maliit na rice cooker, na sa tingin ni Autumn ay kasya na para sa kanilang dalawa ni Ace.

     Sinimulan niyang linisin muli ang magulong living room, nagtaka naman siya kung bakit pati mga sapatos ni Ace ay nakakalat sa living area. Ganito ba ito magbihis? Pero hindi naman ganun kakalat kahapon, nang umalis din ito.

     Instead of complaining that would only drain her strength, ay ipinagpatuloy niya ang pagliligpit. Inayos niya sa isang shoe rack na nasa gilid ng pinto ang mga sapatos ni Ace.

     Pagkatapos niyang icheck ang ulam kung luto na ito, ay tapos na rin malabhan at mabanlawan ang mga damit kaya pinindot na niya ang option na dryer, para matuyo na ang unang batch ng damit, pagkatapos ay inalis na niya ang mga tuyong damit, saka siya muling, nagsalang sa washer ng pangalawang batch ng damit ng damit.

     Pagkatuyo ng damit ay itinupi niya ang mga ito ng maayos. She was thankful at hindi na plantsahin ang mga damit ni Ace, at nabawasan ang gawain niya.

     Pagkatupi ng mga damit ay dinala na niya ito sa loob ng kwarto, at dahil ngayon pa lang siya nakapasok ng kwarto simula ng dumating siya, ay nanlambot na naman siya sa nakita. Napapikit na lang siya at napabuntong-hininga.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon