Dalawang araw na ang lumipas, mula ng iwan siya ni Autumn. He tried to call him several times pero mukhang nakablock na ang number niya o nagpalit na ng number si Autumn.
At dahil sa dalawang araw na siya na hindi pumapasok ay tinawagan na siya ni Deven, gusto nitong malaman kung anong dahilan at hindi siya pumasok ng magkasunod na dalawang araw.
Hindi niya masabi sa kaibigan na iniwan na siya ni Autumn, kaya nagsinungaling na lang siya rito at sinabi na masama ang pakiramdam niya. Pero mukhang nadarama ng kaibigan ang kanyang lungkot.
"May sakit ka? Anong sakit mo?" ang usisa sa kanya ni Deven.
Sakit sa puso, puso na durog na durog, wasak na pagkatao na katulad mo noon, ang gusto sanang isagot ni Ace.
"May sakit nga ako Deven" at suminghot siya, hindi dahil sa may sakit siya kundi dahil sa walang tigil na kaiiyak niya.
Matagal na nanahimik si Deven sa kabilang linya, tila ba nakikiramdam at nag-iisip ito.
"Ace, may problema ba?" ang alalang tanong ni Deven halata sa boses nito ang pag-aalala
"Wala Deven, may sakit lang talaga ako" ang sagot ni Ace, "I have to hang up Deven"-
"Gary is dead" ang sabat ni Deven.
Natigilan si Ace sa narinig, Gary is dead? Ang di makapaniwalang sabi ni Ace sa sarili, ang PNP chief ba ang may gawa nito? Ang tanong ni Ace sa sarili.
"H-how?" ang tanong ni Ace, sandaling tumigil ang pagluha niya.
"Didn't you watch the news this morning?" ang tanong ni Deven, alam ni Deven na kaibigan niya si Gary.
"Ah, no,"
Deven sighed, "he was stealing money in our company para may pantustos siya sa pagsusugal niya"
Hindi nakasagot si Ace, nanatili siyang tahimik, hindi niya alam kung anong sasabihin ng mga sandaling iyun.
"He was reported missing two days ago, at sinabi na may nakakita rito na may kasama na mga Chinese nationals at isinakay ito sa isang van, natagpuan nila ang katawan nito this morning sa isang masukal na talahiban sa Rizal" ang saad pa ni Deven.
"I'm sorry Ace, alam kong kaibigan mo si Gary, nakasama ko siya noon, pero hindi ko siya naging kaibigan, hindi katulad mo sa kanya" ang dugtong pa ni Ace.
"OK lang Deven, ah, I'm sorry but, I'm really not feeling well right now, I have to hangup now Deven, salamat sa balita" ang pamamaalam niya sa kaibigan.
Ace hang-up, Gary was a demon, he thought that he deserved what happened to him, nang mga sandaling iyun ay hindi siya nakaramdam ng awa sa dating kaibigan, dahil na rin sa ginawa nito sa kanila ni Autumn. Though he thought that death was not in his mind for him but he thought, you reap what you sow. At iyun ngayon ang nangyayari sa kanya.
Kung noong una pa lang ay nagtiwala na siya na magmahal at hindi nilabanan ito, baka nasa tabi pa niya si Autumn ng mga oras na iyun.
Maya-maya ay tumunog na naman ang cellphone niya, may natanggap siyang text message sa number na hindi niya kilala.
Binasa niya ang text, "si ma'am po ay ngayon lang lumabas ng Crame, binati ko po siya kung saan siya pupunta, ang sagot lang po niya ay mag grocery daw siya, siyanga pala sir, may pulis escort po si ma'am" ang dugtong pa nito.
Alam na agad ni Ace kung kanino nanggaling ang message, kahit papaano ay natuwa siya at naging totoo ang matandang pulis sa pangako nito. Isang matipid na salamat ang isinagot niya sa matanda.
Mababayaran din niya ang kabutihan ng matanda, mabibigyan din siya ng pagkakataon, ang sabi ni Ace sa sarili. Mamimili si Autumn? Kung di siya nagkakamali ay sa paborito nitong supermarket ito pupunta, five minutes drive lang ito sa Crame.
Kung bibilisan niya, maaabutan niya ito, nabuhayan ng loob si Ace, mabilis siyang tumayo at kinuha ang susi ng kanyang kotse. Nagbabakasakali at umaasa siya na makita niya si Autumn.
Hindi sanay si Autumn na may nakabuntot sa kanya at binabantayan ang bawat niyang galaw. Her dad insisted that she should have one, hindi lang para bantayan siya para hindi malapitan ni Ace, kundi para sa rin sa seguridad niya.
Kung dati kasi ay malayo lang ang bantay niyang pulis, ngayon ay nakasunod na ito sa kanya. Naaalibadbaran man ay nagpatuloy si Autumn sa pagtulak ng kanyang pushcart at namili na siya ng mga bibilhin.
Gusto niya sanang ipagluto ng ulam ang daddy niya at matagal na niyang hindi iyun nagawa. Ano kaya ang lulutuin niya? Caldereta? Paborito iyun ni Ace, ang sabi niya sa sarili.
No Autumn, wag mo siyang isipin, baka nagsasaya na iyun ngayon kasama ng mga babaeng kasakasama nito tuwing gabi. Pinasakay ka lang ni Ace Autumn, ang giit niya sa sarili.
Pero alam ni Autumn na hindi totoo ang sinasabi niya, ang mga sinabi ng daddy niya kagabi ang nagbigay ng duda sa kanya na hindi totoo ang mga sinabi ni Gary.
She bought some meat, chicken, pork at beef, at hindi niya namamalayan na ang mga paborito ni Ace ang mga pinamili niya. Narealised lang niya ng magtungo siya sa aisle ng mga gatas.
Pagkadampot niya ng isang carton ng milk ay naalala niya noong nilagyan niya ng suka ang carton ng gatas para gantihan si Ace, naalala niya kung paano nito halos isuka ang nainom na nag curdle na gatas at inakala nito na panis na ang nainom nito.
Hindi napigilan ni Autumn ang mapangiti, "Ace" ang bulong niya. Pero nang maalala na naman niya ang ginawa sa kanya ni Kyle, she shuddered, at agad niyang ibinalik ang gatas sa shelf.
Hindi niya pa kaya na makalimutan ang nangyari, ang naluluhang sabi ni Autumn sa sarili. Agad na niyang itinulak ang pushcart patungo sa cashier. At pagkatapos niyang bayaran ay binitbit na ng pulis escort ang kanyang mga bag at iginiya siya nito sa isang exit ng supermarket.
Yun naman ang pagpasok ni Ace sa harapan na entrance ng supermarket. Alam niyang kapag namimili sila ni Autumn ay sa likod na entrance sila dumadaan dahil iyun ang malapit sa parking area. Pero dahil sa puno na ang parking sa likod, wala na siyang nagawa kundi ang magpark sa harap ng supermarket.
Hindi rin niya napansin ang kotse ni Autumn, hula niya na ibang sasakyan ang gamit ni Autumn. Halos patakbo siyang pumasok sa loob at nagpalinga linga siya, inikot niya ang buong supermarket, umaasa na makita niya ang mukha ng babaeng pinakamamahal niya.
Halos mag-iisang oras na siyang naghintay sa loob, nagbabakasakali siya na nauna siyang makarating sa supermarket at paparating pa lang si Autumn.
"Autumn please" ang bulong ni Ace, nang biglang tumunog ang phone niya at nakita ang pamilyar na numero.
"Nakabalik na po si ma'am Sir, nagkita na po ba kayo?" ang sabi ng text sa kanya, napabuntong-hininga na lang si Ace at pinisil ang bridge ng kanyang ilong.
Isang matipid na "hindi po, salamat" ang isinagot niyang text sa matanda. Nanlumo na si Ace, nawawalan na siya ng pag-asa. Nang mabaling ang kanyang mga mata sa aisle ng mga beer ay naisipan niyang uminom na lang para makalimot na siya.
Nilapitan niya ang isang empleyado ng supermarket na abala sa pag-aayos ng mga lata ng beer sa aisle.
"Bigyan mo ako ng beer" ang sabi niya rito.
"Ilang piraso po sir?" ang magalang na tanong nito sa kanya.
"Dalawa" ang sagot niya at agad siyang inabutan ng dalawang lata ng beer.
Umiling siya, "dalawang kahon" ang muling sabi niya.Ginawa ni Autumn ang lahat para maging abala siya, dahil sa tuwing mababakante ang kanyang mga kamay at isipan, ay si Ace ang laman ng kanyang isipan, at ang mga kamay niya ay hinihimas ang sarili niyang pisngi, sa tuwing naaalala niya ang mga halik ni Ace sa kanyang pisngi.
Kasalukuyan na nakasalang na ang niluluto niyang sinigang, paboritong ulam din iyun ni Ace. Napangiti siya, lahat namang niluto niya, sinasabi nito na paborito nito, ang nangingiting sabi ni Autumn sa sarili.
"Autumn stop" ang bulong niya sa sarili. Mukhang kahit na abalahin niya ang sarili ay kinukuha pa rin ni Ace ang kanyang atensyon.
Tinimplahan na niya ang sabaw at tinikman, nang para sa kanya ay tama na ang asim, alat, at anghang na sakto na sa tingin ni Autumn ay sakto na sa panlasa ni Ace ay pinakulo niya pa muna ito ng kaunti saka niya pinatay ang kalan.
Kinuha niya ang candied na sampalok sa kanyang bulsa, binuksan niya ang plastic na wrapper nito at saka kinain ang maalat at maasim na buto ng sampalok. Nang makita niya ito sa supermarket kanina ay agad niya itong dinampot. Hindi niya alam kung bakit nakahiligan niya ito ngayon.
Naupo muna siya sa harapan ng dining table, maya-maya ay dumating na ang kanyang daddy. Agad siyang tumayo para batiin ito at halikan sa pisngi.
Kasunod nito ang imbestigador na laging kausap ng kanyang daddy, si Velasco. Aalis na sana siya para bigyan ang dalawa ng privacy para mag-usap ng pigilan siya ng kanyang daddy.
"Autumn just take a seat" ang utos ng kanyang daddy sa kanya, kaya dahan-dahan siyang naupo sa maliit na sofa.
"Go ahead Velasco" ang sabi ni General.
Tumangu-tango ang batang imbestigador, "yes sir, nabalitaan naman na po natin kanina ang pagkamatay ni Gary" ang paunang sabi ni Velasco na ikinagulat ni Autumn. Hindi niya alam ang tungkol dito, ni hindi na rin kasi siya nakakapanood ng balita nitong mga nakaraan na araw.
She swallowed hard, sinong pumatay kay Gary? Ang nangangamba niyang sabi sa sarili, may matinding galit lang ang gagawa nun kay Gary.
"Napag-alaman din po natin na malaki ang pagkakautang ni Gary sa mga casinos around and outside the metro as well, and also on illegal online lottery" ang pagpapatuloy nito at tumangu-tango lang ang daddy niya upang ipakita na nakikinig ito.
"We also discovered, na isa rin siya sa mga nagbebenta ng mga party drugs sa mga clubs at bars, and nasa watch list na siya ng PDEA na sangkot siya sa mga police scalawags or ninja cops sir, isa siya sa binabagsakan ng mga drugs para ibenta" ang sabi pa ulit ni Velasco.
"And lastly" ang pahabol pa ni Velasco sabay sulyap sa kanya, na ipinagtaka ni Autumn, "we just recently find out that, Gary was stealing money from DuPont's company. A large amount of money was stolen I think amounting to almost a hundred thousand already" ang saad ni Velasco.
Nanlaki ang mga mata ni Autumn, hindi siya makapaniwala sa narinig, si Gary na pinagkatiwalaan ni Ace, ay nakuha pa nitong traidurin ang sariling kaibigan? She felt sorry for Ace, dahil sa ginawang panloloko rito ng itinuring nito na kaibigan.
"Some says that Gary and Ace" ang sabi ni Velasco sabay tingin kay Autumn, "ay magkaibigan so he has motives also, so we have a lot of suspects para sa murder ni Gary".
"Ace wouldn't do that!" ang pasigaw na sabi ni Autumn at bigla siyang napatayo nakakuyom ang kanyang mga palad sa magkabila niyang mga hita.
"Autumn calm down, we know na hindi iyun magagawa ni Ace, pero siguradong isasama si Ace sa mga suspect"ang pagpapaliwanag ng daddy niya sa kanya.
"Opo ma'am, kailangan lang natin na malaman kung may nakunan ang cctv cam noong dinukot ito ng mga Chinese para malihis na ang kaso kay Mr. DuPont" ang paliwanag ni Velasco.
Kahit pa binigyan si Autumn ng assurance na pwedeng malihis ang kaso laban kay Ace hindi niya pa rin magawang di mag-alala. Bigla na lang sumama ang sikmura niya at tinakpan niya ang kanyang bibig at patakbo siyang nagtungo sa kusina para sumuka sa lababo.
Nagkatinginan ang kanyang daddy at Velasco at nag-alala ang mga ito sa kanya. Pinaalis na ng General si Velasco at mabilis itong lumapit sa kanya, hinimas nito ang kanyang likuran habang sumusuka siya, na akala mo ba ay wala ng bukas.
Nang mailabas na niya ang lahat ng laman ng kanyang tiyan ay hinugasan niya ang kanyang bibig saka niya pinunasan ng paper towel.
"OK ka na?" ang alalang tanong ng kanyang daddy sa kanya.
"Opo, dad, mauna na po kayong kumain gusto ko lang po munang mahiga sa kwarto" ang pagpapaalam niya sa kanyang daddy at hindi na niya nagawang hintayin pa ang sasabihin nito at pumasok na siya sa loob.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomanceA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...