Ace took a quick shower, yes, he has to get out and unwind for a while, kakain naman na siguro mag-isa si Autumn at hindi na niya kailangan pa itong sabayan, ang sabi niya sa sarili. Nakailang balik na si Autumn, paakyat at pababa para sa paghahakot nito ng mga gamit. Hindi niya gustong sigawan ito, damn he felt so bad on himself.Pagkalabas niya ng banyo ay naupo siya sa gilid ng kanyang kama at napahilamos ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.
Nakita na naman niya ang sakit sa mga mata ni Autumn, he knew that she tried to be strong against his foul temper, but he saw the hurt in her eyes. And it gnawed the insides of him.
Its getting late, at mukhang hindi pa tapos si Autumn na maghakot ng mga gamit nito.
"Dammit" ang bulong niya sa sarili at napailing siya, wala naman sigurong masama kung tutulungan na muna niya itong mag-akyat ng mga gamit nito bago siya umalis. Baka kasi madisgrasya pa ito, at alam niyang siya ang sisisihin ng mama at lola niya. At syempre ng daddy nito.
Napabuntong-hininga na lang siya at tumayo, he decided to help Autumn, hindi naman ibig sabihin ng pagtulong niya rito ay mahal na niya ito at di kayang mawala sa buhay niya. No! Kawang – gawa lang ito. Katulad lang ng pagtulong niya sa bahay ampunan at convent ng Sta. Catalina. Helping her, was just a show of charity. Pagkatapos niyang tulungan ito ay pupunta na siya sa bar para mag unwind.
Yes, that's the plan, tumayo na siya at naglakad papalabas ng pinto with a smile on his face, pero nabura itong bigla nang pagbukas niya ng pinto at bumungad ang mukha ni Autumn. At ni LYNDON.
Biglang lumabas si Autumn ng kotse at hinarap niya ang lalaking nagsalita, nang makita niya ito ay isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi."Lyndon!" ang masayang bati ni Autumn kay Lyndon na nakatayo sa likuran niya.
"Ano bang kinukuha mo diyan sa backseat?" ang tanong ni Lyndon sa kanya."Ah, naghahakot kasi ako ng mga gamit ko" ang sagot ni Autumn, "dadalawin mo ba si Ace?" ang balik tanong niya.
"Actually ikaw ang sadya ko, about sa work mo, may client kasi ako na gusto kitang ipakilala, and I forgot to ask for your number kaya sinadya kita rito, nalaman ko rin kasi na nakabalik na kayo from your honeymoon" ang paliwanag ni Lyndon.
"Ganun ba, I really want to know more about your referral, kaso, hindi pa ako tapos na iakyat ang mga gamit ko" ang nahihiyang sabi ni Autumn.
"Sus, yun lang pala, I told you, I think you needed some help" ang nakangiting sabi ni Lyndon sa kanya.
"Ha naku, nakakahiya" ang mabilis na tutol ni Autumn, pero umiling lang si Lyndon.
"Step aside please" ang natatawang sabi ni Lyndon sa kanya, at nahihiya man ay pasalamat siya dahil sa kahit papaano ay mapapabilis ang trabaho niya at aminado siyang pagod na siya. Kaya nagbigay daan siya para makuha ni Lyndon ang mga natitira pang kahon.
"Ako na sa iba" ang sabi ni Autumn pero umiling si Lyndon, "babalikan ko na lang, iyan na lang ba ang natitira?" ang tanong ni Lyndon.
"Ah meron pa sa trunk mga dalawa pa" ang sagot ni Autumn.
"Mga dalawang balik pa ako" ang sabi ni Lyndon na hindi man lang nahirapan sa pagbitbit ng tatlong magkapatong na kahon. Sinabayan ni Autumn si Lyndon sa paglalakad papasok at paakyat sa kanilang unit. Nagkukuwentuhan at nagkakatawanan pa silang dalawa. Laking pasalamat ni Autumn at dumating si Lyndon, kahit papaano hindi lang ang gawain niya ang napagaan nito kundi pati na rin ang kalooban niya.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomanceA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...