Nanatiling nakahiga lang si Autumn sa kama habang nakatanaw sa labas ng bintana. There's nothing much of a view to see outside, pero hindi naman ang tanawin sa labas ang tinitingnan niya.
Dahil nakatanaw siya sa kawalan, wala sa kung anuman ang atensyon niya, dahil ang pag-iisip niya ay na kay Ace. Mula ng marinig niya ang ibinalita ng kanyang daddy at ni Velasco, ay sumama na ang pakiramdam niya.
Ni hindi na rin niya magawang kumain, dahil maisip lang niya ang pagkain ay bumabaligtad ang sikmura niya. Pero, dahil sa ayaw ng daddy niya na maulit ang pagkahimatay niya, ay kahit kaunti ay kumain siya dahil nga sa pamimilit ng ama.
Pero para lang siyang kumakain ng abo, ng pinagtabasan ng kahoy, wala siyang malasahan sa mga pagkain at lahat ay maaskad sa kanyang dila at panlasa.
Hanggang sa magdilim na ay hindi na siya lumabas pa ng silid, nanatili siya sa seclusion ng dilim sa kanyang kwarto. She took refuge in the dark dahil ganun din kadilim ang pakiramdam niya.
She felt hurt, and what angered her, ay dahil nasasaktan siya hindi para sa kanyang sarili kundi para kay Ace. Nagtiwala kasi ito sa isang tao, itinuring na kaibigan, na halos mas pinili pa ang mga ito kaysa sa kanya, pero nagawa pa rin itong traidurin ng kaibigan.
He trusted his friend with his whole heart, and now Gary broke his heart and trust, at alam niya kung ano ang nararamdaman ngayon ni Ace, dahil ganun din ang naramdaman at nararamdaman niya, hanggang sa mga sandaling iyun.
Pero ganun pa man, pagkalipas ng pangyayari ay napagtanto ni Autumn na hindi niya magawang magalit kay Ace, napagtanto niya na mahal na mahal pa rin niya ito.
Bumangon siya sa pagkakahiga, tiningnan niya ang oras, at nakita niyang pasado alas onse na ng gabi. Gising pa kaya ito? Nasa bahay kaya si Ace o nasa labas at kasama ang ibang mga kaibigan sa club at balik na sa dati ang buhay nito.
She wanted to believe what her daddy said about him, about giving Ace the benefit of a doubt. She wanted to hear his side of the story na ipinagkait niyang ibigay dito noon. She'll listen, that moment she was ready to give him his time, na makapag paliwanag.
She unblocked his number and tried to call him, pero isang busy tone ang agad na bumungad sa kanya. She hang-up immediately, thinking na baka tinatawagan siya ni Ace, maybe he was trying her number kahit pa nakablock na ito.
She waited for a few minutes, pero wala siyang natanggap na tawag, she sighed, and made the call again, and this time another busy tone greeted her.
She waited for a few minutes more, then she made another call, but still isang busy tone lang ang maririnig sa kabilang linya.
A tear fell on her cheeks, and she swallowed the emotions that built up on her throat, tumangu-tango siya. Maybe Ace doesn't need her anymore, maybe he has finally moved on and embraced his freedom. Ito naman ang gusto niya hindi ba? Ang maging malaya sa kanya? At dahil mahal niya si Ace, iyun ang kanyang ibibigay.
Itinabi na niya ang telepono, at nahiga siyang muli, and cried, and cried, hanggang sa wala na siyang maiiyak at tuluyan na siyang makatulog.Nakasandal si Ace sa gilid ng kama, habang nakaupo siya sa sahig, pinagmamasdan niya ang litrato niya na iginuhit ni Autumn. Naalala niya noong iginuguhit siya ni Autumn, ang mga biruan nila, ang mga tawanan, at ang realisation niya na mahal na mahal na niya si Autumn at handa na siyang bumitaw. At pagkatapos niyang aminin ang kanyang pagmamahal ay ang kanilang pagniniig sa ibabaw ng lamesa.
Muling tinungga ni Ace ang beer, halos maubos na niya ang isang kahon ng beer na binili niya, may isang kahon pa siya. Pero kahit pa lasingin niya ang sarili ay hindi pa rin siya makalimot hindi pa rin maalis ang kirot na kanyang nadarama.
Naalala niya ang sakit sa mukha nito nang malaman na plinano niya ang lahat. Kung paano ang pagmamahal sa kanya nito ay nauwi sa pagkamuhi.
Well, he deserved it, he deserved her hatred, her anger, and her disgust on him. Tama lang na iniwan siya nito, dahil sa binigyan niya si Autumn ng maraming dahilan para iwan siya nito.
She had given him her body and soul and her heart, pero niyurakan niya ang lahat ng mga ito.
Dahil isa siyang duwag, duwag na masaktan, dahil lang sa takot niyang iwan siya nito, dahil sa takot niyang makadama ng sakit dahil sa pagmamahal.
Pero iyun ang nararamdaman niya ngayon, ang natatawang sabi niya sa sarili. Pero ang pagtawa niya ay biglang nauwi sa pag luha, dahan-dahang pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata pababa na dumaloy sa kanyang mga pisngi.
Hanggang sa tumindi na ang pag-iyak niya at humahagulgol na siya, he was crying uncontrollably that his whole body was shaking. He started to wail like a banshee, howl like a wolf in the night longing for his mate.
Alam ni Ace na hindi niya kakayanin mamuhay ng mag-isa. Nang wala na si Autumn sa buhay niya. Mababaliw na siya sa kaiisip kung paano niya sinaktan si Autumn, at hindi na niya kayang mabuhay with that guilt in his chest.
Dinampot ni Ace ang kanyang telepono, that moment he wanted to call someone, someone to confide with? He tried Autumn's number again pero nakablock pa rin siya. Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi.
He can't call Deven at this time, ayaw niyang idamay pa ang kaibigan na nananahimik na sa pamilya nito sa kanyang problema.
Then he dialled a number, that he least expected na tatawagan niya, pagkatapos ng ikatlong ring ay sumagot ito.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomansaA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...