Chapter 16

7.5K 240 24
                                    

Inayos ni Autumn ang suot na seat belt habang nakaupo siya sa passenger seat ng sports car Ferrari ni Ace. Hindi niya maintindihan kung bakit ba gustong-gusto ng mga lalaki ang ganitong sasakyan na napakababa. But, still nagulat siya at napakakomportable sa loob and the interior screams MONEY. Hanggang sa mga sandaling iyun ay hindi pa niya alam kung anong trabaho ni Ace, ang sa pagkakarinig lang niya sa kanyang daddy nang tawagin niya ito na PLAYBOY.
     Ni hindi rin niya ginawang iresearch ang apelyido nito, gusto kasi niya na sa kanya mismo manggaling ang pagpapakilala nito.
    
     Tiningnan lang siya ni Ace, at pinigilan niya ang ngumiti. So, may pagka Miss "play it safe" pala itong si Autumn, ang sabi niya sa sarili. Masusubukan din niya mamaya kung nerbiyosa itong, sinungaling na babae na ito.
     Sinimulan ng paandarin ni Ace ang sasakyan, mabagal ang pagpapaandar niya ng umpisa, papalayo sa bahay nina Autumn. Papunta sila sa kanilang ancestral house sa Zambales. Maaga pa lang ay sinundo na ni Ace Si Autumn sa bahay nito.
    Tahimik lang na nagdidrive si Ace, wala sa kanilang dalawa ang nanguna na mag simula ng conversation. But still, kahit pa tahimik ay napansin ni Autumn na walang awkwardness siyang nadarama sa loob ng sasakyan, hindi katulad noong si Leo ang kasama niya.
     But Ace was feeling different, hindi niya gusto ang contentment na nararamdaman niya ng mga sandaling iyun. Hindi pa siya nag sakay ng babae sa kanyang kotse para ipakilala sa kanyang pamilya, usually para iuwi sa condo para sa umaatikabong aksyon sa ibabaw ng kama, na magtatagal lang ng isang oras. After that goodbye!
     But he didn't know kung bakit, he felt good somehow, knowing na magkikita sila ng family niya, with her. Of course, nakita niya kung gaano ka gusto ng kanyang pamilya si Autumn. Hindi na nga matigil ang mommy at lola niya sa kapaplano.
     Sa bahay nga ng  mga magulang nito sa Manila kung saan doon tumutuloy ang kanyang pamilya, at palagian niyang dinadalaw ang mga ito pagkatapos niyang magtrabaho, ay si Autumn ang hinahanap ng mga ito at si Autumn ang laman ng usapan nila. Nauumay na nga siya at nangingiwi sa tuwing naririnig ang pangalan ni Autumn na kung todo ang papuri ng mga magulang niya.
     Gusto na nga niyang sabihin sa mga ito ang totoo, pero alam niyang hindi kakayanin ng lola at mommy niya ang disappointment. At lalo na ang daddy niya, at mas lalo na kapag nalaman ng mga ito ang mga kalokohang pinasok niya.
     Pero ayaw niya itong mangyari! Ayaw niyang mag-asawa! Lalo na literal siyang tinakot ng tatay nito! Kailangan niyang makahanap ng paraan kung paano hindi matutuloy ang kasal. Pero paano kung nagustuhan na si Autumn ng pamilya niya? Ang giit ni Ace.
    
     Bwisit kasi ang babaeng ito! Ito ang may dala ng kamalasan sa buhay niya! Napasulyap siya kay Autumn. Nakasuot ito ng knitted sweatshirt at maong na pantalon, again tinernuhan niya ng converse ang outfit niya. At ang buhok nito ngayon ay nakapony tail. She looks cute, para siyang teenager, nakadagdag pa ng cuteness niya ang suot nitong eyeglasses.
     He hadn't had sex with a woman wearing an eyeglasses before, ang sarap sigurong tingnan sa kama ang babaeng naka eyeglasses. Then suddenly he envisioned Autumn, lying naked on his bed, her soft curly unruly hair scattered on his pillow, habang nakaibabaw siya rito, at binabayo ng madiin-
     "Fuck!" ang sambit ni Ace, at di niya akalain na malakas pala ang pagkakasabi niya. Hindi niya alam kung may diperensiya ba siya at pinagpapantasyahan pa niya ang babaeng nagdala ng kamalasan sa kanya.
     "I beg your pardon?" ang gulat na tanong ni Autumn habang nakatingin kay Ace, at nakakunot ang noo.
     "Wala!" ang galit na sagot ni Ace. At itinikom na lang niya ang kanyang bibig. He's so pissed, bakit ba kasi kung anong kakaibang pakiramdam ang binibigay ng babaeng ito sa kanya? Simula pa lang ng makita niya ito sa condo.
     Gusto niyang ilabas ang inis at galit niya ng mga sandaling iyun, he turned on his ipod na nakakabit sa speaker sa kotse. And he blasted the volume habang pinapatugtog ang rock music ng Disturbed.
     Autumn didn't mind the music, pero sobrang lakas ng music sa loob. But still, kotse niya ito at pwede niyang gawin ang gusto niya, so nanatili siyang tahimik at tumingin na lang siya sa labas.
     Ace gritted his teeth, hindi man lang nakitaan ng pagkairita ang babaeng ito. Tingnan ko nga kung hanggang saan ang pagiging cool nito, ang sabi ni Ace sa sarili.
     Pagpasok nila sa NLEX ay sinimulan na niyang  I accelerate ang takbo ng kotse, 100 ang maximum speed limit sa NLEX, pero naglalaro sa 100-115 ang takbo ni Ace, at hindi pa ito nakaseat belt.
     Napansin ni Autumn na unti-unting tumutulin ang takbo ng sasakyan, bigla na siyang kinabahan. At napalunok siya, nag simula na siyang sumulyap kay Ace at sa speedometer ng sasakyan. Ano bang gustong gawin nito? Paliparin ang kotse? Napakapit na siya sa kanyang seat belt at sa door handle.
     Napansin ni Ace na napakapit na si Autumn, at hindi na niya napigilan ang mapangiti.
     Yan, makaramdam ka rin ng takot, tulad ng ginawa ng daddy mo sa akin, at nang maalala na naman niya ang paglaslas ng heneral sa gulong ng ferrari niya, kumulo na naman ang dugo niya.
     Nagpapasimpleng nagiiba siya ng lane, while he maintain his speed sa 100, ayaw naman niyang mahuli, pero, nang makita niya ang reaksyon ni Autumn, kahit pa siguro mahuli siya ay worth it, at least nakaramdam ng takot ang babaeng ito, tulad ng ginawa sa kanya ng daddy nito.
     "Ace, you're driving too fast" ang takot pero malumanay pa ring sabi ni Autumn kay Ace, hindi niya alam kung bakit bigla na lang binilisan nito ang takbo ng kotse. Talaga bang may pagkatrigger happy ito? Ang takot na sabi ni Autumn sa sarili.
    Hindi sumagot si Ace, at ipinagpatuloy lang ang takbo ng kanyang sasakyan, he felt he received his vengeance sa malas na babaeng ito. Pero hindi pa siya hihinto, hanggat hindi ko pa nakikitang umiyak sa takot ang babaeng nagdala ng kamalasan sa buhay niya.
     Natakot na si Autumn dahil hindi man lang sumagot si Ace at hindi nito binago ang bilis ng takbo ng sasakyan, tila ba sumasabay ang pagmamaneho nito sa metal rock na pinatutugtog nito sa loob ng sasakyan.
     "Ace?!" ang malakas na pagtawag niya rito para makuha ang atensyon nito.
      "What?!" ang pasigaw na sagot ni Ace.
      "I said you're driving too fast" ang muling sabi ni Autumn.
     "So what?!" ang galit pa rin na sagot nito kay Autumn, gusto niyang ilabas ang galit niya at ang kakaibang nadarama sa babaeng ito, at ito lang ang paraan niya ng mga sandaling iyun.
     "Pwede ba ibaba mo na lang ako" ang mahinahon pa rin na pakiusap ni Autumn. Kaya lalong nainis si Ace, langya, takut na takot na nakuha pang maging mahinahon nito. Bwisit! Ang sabi naman ni Ace sa sarili.
     "Kasalanan mo ito! Anong nangyari sa sinabi mo na kakausapin mo ang daddy mo?!" ang galit at pasigaw na tanong ni Ace kay Autumn dahil na rin sa lakas ng tugtog sa loob.
     "I said I was sorry! I tried to talk to him!" ang pasigaw na sagot ni Autumn na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa door handle, "You're driving too fast Ace and you're not wearing your seat belt" ang paalala ni Autumn kay Ace.
     "You tried? Pero kung noong umpisa pa lang ay hindi mo na ako idinamay sa palusot mo walang kasalan na mangyayari!" ang galit na sagot ni Ace.
     Hindi na sumagot pa si Autumn, alam niya ang dahilan kung bakit niya iyun ginawa, at mukhang tumatalab na ito. Sa unang pagkakataon ay hindi siya tinawagan ng ama para imonitor ang kanyang ginagawa, yes, he knew where she was going, at alam niya na nakamonitor through GPS ang phone niya, but still, she felt a sudden feeling of being free.
     "Nahihilo na ako Ace, I think I'm going to puke" ang sabi ni Autumn at hinawakan pa niya ang kanyang tiyan.
     "Shit" sambit ni Ace, dahan-dahan niyang binagalan ang takbo ng sasakyan. Sinira na nga ng tatay nito ang gulong at side mirror ng kotse niya, ngayon naman ay susukahan ng anak nito. May sa demonyo ba ang mag-ama na ito? Ang galit na tanong ni Ace sa sarili.
     Wala ng nagawa si Ace kundi ang pabagalin ang takbo ng Ferrari, at nang matanaw na niya ang malaking gasolinahan, pinihit niya ang manibela patungo roon. He needed to calm his self. Baka sa galit at inis niya ay mamatay pa silang dalawa. Naalala niyang may sa malas nga pala ang babaeng ito, baka disgrasya pa ang abutin nila.
     Inihinto ni Ace ang sasakyan sa harap ng isang coffee shop, tiningnan niya si Autumn na nakakapit pa rin sa seat belt at door handle nito.
     Shit! Ano bang ginawa niya sa babaeng ito? Nakaramdam tuloy siya ng pag-aalala kay Autumn, "are you okey now?" ang tanong niya rito.
     "Kailangan ko munang magpunta sa comfort room" ang sagot ni Autumn at mabilis niyang binuksan ang pinto bitbit ang kanyang maliit na bag at lumabas siya ng kotse para magpunta sa CR.
     Napasuntok na lang si Ace sa manibela nang napagtanto niya ang kanyang ginawa, napabuntong-hininga siya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito, at parang kinurot ang puso niya.
     "Fuck!" ang mura ni Ace, ito na nga yung ayaw niya! Ito yung pakiramdam na ayaw niyang maramdaman. Lumabas siya ng kotse, at sumandal siya sa driver's door para maghintay kay Autumn.
    
       Mabilis na naglakad si Autumn patungong comfort room. Ngayon pa lang nakapunta si Autumn sa lugar na iyun, at humanga siya sa laki ng comfort room dahil sa dami ng cubicles at malinis din.
      At dahil sa hindi naman siya naiihi ay tiningnan na lang muna niya ang sarili sa salamin, nawala na ang takot sa kanyang mukha, at dahil na rin sa unti-unting humupa ang malakas na lagabog ng kanyang dibdib kanina.
     Oo, natakot siya sa inasal ni Ace, sa galit nito sa kanya, na nagresulta ng mabilis na pagmamaneho nito. Kaya, mabilis siyang nag-isip ng paraan para mapahupa iyun. Syempre, sa tulad nitong mahilig sa mamahaling sasakyan, hindi nito gugustuhin na madumihan ano pa kaya kung masukahan ang loob ng mamahalin nitong sasakyan. Kaya naisip ni Autumn na magpanggap na nasusuka, at tulad ng inaasahan niya, effective ang naisip niya.
     Inayos niya ang kanyang buhok, pinunasan niya ang salamin sa mata na habbit na niya, at ang maghugas ng kamay at mag sanitizer. Pinatagal pa niya ng kaunti ang stay sa loob para isipin nito na nagsusuka nga siya. She checked her phone kung tumawag ang kanyang daddy, at laking gulat niya na hindi pa ito tumatawag sa kanya. Tanging isang text lang ang pinadala sa kanya nito, at sagot pa sa text niya kanina nang magpaalam siya na paalis na sila ni Ace.
     Talaga bang hindi na siya imomonitor ng daddy kapag naikasal na siya? Makararanas na ba siya ng kalayaan? Ang Masaya at umaasang tanong ni Autumn sa sarili.

     Matagal na si Autumn sa CR, nag-alala sa ni Ace, baka sumama ang pakiramdam nito ng dahil sa mabilis na pagmamaneho niya? Kung hindi na kaya sila tumuloy sa Zambales? Ang tanong ni Ace sa sarili. Pero naisip niya ang dalawang babaeng tanging malapit sa puso niya, ang kanyang mommy at lola, siguradong malulungkot ang mga ito at umaasa ang mga ito na muling makita si Autumn.
     Pupuntahan na sana niya si Autumn, para tingnan ito, nang makita na niya si Autumn na naglalakad papalapit sa kanya. And he caught his breath, para kasi itong ngayon lang nakalabas sa hawla, at palinga-linga ito. Tila ba sabik na makita ang paligid niya. And she looked so damn good!
     At iyan na naman! ang galit na sabi ni Ace, naramdaman na naman niya ang abnormal na pagtibok ng puso at pulso niya. Kaya kumunot na naman ang noo niya, dahil sa inis, at ayaw niya ang kanyang nadarama.
     "I'm sorry kung pinaghintay kita" ang sabi ni Autumn at napansin nga niya ang nakakunot na noo nito.
     Tumangu-tango lang si Ace, "mabuti pa magkape na muna tayo, I badly needed one" ang yaya ni Ace, saka sila pumasok sa loob ng coffee shop.
    
.

*ENJOYING THE STORY? YOU WILL FIND THE COMPLETED VERSION ON MY GROUP CACAI1981 XCLUSIVE FOR ONLY 50 PHP MEBERSHIP FEE GOOD FOR ONE MONTH*

INTRESTED? JUST GIVE ME A DM ON MY FB ACCOUNT CACAI NAYNTIN EYTIWAN. THANK YOU! 

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon