Dahil sa hindi naman grabe ang nangyari kay Autumn ay naiuwi na rin siya ni Ace kinabukasan, hinintay niya lang na makapahinga ito, bago sila umuwi. Maaga pa lang ay umalis na sila ng hospital, pagkatapos na linisan ng doctor ang kanyang tahi at icheck ulit ito kung may impeksyon. Thankful enough, at wala naman.
Autumn's car was at their condo parking already, the PNP chief took care of it last night, inutasan nito ang isang kasamang police escort para kunin at ihatid ang sasakyan ni Autumn.
Pagkarating nila ng condo sobra ang ipinakita ni Ace na pag-alalay sa kanya. As in kulang na lang yata ay kargahin siya ni Ace, palabas ng sasakyan at paakyat ng kanilang unit. But, she liked it a lot, kinikilig nga siya, pero pinigilan lang niya ang sarili.
Agad siyang dinala nito sa kwarto para makapag pahinga siya, pero gusto muna niyang makapagshower.
"Ahm, Ace, magshashower muna ako, kukunin ko lang yung damit ko sa luggage"
"No ako na, ipapasok ko na dito ang mga gamit mo, dito ka na rin magshower, wait I'll get your things" ang sabi ni Ace na mabilis na lumabas ng kwarto. Hindi mapigilan ni Autumn ang mapangiti, Ace was really beginning to treat her differently. Mahal na ba siya nito? O nakokonsensiya lang ito sa ginawa niya? Ang tanong ni Autumn sa sarili.
Pero nang maalala niya kung paano nito hinarap ang kanyang daddy sa hospital ay lalong minahal ni Autumn si Ace.
Maya-maya ay pumasok na si Ace bitbit ang kanyang toiletries at inilagay ang mga iyun sa loob ng kanyang banyo. Kinuha rin nito ang towel ni Autumn at ang luggage nito.
"Magshower ka na sa loob, if you need my help just yell" ang nakangiting sabi Ace.
Hindi naman napigilan ni Autumn ang mapangiti, "Thank you" ang mahina niyang sagot. Bago siya pumasok sa loob ng banyo.
Ace followed her with his eyes hanggang sa tuluyan ng makapasok si Autumn sa loob ng banyo. Pinigilan na. lang niya ang sarili na kabigin si Autumn papalapit sa kanya at ikulong ito sa kanyang mga bisig at ituloy ang naudlot nilang ginagawa sa hospital.
He wanted to make love to her, yes not sex but love. Pero hindi pa handa si Autumn, especially physically. Kailangan niyang hayaan muna na makapag pahinga si Autumn. And also, emotionally, he wanted Autumn to be emotionally ready for him.
Well he could wait, maghihintay siya ng kahit gaano man katagal para lang kay Autumn, one finger at a time, he thought.
Paglabas ni Autumn ng bathroom ay nagulat siya sa nakita, nakabukas na ang kanyang luggage at inaayos na iyun ni Ace sa closet nito. At dahil sa kaunti lang naman ang damit niya ay kaunting closet space lang ang nagamit niya. But she didn't expect this. Seeing Ace busy hanging her clothes in the closet.
Pero ang mga pisngi niyang namumula ay biglang namula at nag-init. Nakita niya kasi sa kama, na may inihandang mga damit niya si Ace. Maayos iyung nakatupi sa kama, isang shirt at pajama. At pares ng underwear.
Lalong nag-init ang mukha ni Autumn, nang maisip niya si Ace, na inaayos ang kanyang mga underwear. Lalo na ng marealised niya, na itinabi niya rin ang mga frilly underwear na ibinigay sa kanya ng mommy ni Ace. Naalala niya na ang ibang underwear were so flimsy na parang wala ng matatakpan kapag isinuot niya.
"Autumn, inihanda ko na ang isusuot mo, here" ang sabi ni Ace sa kanya, sabay turo sa mga damit na nakatupi.
Autumn cleared her throat, "thank you" ang halos hindi siya makatingin kay Ace sa hiya.
"I'll hang your last clothes, then I'll cook breakfast for us" ang sabi ni Ace habang isinasabit ang mga natitirang damit no Autumn, "oh by the way, nasa mga drawers ang underwear mo" ang dugtong pa ni Ace.
Autumn grimaced and bit her lip, gosh nakakahiya, ang sabi ni Autumn sa sarili, at hindi na siya nakasagot at tumangu-tango na lang siya.
Napabuntong-hininga siya, she wanted to wash her hair, kaso nahirapan siya kanina at mababasa ang sugat niya.
Ace tried to looked away from Autumn, na tanging malaking terry towel lang ang nakabalot sa katawan nito. You're willing to wait Ace, you're willing to wait, ang bulong niya sa sarili na tila pinapaalalahanan niya ang sarili, dahil ng mga sandaling iyun, iba ang gusto ng kanyang katawan na gawin.
Napansin niya na nakakunot ang noo ni Autumn at tila ba may iniisip ito, masakit kaya ang sugat nito? Nahihilo? Ang nag-aalalang sabi ni Ace sa sarili. Isinabit niya ang natitirang damit ni Autumn, saka niya isinara ang luggage at inilagay sa itaas ng closet katabi ng sarili niyang luggage.
"Autumn are you okey? May masakit ba sa iyo? Do you need anything?" ang sunud sunod na tanong ni Ace kay Autumn at nilapitan niya ito.
"No, wala naman, gusto ko lang hugasan ang buhok ko kaso mababasa ang bandage ko sa noo, baka mabasa yung tahi" ang sagot ni Autumn and she pouted her lips.
Bahagyang natawa si Ace sa hitsura ni Autumn na parang batang nagmamaktol at nakanguso pa ito.
"I have an idea" ang sabi ni Ace, lumabas ito sandali ng kwarto, pagbalik nito ay dala na nito ang isang upuan na mula sa kusina.
"Come with me" ang sabi sa kanya ni Ace at sumunod naman siya papasok sa loob ng banyo. Tiningnan niya si Ace na inilagay ang upuan sa tabi ng bathroom sink.
Pinagmasdan niya si Ace na hinugasan ang sink, then he motioned for her na lumapit at maupo sa upuan.
"Welcome to Ace's salon ma'am please, have a seat here and I'm going to wash your hair with free head massage" ang nakangiting sabi ni Ace sabay kindat nito sa kanya at umarteng nasa salon pa ito.
Hindi napigilan ni Autumn ang hindi matawa, lalo na at nagpamewang si Ace na umarteng hair dresser na gay sa isang salon. Lumapit naman siya at naupo.
"Ma'am ano pong gusto ninyong gawin natin sa buhok ninyo? Color? Trim?" ang patuloy na pag-arte ni Ace.
Natatawang sumagot si Autumn, "just a hair wash po" ang sagot niya.
"Oh OK, I'll get the shampoo" ang sabi ni Ace at nagmamadali itong pumunta sa loob ng showroom, "ahm ano pong shampoo ang gusto ninyo ma'am meron po kaming lavender shampoo, lavender shampoo, at shampoo na lavender" ang tanong ni Ace kay Autumn mula sa shower.
Nailing na lang si Autumn habang tumatawa, "I'll have the shampoo na lavender please" ang sagot ni Autumn, at iisa lang naman ang shampoo niya.
"Conditioner ma'am?"
"Yes please" ang sagot ni Autumn.
Bumalik si Ace sa bathroom counter bitbit ang shampoo at conditioner, "ma'am paki lapit po ang ulo niya sa sink? Masakit po ba sa leeg? Or ulo ninyo?" ang pabiro pa ring sabi ni Ace sa kanya, though she can sense the concern in his voice.
Tumingla si Autumn at ipinatong ang likod ng kanyang ulo sa sink, "no I'm okey" ang sagot ni Autumn and she looked up at him, and she smiled sweetly.
"Naku ma'am wag nyo po akong ngitian ng ganyan, baka po sa halip na shinashampuhan ko kayo eh iba po ang magawa ko sa inyo" ang biro ni Ace na natawa ng makita ang pamumula ng pisngi ni Autumn.
Inilatag niya ang mahaba at kulot na buhok ni Autumn sa sink na nilinis muna niya kanina. Saka niya binuksan ang gripo para mabasa ang buhok nito, hanggang sa anit at maingat niyang iniwasan ang sugat nito sa noo na hindi mabasa.
Then he shampooed and conditioned her hair while he massaged her scalp. Napangiti siya ng makita niyang nakapikit si Autumn.
"Masarap po ba ma'am?" ang nangingiting tanong ni Ace.
"Uh-hmm" ang tanging naisagot ni Autumn, kaya natawa na naman si Ace. Pagkatapos niyang banlawan ang buhok ni Autumn ay piniga niya muna ito. Saka mabilis na nilagyan ng towel at binalot niya ang buhok ni Autumn.
Tumayo na si Autumn, at iniikot ang towel sa ibabaw ng kanyang ulo na parang bandana.
"Mamaya lilinisin natin ang tahi para mapalitan ng bandage" ang seryoso ng sabi ni Ace sa kanya, "feel good?"
Tumangu-tango si Autumn, "Yes thank you" ang sagot ni Autumn.
Umiling si Ace, "oh my services are not for free" ang sagot ni Ace na may pilyong ngiti sa mga labi. Bigla niyang hinila si Autumn, iniangkla niya ang kanyang bisig sa bewang ni Autumn at mabilis itong hinalikan sa mga labi.
Autumn closed her eyes and kissed him too, then Ace pulled his head, he has to refrain himself or else, he's going to take Autumn, kahit pa nagpapagaling pa lang ito.
"I'll cook some breakfast" ang bulong ni Ace sa mga labi ni Autumn, saka nito muling hinagkan ng mabilis ang mga labi ni Autumn, bago niya ito binitiwan.
"Magbihis ka na, and I'll start the coffee brewing and I'll prepare something, anong gusto mong almusal?" ang tanong ni Ace.
Ikaw, ang gusto sanang isagot ni Autumn, kaya namula ang pisngi niya sa sumagi sa kanyang isip, "anything" ang matipid na lang niyang isinagot.
Lalabas na sana ito ng pinto ng tumigil ito sa may pintuan habang hawak ang doorknob, "Oh, I forgot, my services also includes in helping you dress-up, gusto mo bang tulungan kita ma'am? Free of charge" ang pilyong tanong ni Ace.
"NO!" ang malakas at natatawang sagot ni Autumn.
"Are you sure? Well, just in case you changed your mind just yell and I'll come running" ang sabi muli ni Ace while wiggling his right index finger.
Napailing lang si Autumn at isang kindat naman ang isinagot sa kanya ni Ace bago ito lumabas at isinara ang pinto.
"Ace" she sighed, at tiningnan niya ang mga damit niyang inayos ni Ace sa closet. Nakasabit na ito ng maayos, though hindi siya color coordinated tulad ng nakasanayan niya na pag-aayos, pero para kay Autumn. Yun na ang pinakamaayos na closet, lalo na at si Ace ang nag-ayos nito, na kilala niya na nagtatapon lang ng damit sa sahig.
Dumating na ang lunch at si Ace pa rin ang nagpresinta na magluluto ng pananghalian nila. He called Deven sa office at sinabi nga niya ang nangyari kaya naintindihan nito kung sa bahay muna siya magtatrabaho. The papers will be sent in his condo para sa mga kailangan niyang pirmahan at ang naatasan na magdala ng mga papers, ay ang babaeng tumulong kay Autumn.
Autumn met her and hugged her tight, and she said her thanks for a dozen times. Gusto niya ang mga damdamin niya ng mga sandaling iyun, it felt so good, to see Autumn smiling widely at the girl and at him. Sa ginawa niyang iyun, para sa mga mata ni Autumn ay siya na ang pinakamabait na tao na nakilala nito.
Pagkaalis ng nito ay may isa na naman silang bisita, pero hindi alam ni Ace kung matutuwa ba siya sa bisita nila o bwisita nila ng pagbuksan niya ito ng pinto. It was Lyndon.
Nakatanggap si Autumn ng tawag mula kay Lyndon kanina habang nagbubreakfast sila, they were supposed to see each other that morning, kaya ng hindi siya nagpunta at tinawagan siya nito at saka lang niya nasabi ang nangyari sa kanya kagabi. She didn't expect na dadalawin siya nito.
"Lyndon hi" ang masayang bati ni Autumn, lumapit ito sa kanya and he gave her a peck on her cheek.
"Here" sabay abot nito ng pink roses at chocolates. Kumunot naman ang noo ni Ace nang makita niyang mabilis na hinalikan ni Lyndon si Autumn sa pisngi, at mas lalong kumunot ang noo niya ng makita ang iniabot nito sa asawa, chocolates and roses? Ano ito manliligaw? Ang iritadong tanong ni Ace sa loob niya.
"I'll get that" ang biglang sa at niya sabay kuha ng roses at chocolates bago pa man dumampi sa mga kamay ni Autumn ito.
"Oh" ang tanging lumabas sa bibig ni Autumn.
"Oh I also bought some lunch" ang sabi ni Lyndon na ipinagtaka ni Ace dahil wala naman itong dala na pagkain.
"Nagpadeliver ako, it arrived in any minute" ang sabi ni Lyndon.
"Naku, hindi ka na sana nag-abala kasi nagluto naman si Ace ng lunch"-
"Mo, lunch mo, ikaw, Autumn" ang sabat ni Ace, at tiningnan siya ni Autumn at pinanlakihan siya ng mata.
"Its OK" ang bulong ni Lyndon kay Autumn, at alam na ni Autumn ang tungkol sa asaran ng dalawang magpinsan.
"Autumn come in the dining let's eat" ang yaya ni Ace, "I prepared the table"
"Halika Lyndon" ang yaya naman ni Autumn, nang may kumatok sa pinto.
"Oh that must be the food" ang sabi ni Lyndon, "go on Autumn, kukunin ko lang ito" ang dugtong pa ni Lyndon.
Naupo na sina Ace at Autumn sa lamesa, at inutusan ni Autumn si Ace na maglagay pa ng additional na plato para kay Lyndon, who Ace reluctantly obeyed.
Kumuha siya ng additional plates para kay Lyndon, ng matigilan siya sa nakita niyang dala ni Lyndon papalapit sa lamesa.
"Autumn, I got your favorite, pizza and wings" ang nakangiting sabi ni Lyndon.
Grrr, and gigil na sabi ni Ace sa sarili nang makita niya na dala ni Lyndon ang mga paboritong pagkain ni Autumn.
Hapon na at nakaupo si Autumn sa may malapad na rattan lounge chair sa may veranda, kasya ang dalawang tao rito. Doon muna siya naupo, habang abala si Ace sa pag-aayos ng nga gamit ni Autumn.
Ang tanging natira na lang sa veranda ay ang kanyang art materials. She planned to paint or sketch for a while habang nagpapahinga siya. Lyndon was very kind and understood her situation, kaya sinabi nitong handa siya nitong hintayin kapag magaling na siya.
After stacking her last pair of shoes sa shoe shelf ay naghugas nag shower na si Ace, pagkatapos ay lumabas siya sa veranda dala ang dalawang mug ng kape at inilapag iyun sa isang table.
"Thank you Ace" ang sabi ni Autumn.
Naupo si Ace sa tabi ni Autumn, at isinandal niya ang kanyang likod sa backrest ng lounge chair, at hinila niya papalapit sa kanya si Autumn at isinandal niya ang ulo nito sa kanyang leeg.
The sun was almost setting, they didn't speak with each other, but stayed that way, his arm across her waist, her head on his neck, and his heart beating wildly inside his chest, as he let go of his fingers once more.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomanceA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...