Ace was looking at his watch, hapon na at hindi siya nakatanggap ng text or tawag mula kay Autumn. Magkasama na kaya sila ni Lyndon? Ano kaya ang ginagawa ng dalawa? Ang mga tanong na gumugulo sa isip ni Ace.
Napahilamos ang mga kamay ni Ace sa kanyang mukha, "shit Ace! Hindi mo dapat siya iniisip!" ang giit ni Ace sa sarili. Pero hindi niya mapigilan na hindi isipin si Autumn.
Nauna pa itong umalis sa kanya kaninang umaga, and she looked so damn good. While he? He looked like hell.
Hindi kasi siya nakatulog ng maayos, kahit pa nasa sariling kama niya siya natulog. He felt so bad, knowing that Autumn was sleeping on the couch sa salas. She shouldn't be sleeping there, ang sabi niya sa sarili. Pero nilalabanan niya ang sarili na huwag lapitan si Autumn. Kailangan na matuloy ang plano niya. Kung ngayon pa nga lang na bago pa lang sila na nagsasama ay sobrang attached na si Autumn sa sistema niya, mas lalo na siguro kapag nag tagal pa.
Kaya tama lang ang napagusapan nila ni Gary, he has to ged rid of Autumn, para hindi siya masaktan. Si Gary, siya ang kailangan niya sa mga sandaling ito, ang sabi ni Ace sa sarili. Tutal magkasama naman sina Autumn at Lyndon, siya naman ay magsasaya.
Yeah, kailangan na niyang makipagkita sa mga kabarkada niya, hindi naman labag sa kasal nila ang kanyang gagawin, makikipag – inuman lang naman siya. He got his phone and dialled Gary's number.
Yes, he should be having fun! Pero bakit parang matabang ang alak sa kanyang dila. Hindi katulad ng dati na wala pang isang oras ay nakakailang bote na siya ng beer, ngayon ay mag-iisang oras na sila pero hindi pa niya nakakalahati ang beer niya sa bote.
And that's not all, he used to be the life of the gang! Siya ang maingay, palatawa, at nakakaisip ng mga ideya na kalokohan sunod si Gary.
But now? Daig pa niya ang nasa funeral o library ng mga sandaling iyun. He was quiet.Nakauwi na kaya si Autumn? Ang tanong na sumagi sa isipan ni Ace, pinipilit man niya na hindi sumagi sa isip niya si Autumn pero, hindi niya mautusan ang kanyang isipan, na si Autumn ang kanina pang laman.
"Boss, ano ba'yan? Are you with us?" ang natatawang tanong ni Gary sa kanya.
Hindi sumagot si Ace, at pilit na lang niyang iniinom ang alak sa bote, pero muli siyang tinanong ni Gary.
"Nasimulan mo na ba ang operation mo?" ang nakangising tanong nito sa kanya.
Napabuntong-hininga si Ace, hindi niya masabi na oo naumpisahan na niya kaso pumalya kasi dumating si Lyndon Bridge is falling down.
"Hindi pa" ang matipid na sagot niya.
"Boss, baka naman tinamaan ka na kay Autumn kaya ka nagkakaganyan? Parang malayo kasi ang iniisip mo, kung gusto mo ng umuwi OK lang kahit pa namiss na ng tropa ang pagiging life mo ng party" ang sabi ni Gary sa kanya.
"Tinamaan kay Autumn? Ha ha ha!" ang pilit na natatawang sagot ni Ace kay Gary, "are you kidding me? Hindi ba sinabi ko na sa iyo na napilitan lang ako at gusto kong makaalis sa gusot na ito" ang dugtong pa niya.
"Then lighten up, hindi yung parang natalo ka sa giyera, dahil nag-uumpisa pa lang ang giyera mo kay Autumn, tandaan mo yan" ang giit ni Gary sa kanya.
Gary was right, nag-uumpisa pa lang siya, this time, hindi na dapat pa siyang pumalya, he has to do this right mercilessly, ang sabi niya sa sarili.
"I am lightening up!" ang sabi ni Ace kay Gary, sabay taas ng hawak na beer at inubos ang laman nito ng isang inuman lang.
"Order some more, I have to make up sa mga gabi na hindi ninyo ako nakasama" ang masayang sabi ni Ace at naghiyawan ang mga kasama niya sa lamesa.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomanceA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...