It took almost weeks na nanatili si Autumn sa bahay, she cancelled all her commitments and stayed in the condo for her to recuperate. And Ace was with her and stayed with her on those days. Kahit pa sinabihan na niya ito na hindi na siya nito kailangan pa na samahan sa bahay.
And as days past, they haven't realised na Christmas eve na pala kinabukasan, napagtanto lang nila, nang makatanggap si Ace ng tawag mula kay Deven na they will held the company's Christmas party that day. Maintindihan naman daw ng mga ito kung hindi makapunta si Ace dahil nga sa kailangan nitong bantayan ang asawa, but Autumn felt guilty about it.
Kaya sinabihan niya si Ace na pumunta sa party at maiiwan lang siya sa bahay and she'll make some plans para bukas on how they will spend their Christmas.
She was disappointed dahil sa sobrang busy niya, on decorating others houses, ang sa kanila ni Ace ang hindi niya nalagyan ng kahit isa man lang na christmas décor. Kaya naisip niya na lumabas ng bahay mamaya, pag-alis ni Ace para mamili.
Pero bago pa pumunta si Ace sa company's party, sinamahan muna siya nito sa hospital para macheck ang paghilom ng kanyang sugat. It turns out that the wound has completely healed at walang infection siyang nakuha. Paano namang wala, e umarteng doctor at caregiver niya si Ace sa bahay, at halos minu-minuto nitong tinitingnan ang kanyang tahi sa noo.
It left an indistinct scar though, on the right side of her forehead. But it doesn't matter.Pagkatapos nilang magpunta sa doctor ay kumain muna sila sa isang restaurant, then after ay inihatid na siya ni Ace sa condo.
"Are you sure you're going to be alright?" ang nag-aalala at nag-aalangan na tanong ni Ace kay Autumn. He didn't want to leave her alone, because his mind was running wild with scary scenarios na pwedeng mangyari kay Autumn.
"Ace, hindi ba sinabi ng doctor na OK na ako? I'm fully recovered, and my health was much better than before, kaya wag kang mag-alala, pwede na nga akong bumalik sa trabaho ko" ang sagot ni Autumn.
Mabilis na umiling si Ace, "no hindi ka pa pwedeng bumalik sa pagtatrabaho mo" ang mariing tutol ni Ace sa kanyang sinabi.
"But I miss working already" she complained, she really wanted to work, na miss niya ng husto ang pamimili ng mga magagandang gamit para sa mga kliyente niya. She missed the surprised and happy faces of her clients kapag nakita na ng mga ito ang outcome ng bahay nila.
Ace sighed, "next year, by January you can go back, okey?" ang sabi ni Ace.
As much as she wanted to go back to work soon, she decided na medyo late na rin para sa kanya. Next year, yes, she could wait till next year, ang sabi niya sa sarili.
"Alright, umalis ka na!" ang pagtaboy ni Autumn kay Ace, na ayaw pang gumalaw sa kinatatayuan nito.
"Kaya mo na ba na mag-isa?" ang nag-aalangan na tanong ni Ace sa kanya.
"Ace! Bukol lang ang nagkaroon ako, hindi, ako invalid!" ang malakas na sabi ni Autumn at nagkunwaring galit siya.
Bahagyang natawa si Ace, "bukol? E tinahi nga yang noo mo, sabihin mong bukol lang yan!" ang natatawang sabi ni Ace sa kanya at marahan nitong kinurot ang baba ni Autumn, na ngumuso dahil sa pang – iinis niya.
"Hmm, sabagay ikaw nga pala si bukol King" ang pang-aasar ni Autumn kay Ace, sabay atras niya para hindi siya mahila ni Ace."Sige na, nakakahiya kina Deven at Rain" ang sabi ni Autumn.
"Sumama ka na lang kaya" ang sabi ni Ace.
"Ha, nakakahiya" ang nag-aalangan na sagot ni Autumn.
"Why? Parte ka na ng family and ng business, remember, kung ano ang akin ay iyo na rin" ang sabi ni Ace na may ibang pakahulugan, "gusto mo bang itry?"
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomanceA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...