Halos hindi napansin ni Autumn ang bilis ng mga nagdaang mga araw, mula sa pag kuha nila ng cenomar sa PSA at pag attend ng seminars, sa pag pili ng date ng kasal ay mabilis na dumaan lang sa kanila.
At dahil sa hands on sina Autumn, lola, at mama ni Ace sa pagpaplano ng kanilang kasal. Halos araw-araw ay magkasama silang tatlo. At kahit pa ayaw noong una ng dalawa na kumuha ng wedding coordinator ay, napagpasiyahan din ng mga ito na kakailanganin pa rin nila na kumuha ng coordinator para imanage ang flow ng kasal ni Autumn. Mula sa hotel kung saan siya aayusan, hanggang sa wedding ceromony at reception.Pagkatapos magtrabaho ni Autumn ay nagkikita silang tatlo para magplano. Nakapili na sila ng simbahan, ng venue para sa reception, at hanggang sa kaliit-liitang mga detalye. Talaga namang inasikaso ng husto ng lola at mama ni Ace ang lahat, at laking pasalamat ni Autumn, sa tulong ng mga ito. Na miss tuloy niya ang kanyang mommy, siguradong matutuwa rin ito ngayong ikakasal na siya at sigurado siyang makakasundo ng mommy niya ang lola at mama ni Ace.
Ang daddy naman niya, ay napakalaki na ng ipinagbago. Hindi na siya pinababantayan nito, although mahigpit pa rin ang monitor nito sa kanyang phone. Alam niyang nakaGPS pa rin siya, pero hindi tulad ng dati na kailangan niyang magreport sa kanyang ama sa bawat kilos niya. Hindi na nito ginagawa. Tatawag lang ito sa kanya sa umaga para kamustahin siya, at sa gabi naman para icheck kung nakauwi na siya ng bahay.
Hindi na rin nila masyado nakakasama ang daddy dahil sa busy ito ngayon sa trabaho, lalo pa at iba't ibang police operations ang isinasagawa ng PNP ngayon, lalo na pagdating sa drugs at sa paglilinis ng kanilang hanay. Kahit papaano ay namimiss na din ni Autumn ang kanyang daddy.
Nagkita silang muli ng hapon na iyun, sa isang coffee shop malapit sa location ng kliyente ni Autumn. Pagdating niya sa coffee shop ay naabutan na niya ang lola at mama ni Ace na matiyagang naghihintay sa kanya. Uminom ito ng kape habang may hawak na portfolio at tiningnan nila ito.
"Lola, mama" ang bati ni Autumn sa mga ito sabay halik sa mga pisngi nito. Isang magiliw na bati rin naman ang isinagot sa kanya nito at malapad na ngiti.
Naupo siya sa isang bakanteng upuan, "mukhang busy po kayo?" ang tanong ni Autumn.
"We're looking into some photos na binigay sa amin ng kilala naming designer, para sa wedding gown mo, okey na yung sa entourage, ikaw na lang ang walang damit, imagine that?" ang di makapaniwalang sabi ng lola ni Ace.
"Kahit ready to made na lang po lola, saka yung simple at hindi masyadong mahal" ang sabi ni Autumn.
"Tsk, hayaan mo ang presyo, pero gusto namin yung simple at elegant, ang sabi ng designer na may mga ready made na siya, sa size mo naman, baka meron na siya" ang sabi ng mama ni Ace.
"Oo nga kasi gahol na tayo sa oras, next week na ang kasal nyo, dapat makapili ka na ng damit" ang sabi rin ng lola ni Ace.
"Kung ganun, po, puntahan na po natin" ang sabi ni Autumn.
"You jerk!, ha ha ha!" ang masayang sabi ni Deven kay Ace, habang nagkakape silang dalawa sa opisina ni Deven nang hapon na iyun.
Napangisi na lang si Ace sa sinabi ng best friend, sinabi na kasi nito na ikakasal na siya. Huli na nga ng sinabi niya ito sa kaibigan.
"Bakit nung isang mo lang sinabi?! Sa isang linggo na pala ang kasal mo, at sa anak pa ng PNP chief?" ang di makapaniwalang sabi ni Deven, "akala ko pa naman napatrouble ka na noong dumalaw sa opisina si general DelaVega, tapos nung tinawagan mo ako, sabi mo pa napatrouble ka, yun pala ikakasal ka na, alam mo bang tuwang-tuwa si Rain ng banggitin ko sa kanya" ang masayang sabi ni Deven.
"Kamusta na nga pala si Rain at ang inaanak ko? Pasensiya na kung Di ako nakadalaw sa hospital nang manganak siya" ang sagot ni Ace.
"Naintindihan kita, you've been busy these past few days, I'm so happy for you" ang sabi ni Deven.
Hindi sumagot si Ace, nagdadalawang isip kasi siya kung sasabihin niya sa best friend niya ang tunay na dahilan kung bakit siya ikakasal. Pero ng makita niya ang masayang mukha ng kaibigan, ay hindi niya magawang masabi. Malalaman kasi nito ang gulong pinasok niya.
"Ano ba ang gusto mong wedding gift?" ang tanong ni Deven.
"Wala pa sa ngayon akong naisip" ang sagot ni Ace na tila ba wala namang interest sa kasal nila, pero hindi iyun alintana ni Deven, na talagang masaya para sa kanya.
"Sige may utang ako sa iyo" ang sagot ni Deven.
"Ililista ko na lang, kapag dumating na kailangan ko na, sisingilin kita" ang nakangiting sagot ni Ace.
"Kailan ko ba mamimeet si Autumn? Gusto namin siyang makilala ni Rain" ang tanong nito sa kanya.
"Naku, hindi ko pa alam, mukhang busy ang tatlo sa kaka asikaso sa kasal, ipinagdamot na nina mama si Autumn" ang sagot ni Ace.
Mahinang natawa si Deven, "sige, basta kapag free kayo, dalawin nyo lang kami sa bahay" ang sabi ni Deven, "syempre kukunin na rin namin siyang ninang"
"Look Ace, I know this is so sudden, but I'm so happy for you, na nakatagpo mo na ang babaeng mamahalin mo".
Ace didn't answer, he just lifted his coffee cup and saluted on his friend, bago siya humigop ng kape. Mamahalin? He doubted that, kailanman ay di niya mamahalin si Autumn. Hinding – hindi siya magmamahal ng babae, dahil kapag nangyari iyun, ay bibigyan din niya ng karapatan ito na saktan siya. At iyun ang iniiwasan niya.
Mukhang nabasa ni Deven ang gumugulo sa isip niya, "Ace, alam ko, natatakot kang mangyari sa iyo ang nangyari sa akin. Believe me, pagkatapos ng nangyari kay Emily, I was also scared na magmahal muli, pero I tried, and I open my heart again, and now look at me? I'm healed, hindi ko inakala na mangyayari ito sa akin, na magiging mas masaya at fulfilled ang buhay ko" ang sabi ni Deven sa kanya.
Muli ay hindi sumagot si Ace, at nanatiling nakatingin na lang sa labas ng bintana kung saan tanaw niya ang over looking view ng busy street sa ibaba.
Hindi niya alam, hindi niya alam kung anong isasagot sa kaibigan kaya pinili na lang niyang manahimik. Takot pa rin siya, takot siyang magaya kay Deven na halos ikasira ng pag-iisip at pagkatao nito ang magmahal.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
عاطفيةA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...