Chapter 13

7.9K 216 13
                                    

Late na ng dumating si Ace kinabukasan, nagmamadali siyang naglakad sa lobby ng office building nila at halos tumakbo na siya para mahabol ang elevator. Agad niyang iniharang ang kamay sa pinto at mabilis siyang pumasok.
     "Good morning sir" ang bati sa kanya ng mga nakasabay niyang empleyado ng iba't ibang nag-oopisina sa kanilang building. Ang opisina nila ni Deven ay nasa topmost floor, paglabas niya ng elevator ay nakatuon ang mga mata sa kanya ng lahat ng mga empleyado.
     Oo late siya, pero kailangan ba na tingnan siya ng mga ito? Ang takang tanong ni Ace sa sarili. Ang iba naman ay mahina siyang binati ng good morning at tanging pagtangu-tango lang ang isinagot niya sa mga ito.
     Ang iba naman ay umiwas sa kanya ng tingin at ang iba ay pa simpleng nagbubulungan, at napapatingin pa sa kanyang opisina. Lintik! Ang sabi ni Ace sa sarili, mukhang nasa opisina na niya si Deven at siguradong sasabunin na siya nito? Siguradong malilintikan  na siya this time sa kaibigan, ang nag-aalalang sabi ni Ace sa sarili.

     Pero pagbukas niya ng pinto ng kanyang opisina ay hindi si Deven ang bumungad sa kanya, at isang mahinang mura ang naibulong niya, nang makita ang PNP chief na nakaupo sa isa sa mga upuan na katabi ng kanyang office desk. Kasama nito ay dalawang police escorts na naka civilian.
     Anak ng-ang sabi ng isip ni Ace, kaya pala pinagtitinginan at pinag-usapan siya kanina sa labas, akala siguro ng mga tao sa labas na may kaso siya? Ang sabi ni Ace sa sarili. Hindi ba talaga siya tatantanan ng kamalasan?
     "Good morning Mr. DuPont!" ang masayang bati sa kanya ng general, na ikinakaba niya. Masyadong MASAYA ang bati nito sa kanya.
     "Anong ginagawa ninyo sa loob ng opisina ko?" ang tanong ni Ace at pilit na itinago niya ang inis at galit sa kanyang boses. Ayaw niyang gumawa ang heneral ng eksenang ikasasama niya, at lalo na dito sa building kung saan naroon na rin si Deven.
     "Tsk Tsk, ganyan ba ang bati mo sa iyong future father in law?" ang nakangising tanong sa kanya nito.
     Mahigpit na hinawakan ni Ace ang dala niyang kape na inorder niya sa coffee shop sa ibaba.  
     Napabuntong-hininga siya at lumapit sa kanyang lamesa saka siya naupo sa kanyang swivel chair. He should feel comfortable, dahil sa tuwing umuupo siya sa kanyang upuan na iyun, he felt comfortable, confident, and in control. Pero hindi iyun ang pakiramdam na ibinigay ng kanyang upuan, nang mga sandaling iyun, tila ba nakaramdam siya na natrap siya ng general at ng mga escorts nito.
     "Can I offer you anything? Coffee? Nagpasabi sana kayo na darating kayo para hindi kayo naghintay" ang sabi ni Ace.
     "Iba talaga kapag boss ano? Pwedeng pumasok kahit anong oras nila gusto" ang sagot nito sa kanya, "but, nagtataka naman ako, kung bakit yung isa pang boss ay on time pumapasok, I had the good opportunity na mameet ang isang katulad ni Mr Deven O'Shea" ang dugtong pa nito.
     Anak talaga ng kamalasan, nag meet na sila ni Deven? Malilintikan talaga siya, ang sabi ni Ace sa sarili. He was trying to control his annoyance, sa matandang general.
     "May kailangan po ba kayo? Did Autumn know na dadalaw kayo rito?" ang tanong ni Ace, gusto niyang malaman kung kinausap na ba ni Autumn ang ama niya kung kaya nandito ito ngayon.
     "I don't have to tell her about my affairs Mr. DuPont" ang sagot ng hepe sa kanya, "nagpunta ako rito para imbitahan kang magkape, makapag-usap, kasama si Autumn, I wanted to know more about you, bago kayo mamanhikan ng mga magulang mo sa amin" ang sabi ng PNP chief sa kanya.
     "I'm sorry pero medyo busy po ako ngayon, marami akong tatapusin na papers na hindi ko napirmahan kahapon" ang magalang na pagtanggi ni Ace, naiinis na siya dahil mukhang hindi pa kinausap ni Autumn ang daddy nito.
     "Hindi naman ako mang – iistorbo sa oras ng trabaho mo, of course naintindihan kita, kaya nga ang imbitasyon ko ay para mamayang hapon, siguro mga five? I asked Mr. O' Shea kung anong oras ka natatapos sa trabaho mo, he said na you can go out anytime you want, pero, bilang consideration, pagkatapos na lang ng office hours ninyo" ang sabi nito sa kanya.
     Naiinis siya sa tuwing binabanggit nito ang pangalan ng kaibigan at gustong ipaalam sa kanya na pwede siya nitong ibuko anytime na hindi siya papayag sa gusto nito.
     "Saan po ba?" ang tanong ni Ace.
     Biglang lumiwanag ang mukha ng heneral, "sa coffee shop malapit sa Crame" ang sagot nito at sinabi ang pangalan ng coffee shop.
     Tumangu-tango lang si Ace, at nagkunwaring interisado ito, "si Autumn po, susunduin ko pa ba?" ang tanong niya.
     "No, hindi na kailangan, malalayuan ka lang, sasabihan ko na lang na pumunta siya" ang sagot nito, sabay tayo nito, "pa'no hindi na kita aabalahin pa, see you this afternoon, Mr. DuPont" ang pamamaalam nito sa kanya, bago ito pinagbuksan ng pinto ng mga escort nito at tuluyan ng lumabas ng kanyang opisina.
     Napabuntong-hininga si Ace, at pinisil ang mga mata gamit ang kanyang hintuturo at hinlalaki. Bwisit! Hindi talaga siya tatantanan ng matandang iyun! At bwisit din ang babaeng iyun! Nangako ito na kakausapin ang daddy niya! Ang galit na sabi ni Ace sa sarili.
     Napabuntong-hininga siya ulit, at nagbilang siya hanggang sampu, mula ng lumabas ang heneral.
     "7, 8, 9, -" at hindi nga siya nagkamali, biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, at pumasok sa loob ang nakasimangot na si Deven.
      "You're LATE again Ace! Ano bang nangyayari sa iyo? Then all of a sudden biglang sorpresang dumalaw dito ang PNP chief, ano bang pinasok mo na gulo?" ang galit na tanong ni Deven.
     "Wala akong pinasok na gulo Deven, may instance lang na nameet ko si Mr. Dela Vega, at may pinag usapan lang kami, gusto lang niya na makipag meeting sa akin" ang pagsisinungaling niya.
     "Meeting about what?" ang usisa ni Deven sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harap at nakahalukipkip ang mga braso. Kita sa mukha ng kaibigan ang paghihinala nito.
     "Business" ang matipid niyang sagot.
     Kumunot ang noo ni Deven sa kanya, "it BETTER be Ace, or else, irereport na kita sa daddy mo tungkol sa pamamalakad mo sa ng negosyo" ang banta ni Deven sa kanya.
     Napabuntong-hininga si Ace, ito na nga ba ang kinaaayawan niya, "Deven, wala kang dapat ipag-alala, sige na marami pa akong gagawin" ang sabi niya sa kaibigan at wala na siya sa mood na makipagtalo o makipag-usap.

      Tinawagan siya ng kanyang daddy kanina, na pumunta sa coffee shop na malapit sa Camp Crame. Kahit pa ayaw ni Autumn na magpunta, ay wala na siyang nagawa, dahil alam niyang kagagalitan siya nito. At nang malaman niyang pupunta rin si Ace, ay naisip niyang kailangan niyang pumunta roon, dahil siya naman ang dahilan kung bakit napasok sa problema niya ang lalaki.
     And as always she was on time, five minutes bago ang usapan na oras ay dumating na siya at pumasok sa loob ng coffee shop. At dahil nga sa malapit ito sa Crame, halos puro mga pulis at mga nagtatrabaho roon ang nasa loob ng shop. Ang ibang nakakilala sa kanya ay magalang siya na binati at matipid na ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito.
     Ilang minuto pa ay dumating na ang kanyang daddy, nang makita siya nito ay agad itong lumapit sa lamesang inookupahan niya, habang sinasaluduhan ng mga pulis na nasa loob.
     Tumayo siya at binati ng isang halik sa pisngi ang kanyang daddy, "hello dad" ang bati niya sa ama. Sumenyas ang kanyang ama, na muli siyang maupo, kaya dahan-dahang inayos niya ang kanyang suot na palda, kasabay ng pag-upo niya.
     "Umorder ka na ba?" ang pormal na tanong ng kanyang daddy sa kanya.
     "Hindi pa po, hinintay ko po kayo" ang sagot niya.
     "Mabuti pa ay umorder na tayo ng kape, kanina ko pa gustong magkape, habang hinihintay natin ang nobyo mo" ang sabi ng daddy niya sa kanya na ikinapula ng kanyang pisngi.
     Tinanong siya ng ama kung anong kanyang iinumin at nang sumagot siya ay agad itong tumayo para umorder ng kanilang inumin.
     At pagbalik ng ama ay inilapag nito ang tray na laman ang kanilang mga kape at sandwich, kumain at uminom sila habang hinihintay si Ace.
     Pero inabot na sila ng halos dalawang oras sa paghihintay pero walang Ace na dumating, at nanggagalaiti na ang kanyang ama sa galit. Kitang-kita niya kung paano nagpipigil ng galit ang kanyang daddy. Halos guhit na lang ang nakatikom nitong mga labi.
     Kinakabahan naman si Autumn, hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari dahil sa ginawa ni Ace. Dapat na ba niyang sabihin ang totoo sa kanyang ama? Sa totoo lang ay kagabi pa nagtatalo ang isip at konsiyensiya niya.
     "Dad, baka po busy siya" ang sabi ni Autumn, pero hindi iyun kinagat ng ama.
     "Personal ko siyang pinuntahan, pareho kaming abala, pero nagpakatao akong pinuntahan siya sa kanyang opisina para imbitahan siyang magkape, tapos ganito ang ginawa niya, pambabastos ito Autumn hindi lang sa akin kundi sa IYO" ang marahan pero mariin na sabi ng kanyang daddy sa kanya.
     "Kakausapin ko na lang po siya daddy" ang sagot niya, pero natigilan na siya ng umiling ang kanyang ama. Binunot nito ang cellphone sa kanyang bulsa at dumial.
     "Velasco, may ipagagawa ako" ang sabi nito sa kausap.

     Madilim na ng umuwi si Ace sa kanyang condominium unit, tiningnan niya ang kanyang relo, it was twelve in the evening. Wala siyang ibang pinuntahan, hindi niya ginawa ang mga nakaugalian niyang gawin sa tuwing matatapos ang kanyang trabaho, bagkus ay nagpalipas siya ng kanyang oras sa loob ng kanyang opisina. Gary tried to talk to him, dahil nabalitaan nga nito sa TV na naraid ang hotel, tinanong nito kung nahuli ba siya, at isang matipid lang na hindi ang kanyang isinagot.
     Nagpupumilit pa itong malaman ang mga nangyari pero sinabi na lang niya na hindi na siya tumuloy, para lang hindi na siya magpapaliwanag o magkukwento sa kaibigan. Pinalabas na lang niya ito ng kanyang opisina at wala siya sa huwisyona na makipag-usap.
     At ngayon nga ay ka uuwi lang niya, pagpasok niya sa loob ng lobby ng condo ay isang matipid na bati ang ibinungad sa kanya ng naka night shift sa front desk.
     Hindi niya nilingon ni sinulyapan ang bumati sa kanya, dire-diretso siyang sumakay ng elevator paakyat sa floor kung nasaan ang unit niya.
     He was so tired, gusto na niyang mahiga agad sa kanyang kama, inilusot niya ang susi sa keyhole, pagpasok niya sa loob ay muntik na siyang mapasigaw.
   

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon