Chapter 2

12K 264 9
                                    

Autumn parked her car carefully sa isang natitirang slot sa parking lot ng isang condominium building. Nine ng umaga ang appointment niya sa isang client. Pero eight thirty pa lang ng umaga ay dumating na siya, dahil aabangan pa niya ang truck na magdedeliver ng mga inorder niyang furnitures para sa kanyang client.
Tinawagan niya ulit ang shop, para madouble check kung paparating na ang delivery, ayaw niya ng late. Pinahahalagahan niya ang pagiging on time, dahil ayaw niya na nag-aaksaya ng oras, nang dahil sa paghihintay. She followed her schedule religiously, dahil ito ang kanyang kinalakihan.
"Yes, this is Autumn, I'll make a follow up para sa delivery ng furnitures na naka schedule ngayon, ang usapan natin diba eight thirty nandito na ang deliveries?" ang tanong ni Autumn, she didn't hide the annoyance in his voice.
"Ma'am, tinawagan na po namin yung magdedeliver, mga five minutes na lang po nandiyan na sila sa location na binigay ninyo" ang sagot ng personnel na kausap niya sa kabilang linya.
"Alright, five minutes it is" ang sagot ni Autumn bago niya inoff ang phone.
Muli siyang pumasok sa loob ng kanyang kotse, kinuha niya ang kanyang pressed powder sa bag, she checked her appearance sa salamin nito. Hindi naman siya masyadong maarte sa hitsura, ni hindi nga siya naglalagay ng make up, nude lip tint lang ang ipinapahid niya sa kanyang labi sa tuwing kailangan niyang magpunta sa isang okasyon, pero kung trabaho naman she didn't even bother to put anything on her face.
Mas importante sa kanya na maayos ang kanyang buhok na natural na kulot, malinis at maayos ang kanyang damit. At ang tanging splurge niya sa katawan ay ang pabango.
Naka high ponytail ang kanyang kulot na buhok, at suot niya ang kanyang usual na working clothes, white shirt, faded jeans, at snickers. Sa hitsura niya ay di mo siya mapagkakamalang twenty six years old at mukha lang siyang teenager.
Being an only daughter of a high ranking official ng PNP na non other than the chief of police himself, she has to lived a simple life. Her family has been living a low profile life, since naging active ang kanyang ama, sa pagsugpo ng drugs sa Pilipinas, kahit noon pa man, na hindi pa ito ang PNP chief.
Malinis na pangalan at mataas na integridad ang itinanim sa kanya ng kanyang ama. Pero kaakibat ng mataas na posisyon ng kanyang ama sa gobyerno ay ang kaligtasan nilang pamilya.
Pumanaw na ang kanyang ina, isang taon na ang nakalilipas, at bilang nag-iisang anak at natitirang pamilya ng kanyang ama, mas kailangan niyang mag-ingat. Isang beses pa lang siyang nakita sa television, at iyun ay noong itinalaga ang kanyang ama, bilang hepe ng PNP.
Mula noon, ay halos di na niya nakikita ang ama, dahil na nga rin sa seguridad nilang dalawa.
Pero kahit hindi sila madalas na nagkikita ay palagian naman siya nitong tinatawagan, para siguraduhin na ligtas siya.
Limang minuto na ang nakalipas, at ilang sandali pa nga ay dumating na ang delivery ng furnitures. Agad siyang lumabas ng kotse, at hinintay niya na makaparada nang tuluyan ang truck, saka niya ito pinagbuksan para macheck ang furnitures na nasa loob.
Kinuha niya ang kanyang kopya ng delivery sheet pero hindi pa niya iyun, pinirmahan, hanggat hindi pa siya sigurado na naideliver ang lahat, at malalaman lang niya ito kapag, nailabas na ang lahat ng gamit na nasa loob.
Ilang minuto pa ang pinalipas ni Autumn, two minutes before nine, tinawagan na niya ang kanyang client, para sabihin na dumating na sila at humingi na sila ng permiso na makaakyat sa unit nito para maiayos na ni Autumn ang mga gamit sa loob.
Nang makuha na niya ang susi sa front desk ng condo, hinanap niya agad ang malaking elevator ng condo, kung saan isinasakay paakyat ang mga malalaking gamit. At tulad ng ibinilin ni Autumn, ang nasa bukanang mga gamit sa loob ng truck ay ang unang ipapasok niya sa loob at iyun ay ang mga gamit sa bedroom.
Agad na dinala pataas ang king sized bed, isinakay nila iyun sa elevator, medyo nahirapan lang sila sa corridor, dahil may kalakihan ang bed frame. Nasa kalagitnaan na sila ng corridor at ilang pinto na lang bago ang unit ng client niya nang biglang bumukas ang pinto ng isang unit. Dahil sa nagmamadali ang lalaking palabas ng silid ay mabilis itong lumabas ng pinto at hindi nito naiwasan ang paa ng bed frame, kaya tumama ang noo nito sa kahoy.
"What the fuck!" ang sigaw nito dahil sa sakit na natamo mula sa pagkakauntog.
Nabigla si Autumn sa nangyari at agad niyang sinilip ang lalaki na hawak-hawak ang noo nito. Out of habit, she pushed her eyeglasses closer to her eyes.
"I'm sorry" ang tanging nasabi ni Autumn.
"Sorry? Nagkabukol ako sa noo, sorry lang ang masasabi mo?!" ang galit na sagot nito sa kanya.
Autumn was always calm, hindi siya nagpapadalos - dalos sa mga sinasabi at inikinikilos niya. Lumaki siya na lahat ng ikikilos niya has to be measured and thought off. But at that moment hindi niya malaman sa sarili kung bakit gusto niyang patulan ng maanghang na salita na ang lalaki na ito naman ang may kasalanan kung bakit ito nauntog.
"I'm sorry sir, pero, ikaw ang hindi nakatingin sa dinaanan mo, you should have been more careful" ang kalmado pero mariing sagot ni Autumn.
"You know what?" ang sabi nito, pero napahinto ito ng tingnan nito ang suot na relo, "fuck" ang bulong nito, "pasalamat ka at nagmamadali ako!" ang galit pa rin na sabi nito sa kanya.
Autumn didn't answer back, hinayaan na lang niya na ang lalaki sa huling salita nito. Sinundan na lang niya ng tingin ang nagmamadaling lalaki na paalis.

Madilim na ng matapos si Autumn sa pag-aayos ng condo unit ng kanyang client, iniwan niya muli ang susi sa front desk, at lumabas na siya ng building. Nasa loob na siya ng kanyang kotse ng marinig niya ang tawag sa kanyang cellphone.
She sighed when she saw the number on the screen, at medyo kinabahan siya. She always felt that way.
"Yes? Daddy?" ang bungad niya rito.
"Nasa condo ka pa rin ba?" ang tanong agad ng kanyang ama, alam kasi nito ang lahat ng ikinikilos niya, dahil sa sinasabi rin naman niya ang lahat ng aktibidad niya sa buhay. His dad always kept her on track, simula pa lang ng bata siya, kung kailan aktibong pulis ang kanyang ama sa pagsugpo ng kriminalidad at drugs sa lugar kung saan man ito madestino. Kaya naging kilala ang kanyang daddy sa pagiging magaling at matinong pulis.
Kapalit nito, ang hindi normal na buhay para sa kanilang pamilya. Halos lumaki siya sa kumbento, at nakalabas lang siya nang high-school na siya pero sa isang exclusive school for girls siya nag-aral.
Ngayong twenty six years old na siya, ngayon lang niya nararanasan ang kumilos na mag-isa, pero kailangan pa ring imonitor ng kanyang daddy ang bawat galaw niya.
"Dad, pauwi na po ako" ang sagot ni Autumn, then she checked her wristwatch, it's almost seven in the evening.
"Baka dumaan muna po ako sa isang fast food para kumain" ang dugtong pa niya.
"Baka?" his father answered sternly, ayaw nitong mga sagot na walang kasiguraduhan.
"Kakain po muna ako sa Burger Joint, magdidinner na po ako" ang muli niyang sagot.
"Dito ka na mag dinner, magpapahanda ako ng kakainin natin, I want to talk to you" ang utos nito sa kanya, bago nito pinutol ang pag-uusap nila.
"Sige po" ang bulong ni Autumn kahit pa wala na siyang kausap. Napabuntong-hininga si Autumn, minsan yata, nakakalimutan ng kanyang ama, na anak niya ang kausap niya at hindi pulis.
She picked her hand sanitizer na nakapatong sa dashboard, ng sasakyan saka siya naglagay sa kanyang kamay. She rubbed her hands together, kinuha rin niya sa loob ng kanyang bag ang pamunas ng kanyang salamin, inalis niya ang clear cat's eyeglasses sa kanyang mata at pinunasan niya ang kanyang eyeglasses, routine na sa kanya na bago mag drive ay kailangan na clean and clear ang kanyang salamin sa mata, saka niya pinaandar ang makina ng sasakyan at nag drive siya sa direksyong papunta sa Camp Crame.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon