Chapter 6

8.8K 226 13
                                    

Wala naman talagang dahilan si Autumn na magpunta ng comfort room, she just needed some time, to  breathe at makawala sa nakakailang na mga sandaling iyun.
     Mas mabuti pa yatang makipag usap sa isang job interview mas may buhay pa, kaysa sa parang intelligence interview na ginagawa sa kanya ni Leo.
     At dinagdagan pa ng lalaking nasa kabilang lamesa. Her pulse started to beat fast nang magtama ang kanilang mga mata. He seemed familiar somehow, hindi lang niya mawari kung saan pa niya ito nakita, bukod sa kahapon sa condo.
     She looked at herself in the mirror, wala siyang suot na kahit anong make up, ang kulot niyang buhok ay nagsisimula ng kumawala ang ibang hibla sa kanyang neat ponytail. She washed her hand, put some sanitizer, then wiped her eyeglasses. Bago siya napabuntong-hininga, dahil kailangan na naman niyang lumabas, para harapin ang kanyang, fiance? Ang sabi niya sa sarili.
     Hinila niya ang pinto at pagbukas nito ay nagulat siya ng makita ang mukhang bumungad sa kanya sa labas. Bigla siyang kinabahan. My God, hindi kaya, kalaban ng daddy niya ito? At sinundan siya para gawan ng masama? Ang kinakabahan niyang sabi sa sarili.
     “Excuse me” ang mahina niyang sabi, she was about to side stepped him, pero iniharang nito ang katawan sa daraanan niya. Tiningnan niya ang likuran ng lalaki, pero walang ibang tao na nakakakita sa kanila.
     “I said EXCUSE me” ang mariing sabi niya dito at tumingala siya para tingnan ito sa mata. Ang mga kulay abo nitong mata. Na nag kulay asero dahil sa talim ng tingin nito sa kanya.
     “You’ll be excuse, after I’m done talking to you” ang sagot ni Ace at nagpamewang pa ito.
     “Ano bang kailangan mo? Apology dahil sa bukol mo? I did apologised kahit pa kasalanan mo ang pagkakauntog mo” ang sabi ni Autumn, naiinis man ay malumanay pa rin ang kanyang tono.
     “I’m not going to accept it, hanggang sa ako pa rin ang sinisisi mo” ang sagot ni Ace.
     Di makapaniwala si Autumn, was she really talking to a big grown man? Parang bata ang reason nito, na nagtatantrums, ang sabi ni Autumn sa sarili.
     “Ano bang gusto mo, bayaran kita?” ang inis na sabi ni Autumn hindi na niya napigilan ang sarili na medyo tumaas ang tono ang boses niya dahil sa inis, she was always in control and calm pero nauubos na ang pasensiya niya sa lalaking ito, she looked at him while she clutched her bag closer to herself.
     Ace snorted and flinched, “miss excuse me, hindi mo ba ako kilala?” ang nakangising tanong ni Ace.
     Pilit na pinipigilan ni Autumn ang magalit at pumatol, pero, talagang nainis na siya sa yabang ng lalaking kaharap.
     “Oo kilala kita, ikaw yung tangang lalaki na nauntog sa paa ng bed frame, at nagka bukol, at hanggang ngayon ay di maka moved on, dahil nagasgasan ang malaking EGO nito” ang galit na sagot ni Autumn.
     Nawala ang pagkakangisi ni Ace, at nagpantig ang kanyang mga tenga, no one dared to talk to him that way!
     Hindi niya namalayan na hinawakan na pala niya sa braso ang babae at inilapit nito ang kanyang mukha dahil sa sobrang galit.
     “Now see here”- pero di na niya natapos ang sasabihin ng may humila sa shirt niya sa likod at isang kamao ang dumapo sa kanyang panga.
     Nagulat si Autumn, at tinakpan niya ang bibig para hindi tumili, nang makita niyang sinuntok ni Leo ang lalaki. Mas matangakad at malaki ang katawan ng lalaki, pero dahil sa hindi nito inaasahan si Leo, ay di nito naiwasan ang suntok na dumapo sa panga nito.
     Mas mababa man ng kaunti, ang authoritative na dating ni Leo, at galit nito ang nagpaurong sa lalaki, na hawak na ni Leo sa kwelyo at isinandal sa pinto ng CR.
     “Anong gusto mong gawin sa fiance ko?” ang galit na tanong ni Leo.
     Napansin ni Autumn na may nakapansin na ng komosyon at tiningnan sila, mabuti na lang at walang kumuha ng video. Mabilis niyang hinawakan si Leo sa braso para pigilan ito.
    “Leo please, umalis na tayo, it was just a mistaken identity” ang sabi ni Autumn. Mabilis namang binitiwan ni Leo ang lalaki at hinawakan siya nito sa likod para alalayan palabas.
     Ace, gritted his teeth, at hinawakan niya ang panga na kumikirot, sabay tingin ng masama sa mga taong nakatingin sa kanya.
     “I’m going to sue anyone, na mag lalabas ng video tungkol dito” ang galit na sabi ni Ace bago siya lumabas ng coffee shop.

     “Okey ka lang ba?” ang alalang tanong ni Leo sa kanya, habang nasa loob na sila ng sasakyan nito.
     Tumangu-tango lang siya at isang matipid na ngiti ang kanyang isinagot, sabay himas na kamay niya sa kanyang braso kung saan hinawakan ng mahigpit ng lalaking iyun. She was worried, dahil baka lumabas sa balita ang nangyari sa kanila sa loob ng coffee shop. Panalangin na lang niya, na walang kumuha ng video, dahil siguradong kagagalitan siya ng kanyang daddy.
     At hindi lang iyun ang pinangangambahan niya, muli niyang hinimas ang braso, ramdam pa rin niya ang mainit at mahigpit na mga palad ng lalaki. Naguguluhan siya, dahil sa halip na galit at takot ang naramdaman niya kanina, ay kakaiba ang tibok ng kanyang puso.
     “High siguro ang lalaking iyun” ang galit na sabi ni Leo, habang nagmamaneho, “sa susunod din kasi, bilisan mo ang mga gagawin mo” ang sabi nito sa kanya, “fiance na kita, at sagutin na kita sa daddy mo” ang giit nito sa kanya.
     Nabigla si Autumn sa tila ba military na pagkakautos sa kanya ni Leo at ang tila paninisi pa nito. Gusto niya sanang sagutin ito na kung hindi lang ito parang tuod sa pakikipag-usap sa kanya ay hindi siya pupunta sa comfort room. Pero dahil sa alam niyang malalagot siya sa daddy kapag sumagot siya, ay nanatiling tikomang kanyang bibig.
     Nang maihatid na siya nito sa pinto ng kanyang bahay, ay isang matipid na thank you lang ang sinabi niya rito, at isang pakiusap.
     “Maari ba na huwag ko na sabihin kay daddy ang nangyari?” ang pakiusap niya kay Leo.
     Kumunot ang noo nito, na tila ba Di nagustuhan ang sinabi niya, pero sandali itong nag-isip at tumangu-tango na lamang, bago ito matipid na nagpaalam at mabilis na umalis.
     Isinara ni Autumn ang pinto at napasandal siya rito, ganoong lalaki ba ang makakasama niya habambuhay? Ang naluluhang sabi ni Autumn sa sarili.
     Biglang tumunog ang kanyang cellphone, pinahid niya ang luha sa mata, at sinagot ang tawag.
     “Dad?” ang sagot niya sa ama na nasa kabilang linya.
     “Dumating ba si Leo?” ang tanong nito.
     “Opo, kahahatid niya lang po dito sa akin sa bahay” ang sagot niya.
     “Mabuti naman, I told him na isang oras lang dapat ang date, at kailangan na siya sa camp” ang sagot ng ama.
     Di makapaniwala si Autumn na ultimo date nila ay inoorasan at binabantayan ng ama.
     “May pupuntahan ka pa ba?” tanong nito.
     “Wala na po”
     “Sa bahay ka lang?”
     “Opo”
     “Sige” ang pamamaalam ng kanyang ama.
    
     Binalot na ng dilim ang buong siyudad, nakaupo lang si Autumn sa sofa habang nanunuod sa telebisyon ng palabas, kinakabahan na naghihintay siya ng balita ng tungkol sa pangyayari kanina. Kahit na ang Internet ay sinilip na niya sa mga trending na videos, at laking pasalamat niya ng wala ni isang balita o video na lumabas.
     Alas nuebe na ng gabi, nakaramdam ng gutom si Autumn, ayaw niyang magluto pa ng pagkain, naisipan niyang magpadeliver na lang, pero, kanina pa siyang umaga bagut na bagot, at ang date nila ng Leo na iyun ay nakadagdag pa sa pagkabagut niya. She needed to get out to fill up her lungs with polluted air, ang sabi ni Autumn sa  sarili. Kahit na polluted, maramdaman man lang niya na maging malaya, kahit ngayong gabi lang.
     Mabilis siyang nagbihis, ng t-shirt, maong na pantalon, at isang jacket hoodie. Ipinusod niya ang kanyang buhok at nagdala siya ng isang maliit na sling bag. Sumilip muna siya sa bintana, at tiningnan kung nakaparada sa kabilang kanto ang isang dark blue na lumang sedan.
     Alam niyang pinababantayan siya ng ama sa gabi, iniisip niya tuloy kung paano matatakasan ang mga ito.
     Napansin niya ang mahabang linya ng mga naka side parking sa kalsada, abot hanggang sa susunod na kanto ang pila ng mga nakaparadang sasakyan. Kung yuyuko siya habang naglalakad, patungo sa kabilang kanto ay di siya mapapansin ng mga nakabantay sa kanya.
     Pinatay na ni Autumn ang mga ilaw sa loob ng bahay, at nag-iwan siya ng isang bukas na ilaw sa labas. Ito na ang kanyang nakagawian, at sa tuwing ganung oras. Iisipin ng mga ito na tulog na siya.
     Naghintay pa siya ng ilang sandali, bago niya dahan-dahang binuksan ang maliit na gate ng kanilang bahay at hindi niya ito masyadong binuksan. Pinagkasya niya ang sarili sa makipot na awang ng gate, bago siya mabilis na naglakad habang nakayuko patungo sa kabilang kanto, at paminsan – minsan siyang lumilingon sa kanyang likuran.
     At nang masigurado niya na walang sumusunod sa kanya, agad siyang pumara ng taxi, at sumakay ng walang siguradong patutunguhang lugar sa kanyang isipan. At hindi niya napansin ang isang pigura na sumunod sa kanya.

    

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon