Chapter 3

9.9K 250 13
                                    

“Ace, muntik ka na namang malate kanina” ang sabi ni Deven kay Ace, habang umiinom sila ng beer sa isang malapit na bar sa kanilang office.
     “I’m sorry, bwisit kasi yung babaeng naghahakot ng gamit kanina pataas ng building” ang sagot ni Ace, bago lumagok ng beer sa bote. Sabay himas sa noo niya na umimpis na ang bukol.
     “Bakit ba kasi hindi ka na magtino?” ang tanong ng kaibigan sa kanya.
     Ace snorted, dahil sa sinabi ng kaibigan, “what? Hindi porke, nag work sa iyo ay mag wowork din sa akin pre” ang sagot ni Ace habang umiiling.
     “You’re not getting any younger, you should find a girl and settle down” ang giit ni Deven sa kanya.
     “May kapatid ba si Rain?” ang pabirong tanong ni Ace.
     Deven glared at him, dahil sa kanyang sinabi, saka lang niya napagtanto na patay na nga pala ang kapatid nito, at dahil sa kapatid na iyun ni Rain ay nagkaanak at nagkakilala sila ni Rain.
     “Sorry” ang sagot Ace, “pero pre, alam mo naman na hindi para sa akin ang love and much more settling down” ang giit ni Ace.
     “Why? Dahil ba sa nangyari sa akin?” ang tanong ni Deven sa kanya.
     Hindi sumagot si Ace at nag patuloy na lang sa paglagok ng alak sa bote.
     Napabuntong-hininga si Deven, “pre, hindi naman sa lahat ng bagay ay pare-pareho tayo ng karanasan, malay mo naman na sa unang pag-ibig mo pa lang ay yun na rin ang forever mo” ang sabi sa kanya.
     “Nagiging makata ka na pre” ang sagot ni Ace, “nga pala kamusta ang inaanak ko?” ang tanong niya para maiba ang topic ng kanilang usapan.
     "Kamusta na si Rain at Caleb?" ang tanong ni Ace.
     Batid ni Deven na iniiba na ni Ace ang usapan, hindi pa talaga handa ang kaibigan sa pag settle down, ang sabi ni Deven sa sarili.
     Pansin agad ni Ace na nagliwanag ang mukha ng kaibigan sa tuwing napag-uusapan ang pamilya nito.
     "Ayun ang laki-laki na ng tiyan ni Rain, si Caleb grabe, hindi namin namamalayan na lumalaki na" ang masayang sagot sa kanya ni Deven.
     “Mabuti at sinamahan mo ako ngayong gabi” ang sabi ni Ace sa kaibigan na bihira na rin niyang makasama.
     “Sandali lang ako, kailangan kong tulungan si Rain na mag-alaga kay Caleb at malapit na nga ang due date niya, anytime pwedeng lumabas ang future inaanak mo, kahit pa nandun na ang mama ni Rain sa bahay, ay gusto ko pa rin na ako nag-aalaga sa anak ko” ang sagot nito.
     “Then umalis ka na, ikamusta mo ako sa inaanak ko at kay Caleb, saka kay Rain” ang bilin ni Ace sa kaibigan na tumayo na para umalis.
     “Thanks pre, bukas, please don’t be late” ang huling sinabi nito bago ito nagmamadali na umalis ng bar.
     Naiwan si Ace sa lamesa, then maya-maya ay kinuha niya ang kanyang phone. He scrolled his contacts, naghahanap siya kung sino ba ang pwede niyang makasama ngayong gabi. Wala naman siyang sakit, na hindi siya makatiis ng walang sex, it’s just that, somehow, he’s seeking for companion. Just for an hour or the whole night.
     Aminado naman siya na kahit papaano ay gusto rin niya ang may makakasama sa bahay, pero panandalian lang, ayaw niya ng pangmatagalan. Ayaw pa rin niya na maranasan ang nangyari sa kaibigan na halos nawala ang pagkatao nito.
     Nang may makita na siya na pangalan na sa tingin niya ay game para sa gabing iyun, agad niya itong tinawagan at pinapunta sa kanyang condo.

     “Good evening ma’am” ang bati kay Autumn ng mga pulis sa kanya pagpasok niya ng vicinity ng Camp Crame. Halos araw-araw o gabi-gabi kasi siyang nagpupunta rito kaya, kilala na siya ng mga ito.
     Tumangu – tango naman si Autumn at matipid na ngiti ang kanyang isinasagot sa mga pagbati nito. Mabilis siyang naglalakad patungo sa tinutuluyang bahay ng ama sa loob mismo ng Crame. Papalapit na siya sa pinto ng bumukas iyun at lumabas ang isang opisyal na pulis, nang makita siya ng isa sa mga high ranking officials din ng PNP, ay isang malapad na ngiti ang isinalubong sa kanya nito.
     “Magandang gabi Autumn” ang bati sa kanya ng matandang opisyal, na mas bata lang ng kaunti sa kanyang ama.
     “Magandang gabi rin po, General Espina” ang kanyang bati rito.
     “Tapos na kaming mag-usap ng iyong daddy” ang sabi sa kanya nito.
     “Salamat po” ang matipid niyang sagot sa matanda na binuksan ng husto ang pinto para sa kanya.
     Pumasok na si Autumn sa loob, at mula sa pinto ay dining niya agad ang malakas at maawtoridad na boses ng ama.
     Nakatalikod ito at may kausap sa telepono, mukhang importante ang pinag – uusapan nito, kaya nanatili lang siyang tahimik at nakatayo sa isang tabi. Maghihintay siya na iacknowledge ng ama, bago siya tuluyan na lalapit dito. Napansin niyang nakauniporme pa ang ama, malamang ay, kauuwi lang din nito.
     “Peste, di na talaga mabawasan ang mga pulis scalwags, nadagdagan pa, imbestigahan nyo iyan, dahil malaking banta iyan sa atin, and ang operation bukas? Kasado na ba?” ang narinig niyang tanong ng ama.
     “That’s good, bukas natin pag-usapan iyan” ang huling sabi nito, bago pinatay ang kanyang phone, saka ito humarap sa kanya.
     “Autumn halika, dito tayo sa dining” ang utos sa kanya nito. Agad namang sumunod si Autumn sa ama, tahimik lang siya na naglakad sa likuran nito.
     “Maupo ka” ang sabi nito, sa kanya at agad naman siyang tumalima. Napansin niya na may nakahanda ng pagkain sa lamesa, siguro ay pinahanda na ito ng kanyang daddy kanina.
     Naupo ang kanyang daddy sa head ng four seater na dining table. Maliit lang ang bahay na tinutuluyan ng ama sa loob ng krame, sapat lang para sa nag-iisang heneral na naninirahan doon.
     Hinintay niyang magsimula ang ama na kumuha ng pagkain nito, may dalawang ulam na nakahain sa lamesa. Isang prito na isda at isang ensalada, at mainit na kanin.
     Nang maglalagay na siya ng kanyang pagkain sa plato ay naalala niya na di pa pala siya nakapaghugas ng kamay.
     “Dad, excuse lang po” ang sabi ni sa ama.
     “Saan ka pupunta?” ang tanong nito sa kanya.
     “Maghuhugas lang po ako ng kamay” ang mahinang sagot niya.
     Napabuntong-hininga ang kanyang daddy at kumunot ang noo, tanda na hindi nito nagustuhan ang gagawin.
     “Dapat kanina mo pa ginawa, hindi yung kung kailan ka nakaupo saka ka pa tatayo ulit para lang maghugas ng kamay” ang sagot nito sa kanya.
    “Pasensiya na po dad” ang mahinang sagot niya.
    “Sige na” ang sabi ng ama saka lang siya tumayo para magpunta sa kitchen counter para maghugas ng kamay, saka siya mabilis na bumalik at naupo.
     Halos matatapos na silang kumain, pero nanatili lang na tahimik ang paligid. Hindi sila katulad ng ibang pamilya na maingay sa harap ng hapag, yung may kwentuhan, may tawanan, at minsan nag-aaway pa. At yun, yun, ang gusto ni Autumn, gusto niyang maranasan ang ganuong pamilya.
     “How’s your work?” ang simulang tanong nito sa kanya nang matapos na sila na kumain.
     “It’s okey dad I just finished furnishing a unit sa isang kilalang condominium dito sa Quezon City” ang sagot ni Autumn.
     Tumangu-tango lang ito, kahit minsan ay walang lumabas na words of praise sa mga labi ng kanyang ama para sa kanya.
     “Pinapunta kita rito dahil may sasabihin ako sa iyo, at importante ito” ang sabi ng kanyang daddy sa kanya.
     “Ano po iyun, daddy?” ang magaling niyang tanong, minsan tingin ni Autumn sa sarili ay isa pa ring maliit na bata, sa tuwing kasama niya ang ama.
     “You’re going to be married”

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon