Chapter 47

6.9K 194 41
                                    


"Where are you going?" ang takang tanong ni Ace kay Autumn, dahil sa six ng umaga ay bumangon na ito, at halatang nag-aapura pa.

     He was planning for him to take the day off, at hindi na muna siya pupunta sa office dahil na rin sa four na ng umaga sila nakauwi. He was going to ask Autumn to take the day off too and maybe they would spend the day somewhere, maybe out of the metro.

     "Oh, Ace, I have to attend this seminar, muntik ko ng makalimutan" ang sagot ni Autumn, na nagmamadali na at ayaw niyang mahuli, kaya nagmamadali siyang lumabas ng kwarto ni Ace para kumuha ng damit at maligo.

     Ace sighed, feeling irritated, bumangon na rin siya at sumunod siya kay Autumn palabas ng kwarto.

     "Autumn, hindi ka ba pwedeng magpahinga muna?" ang tanong ni Ace, na sumunod kay Autumn hanggang sa kusina, at inabutan niya pa ito na kumukuha ng mga damit sa luggage nito. Seeing her doing that, made him realised na hindi pa pala nito nailalagay ang mga gamit nito sa closet.

     "I can't Ace, importante ang seminar na ito, I really need to attend this one, halos lahat ng interior designer sa Metro Manila ay aatend, may certificate na ibibigay sa mga umattend and I needed that" ang paliwanag niya.

     Nagpamewang si Ace habang nakatingin kay Autumn, na abala sa paghahanap ng isusuot nitong mga damit.

     "I'll brew some coffee" ang sabi niya saka ito lumapit sa kitchen counter para magbrew ng kape.
     "Thanks" ang tanging isinagot ni Autumn.
    
     "Ooh, my back felt so stiff" ang angal ni Autumn, at hinawakan pa niya ang kanyang bewang para istrecthed ang kanyang likod.

     "I'm always stiff too" ang biglang sagot ni Ace.

    "Really where?" ang alalang tanong ni Autumn sa kanya, she gave him a concerned look.

    "Ahm, down... there?" ang pasimpleng sagot ni Ace.

    "Oh" ang sambit ni Autumn na bahagyang nagitla, "masakit bang mga paa mo? Hindi ka na dapat nagbubuhat ng kung anu-ano kagabi" ang sagot ni Autumn.
    
     Ace rolled his eyes, ganito ba kainosente ang asawa niya? Lalo lang tuloy siyang tinigasan, just thinking na he would be her first man, her first experience. Darn! Sumasaludo na ang sundalo niya.

     "Lagyan mo ng pain reliever para mabawasan ang paninigas" ang sabi pa sa kanya ni Autumn bago ito mabilis na pumasok ng banyo na nasa kusina.

     "Yeah right" as if makukuha ng haplos ng pain reliever, o tapal ng salonpas ang paninigas niya, ang sabi ni Ace sa sarili. E kung haplos mo na lang sana? Ang gusto sanang sabihin ni Ace. Shit! Stiffness pa more!

    Napabuntong-hininga si Ace, kung kailan pa naman gusto niyang bumawi kay Autumn sa mga oras na sinayang niya sa pagtambay sa bar, saka pa ito naging abala ng husto.

    
     Nakabihis na si Autumn paglabas niya ng banyo, at naroon pa rin si Ace na naghihintay sa kanya, she checked the wall clock na nakasabit sa kusina. It's already six thirty, at eight ang simula ng seminar. Ayaw niya ng darating siya sa isang event na eksakto sa oras, she wanted to be there at least a few minutes before the event starts.

     "Coffee" ang sabi ni Ace sa kanya sabay abot ng mug ng freshly brewed na kape with sugar and cream.

    "Thanks, tsk, ayokong malate" ang sabi ni Autumn, sabay higop ng kape sa mug, kinuha niya ang kanyang suklay, para suklayin ang basa niyang buhok ng may tumunog ang kanyang telepono.

    Agad na dinampot ni Autumn ang kanyang phone at inalis ang nakasuot na charger nito, saka niya ito sinagot. It was the owner of the toy store na kinuha siya para idecorate ang kanilang store para sa darating na pasko. Gosh, she was so busy na nakalimutan na niya ang tungkol dito, she thought.

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon