Everything was in perfect order, ang sabi ni Autumn sa sarili. Pagkatapos niya makatanggap ng tawag mula sa daddy niya na may bisita silang darating sa Linggo dito sa bahay ay buong araw ng Sabado siya naglinis at nag-ayos ng bahay.
At ngayon nga ay muli niyang ininspeksyon ang lahat. Baka kasi mga high ranking officials ang darating sa bahay at ayaw niyang mapahiya ang daddy sa ayos ng bahay. Dumating na rin ang mga pagkain na inorder nila sa isang catering services.
Ngayon nga ay hinihintay na niya ang ama, ang sabi nito ay lunch daw ang dating ng mga bisita. She checked herself on the mirror, she looked simple as always but presentable. Isang floral dress na may knife pleated skirt na abot hanggang sa kanyang tuhod ang kanyang suot, pero sa halip na isang sandals or doll shoes ang itinerno niya sa suot na damit ay isang low-cut na converse ang suot niya. Ipinusod niya ang kulot at kulay brown na buhok . At tulad ng nakagawian hindi siya nag makeup kundi isang nude na lip tint lang ang inilagay niya. At ang paborito niyang pabango.
Maya-maya ay may nagbusina sa labas ng gate, lumabas si Autumn para silipin ang dumating, at nang makilala niya ang sasakyan ng ama ay agad niyang binuksan ang gate para maipasok ng mga ito ang kotse.
Sinalubong ni Autumn ang kanyang daddy at humalik sa pisngi nito. Sinabihan naman ng kanyang daddy ang mga kasamang pulis.
"Dito nyo na lang ako hintayin sa labas, para hindi maasiwa ang mga bisita ko" ang bilin niya sa mga ito. Isang saludo naman ang isinagot rito ng mga pulis, bago lumabas muli ng bahay.
Pumasok muna sina Autumn at daddy niya sa loob ng bahay, at nang isara nito ang pinto ay di na niya naiwasan ang magtanong.
"Ahm, dad, sino po ba ang mga bisita natin?" ang usisa niya sa ama.
"Ang pamilya ng future husband mo" ang sagot nito sa kanya.
Nanlambot ang buong katawan ni Autumn, oh no, ang sabi ng isipan niya. Ayaw niyang umasa na naman ang daddy na pupunta si Ace mas lalo na ang pamilya nito. Kailangan na niyang magsabi ng totoo sa kanyang ama.
"Dad, about that, I have to tell you something"- ang panimula ni Autumn pero naputol na ang usapan nila ng may nagbusina sa labas ng bahay. Tiningnan ng kanyang daddy ang suot nitong relo.
"On time" ang nakangiting sabi nito, hindi na siya nito pinansin at lumabas na ng bahay, sumunod siya sa ama kahit pa parang gulaman na ang kanyang mga tuhod. Naabutan nila ang dalawang pulis na nag bukas ng gate, at pumasok sa kanilang driveway ang dalawang sasakyan.
Napansin ni Autumn na parehong mamahalin ang sasakyan na pumasok sa kanilang driveway. Pagkahinto ay unang lumabas ng kotse si Ace, na hindi maipinta ang mukha, napansin ni Autumn na ibang sasakyan na naman ang gamit nito. Madami siguro itong sasakyan? Ang tanong niya sa sarili.
Paglabas ni Ace ng kotse ay lumapit siya sa isa pang sasakyan, at binuksan niya ang passenger seat, at back seat at inalalayan ni Ace ang isang matandang babae na lumabas mula sa backseat. At isa ring may edad na babae ang lumabas sa passenger seat.
Parehong mga Pilipina ang dalawang babae, at makikita ang saya sa mga ngiti nito nang mapadpad ang mga mata nito sa kanya.
Sa driver's seat naman ay lumabas ang matandang lalaki, ito ay older version ni Ace. Halata rin ang pagiging istrikto sa mukha nito.
Agad na lumapit ang kanyang daddy sa matandang lalaki, na sa hula ni Autumn ay ang daddy ni Ace. Malugod na nakipagkamay ang kanyang ama at isang malapad na ngiti naman ang isinagot sa kanya ng lalaki habang nakikipagakamay.
Nahihiyang lumapit si Autumn kaya nanatili siya sa may harap ng pintuan at nakamasid na lang siya mula roon, pinagmasdan niya ang mga ito at kitang-kita ni Autumn ang saya sa mukha ng mga ito. Maya-maya ay naglakad na ang mga ito papalapit sa kanya. Nag-umpisa nang kumabog ang kanyang mga dibdib.
"Oh my god She's so pretty!" ang masayang sambit ng mama ni Ace sa kanya, pagkalapit ng mga ito.
"Let me see her" ang sabi naman ng mas matandang babae, "oh, we do have a pretty one here" ang nakangiting at tila kinikilig na sabi rin nito sa kanya.
"Hindi mo ba kami ipakikilala Ace?" ang takang tanong ng mama ni Ace, nang hindi man lang nagsalita ito, at nakatingin lang kay Autumn.
Kumurap-kurap muna si Ace, "ahm, mama and lola, si Autumn, fiancee ko" ang pagpapakilala ni Ace kay Autumn sa dalawa.
"Autumn, si mama Minerva at lola Olivia" ang muling sabi nito sa kanya.
"Hello po, I'm so glad to finally meet you" ang nahihiyang sabi ni Autumn sa dalawa, iniabot niya ang kanyang kamay sa mga ito para sa isang handshake, pero hinawi iyun ng lola ni Ace, nilapitan siya nito at niyakap saka siya hinalikan sa pisngi.
"You're too formal, just call me lola OK" ang sabi sa kanya nito ng binitiwan na siya, pero ang mama naman ni Ace ang lumapit at niyakap siya kaya wala na siyang nagawa kundi halikan ang mas nakatatandang babae sa pisngi.
"Mama na ang itawag mo sa akin" ang sabi rin nito sa kanya. Isang matipid na ngiti naman ang isinagot niya, at napasulyap siya kay Ace na tikom lang ang bibig na nakatitig sa kanya.
Hindi inaasahan ni Ace ang magiging reaksyon niya ng muling makita si Autumn. Sandaling napatitig siya sa dalaga, sa simpleng ganda nito. Napansin din niya na nahihiya ito sa kanila. Huh, dapat lang, dahil niloko niya ang pamilya ko, ang sabi ni Ace sa sarili.
Pero hindi niya alam kung bakit nang mga sandaling iyun nang makita ng kanyang mama at lola si Autumn at ang naging reaksyon ng mga ito, ay nakaramdam siya ng kaunting saya. Ngayon lang niya kasi ulit nakita na ganuon ka excited ang dalawa.
Nang tawagan niya ang mga ito pagka alis ng daddy ni Autumn sa unit niya, pagkatapos siyang dalawin at takutin nito, ay agad niyang tinawagan ang kanyang pamilya na nasa France. At nang ibalita nga niya na mag-aasawa na siya at gusto niyang mamanhikan sa magulang ni Autumn ay dinig niya ang tuwa at excitement sa kabilang linya. Agad-agad nga na nagsipagpunta ang mga ito sa Pilipinas.
Kung hindi pa niya napigilan ang kanyang lola ay kahapon pa lang pagkalapag ng eroplano ay gusto na agad nitong puntahan si Autumn para makita ito. Siya kasi ang unang apo nito na mag-aasawa, kaya ganoon na lang ka excited ang pamilya niya.
"Ehem, can I see her now? So I can introduce myself?" ang sabi naman ng older version ni Ace na on the serious type, ang mukha kasi ni Ace ay may pagkapilyo. Napansin niya na may bouquet ito ng pink na rosas.
Nagbigay daan naman ang mama at lola ni Ace para sa papa nito, "you've got a good catch here son" ang sabi ng papa ni Ace sa kanya. Na ikinapula ng mga pisngi ni Autumn at napasulyap muli siya kay Ace na walang reaksyon ang mukha at tumingin din sa kanya, at nagtama ang kanilang mga mata.
"Here, for my future daughter in law" ang sabi nito sabay abot ng mga rosas sa kanya.
Si Autumn ang unang umiwas ng tingin kay Ace, at hinarap muli ang papa nito at kinuha ang mga bulaklak, "Thank you, I'm glad to finally meet you Mr DuPont" ang magalang niyang sagot, saka humalik sa pisngi ng matandang lalaki na lumapad ang pagkakangiti.
"Just call me papa" ang sagot nito sa kanya. At tumangu-tango na lang siya bilang pagsang ayon.
"Why don't we all get inside and let's have a conversation while having lunch" ang sabi ng daddy ni Autumn na kita ang pagmamalaki sa mga mata nito, dahil sa papuri ng mga ito kay Autumn.
Binuksan ng daddy ni Autumn ang pinto para sa kanila, magkasabay na pumasok ang dalawang ama, habang patuloy pa rin sa pagkukwentuhan, kasunod ang mama at lola ni Ace, at silang dalawa ang nahuling pumasok.
"Ace, I'm sorry I was trying"-
"Don't bother, nandito na ang pamilya ko" ang tanging isinagot ni Ace kay Autumn, na biglang natahimik. Gustuhin man niyang sumagot ay hindi niya alam kung anong sasabihin, kasalanan niya kung bakit nandito ngayon Si Ace at ang pamilya nito.
Pero, kailangan niyang makawala na sa kanyang ama, at ito lang ang naisip niyang paraan, she felt sorry for him, but his life was better compared to her. Kaya, kahit pa ayaw niya, ay ginamit niya si Ace.Nag-umpisa at natapos ang lunch nila habang abala sa pagpaplano ang mga magulang nila, ni hindi nga sila tinanong ng mga ito kung ano ang gusto nila sa kasal nilang dalawa. Ang lahat ay pawang napagdesisyunan na ng mga nakatatanda sa kanila.
Ang tanging naitanong lang kay Autumn ay kung ano bang color motif ang gusto niya para sa kasal, at hindi pa siya naka sagot sa tanong na iyun. Nagkatawanan na lang ang mga ito sa lamesa, at sinabi na hayaan na lang muna siyang mag-isip.
Ace was silent too, halos hindi nga niya nagalaw ang pagkain niya, pero, pinilit niya ang kumain, ayaw niyang mapansin ng kanyang mga magulang na wala siyang interes sa nangyayari. Pero napansin niya na kahit si Autumn ay tahimik din lang. Kumain man ito ay napaka kaunti lang. Mukhang pareho yata sila ng nadarama ng mga sandaling iyun, huh, kasalanan niya ang lahat ng ito, galit na sabi ni Ace sa sarili.
Pero biglang nakuha ang atensyon ni Ace dahil sa sinabi ng kanyang lola.
"Gusto sana namin na isama si Autumn sa aming vacation house sa Zambales, naroon din kasi ang ibang kamag-anak namin, at darating din ang iba pa naming kamag-anak galing ng France" ang sabi ng lola ni Ace.
"What?" ang di makapaniwalang bulalas ni Ace, my God! Ang buong angkan yata ng DuPont ay pupunta, ang sabi ni Ace sa sarili.
Biglang Kinabahan si Autumn ng marinig ang sinabi ng lola ni Ace, tiningnan niya ang kanyang daddy na nakatingin din sa kanya, nabasa kaya nito ang agam-agam sa kanyang mukha? Ang sabi ni Autumn sa sarili.
"Ahm, may mga commitment yata si Autumn" ang sagot ng daddy niya para sa kanya.
"Yeah, may trabaho si Autumn" ang pagsang ayon din ni Ace.
"Alam naman namin, that's why were inviting her sa weekend, siguro naman free ka na ng mga araw na iyun, gusto ka naming ipakilala sa buong pamilya namin" ang sagot naman ng mama ni Ace.
"Huwag kang mag-alala Ramon, aalagaan namin si Autumn" ang sabi rin ng papa ni Ace na sa kabila ng pagiging French nito ay marunong itong managalog, dahil na rin sa Pilipina na ina nito na si lola Olivia, at sa mama ni Ace na Pilipina rin.
"Well if that's the case, ipagkakatiwala ko si Autumn sa inyo, alam ko naman na she'll be in good hands" ang sabi ng daddy niya.
At mukhang hindi napansin ng mga ito ang sabay na pagpikit nila Autumn at Ace, at ang pagbuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
Roman d'amourA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...