Chapter 56

6.9K 176 15
                                    

It was indeed a blissful start of life for Ace and Autumn. Simula kasi ng aminin nila sa isa't isa ang kanilang mga nadarama ay mas lalong gumanda ang kanilang pagsasama.
    Mas lalong naging focus si Ace kay Autumn, gusto niya na lagi niya itong nakikita at nakakasama. Iniwan na niya ng tuluyan ang pagbabarkada, kahit pa sinabihan naman siya ni Autumn, na pwede siyang maghangout kasama ng mga kaibigan.
    Autumn pushed him to have a break and hang out with his friends, kailangan din naman kasi nila ng space sa isa't isa, for them to unwind and mingle with other people. She understand the importance of giving Ace some space, dahil iyun din ang gusto ni Autumn, ang bigyan siya ng space ni Ace para maexplore niya ang kanyang mundo, without limitations.
    Pero tinaggihan ito ni Ace, mas gusto pa nitong kasama si Autumn. He became so attached to her, na hindi niya namamalayan na siya na mismo ang gagawa at magiging dahilan ng kanyang kinatatakutan.
     The year started busy for Autumn, halos naging sunod-sunod ang kanyang mga commitments, meeting with clients, seminars na ang iba ay out of town pa, at first Ace was so happy for her, excited siyang umuuwi sa bahay para ikwento ang mga nangyari sa kanya sa araw na iyun at ganoon din si Ace.
     "Look hon, may bago na naman akong certificate!" ang masayang sabi ni Autumn at ipinakita niya kay Ace ang bago niyang achievement.
    "Wow babe, I'm so proud of you, I'm sorry kung hindi kita nasamahan sa event na iyun" ang sabi ni Ace kay Autumn.
     "It's okey, we can celebrate naman" ang masayang sabi ni Autumn.
     "Sure saan mo gustong magpunta?" ang tanong ni Ace, "do you want to eat out here sa metro? Or sa Tagaytay may masarap na kainan doon with the Taal view, although medyo late na" ang sabi ni Ace.
     "Hmm, I want to celebrate inside our bedroom" ang sagot ni Autumn and she gave Ace a naughty look. And hindi naman siya nabigo, Ace always gave her what she wanted.
  
   
      Pero hindi inakala ni Autumn na iyun ang kanyang career ang simula ng di nila pagkakaunawaan ni Ace.
     Autumn spend too much time on meeting her clients, na minsan ay kahit na sa free days nila, o yung mga araw na walang pasok si Ace at siya, she usually spent it meeting up new clients or old friends. These were things that she hadn't done before, dahil na rin sa pagbabawal ng kanyang ama, and she thought Ace would understand. But, apparently, nagkikimkim na ng hinanakit si Ace.
     Ace thought that Autumn was beginning to neglect her, mas gusto pa kasi nito na makasama ang ibang tao kaysa sa kanya, simula ng magsimula na naman ito na magtrabaho. She kept herself so busy meeting up new clients, and minsan naman yung nga araw that was supposed to be na para sa kanila na lang, ay ibinibigay pa nito sa mga dating kaibigan.
    At first he understand, but it became yo frequent already na napansin na ni Ace na nababalewala na siya. Nagkikita na lang sila sa sa gabi, kung kailan naman sandali lang silang mag-uusap about each others day, at kapag he wanted to make love, she'll say she's too tired, and kapag naman sa umaga she's always in a hurry.
    Dun na nagsimula ang mabigat na pakiramdam ni Ace sa kanyang dibdib. He became paranoid, dahil sa natatakot siya na mawala sa kanya si Autumn, at hindi niya makayanan iyun. Kung hindi man sa kalusugan nito ay ibang tao ang dahilan kung bakit ito mawawala sa kanya. He felt neglected. Iniwan niya ang dating mundo to gave Autumn his full time, his attention, pero pakiramdam niya na hindi sinuklian ni Autumn ang ibinibigay niya.


     "I forbid it" ang giit ni Ace sa kanya isang gabi habang kumakain sila ng dinner sa bahay. Nagpaalam kasi si Autumn na pupunta siya sa isang out of town seminar isa itong Philippine expo, kung saan ipapakita at ipapakilala sa mga designers, entrepreneurs, and artists ang mga paintings at furnitures na gawang pinoy. Roaming around the metro was enough, but out of town travel? That was too much for Ace.
     Although hindi naman kailangan ni Autumn na umattend dahil sa hindi naman niya kakailanganin iyun sa kanyang career, but the DTI and DOT and a group of Filipino artists, gave her an invitation, and she was so overwhelmed and honoured dahil mga kilalang interior designer lang at mga kilalang artists at prominenteng tao sa bansa ang nabibigyan ng invitation, at gustong-gusto talaga niya ang makakita ng mga bagong designs ng furnitures.
     Pagkatanggap niya ng invitation she quickly called the organiser to confirm na pupunta siya, without even saying it first to Ace, dahil hindi naman niya naisip na hindi siya papayagan nito.
     "Ace, this is a prestigious event, puro kilalang tao ang imbitado, and out of five hundred people, I was one of the fortunate few na makatanggap ng invitation"
    "You started sounding like Bridge" ang inis na sagot ni Ace.
    "Anong kinalaman ni Lyndon dito?" ang inis din na sagot ni Autumn. Wala namang masama na pumunta sa isang event na puro kilalang tao ang pupunta, but the event sounded so snob, when it came out of Ace's mouth, its like a foul taste on his mouth.
    Tumikom ang bibig ni Ace, "kailangan mo ba ito sa iyong trabaho? May certificate ka ba na makukuha para makadagdag sa career mo?" ang tanong ni Ace.
    "No"
    "Then it's not important" ang giit ni Ace.
    "Pero gusto kong umattend, I even made a confirmation na pupunta ako" ang sagot ni Autumn.
    "Without even asking me first? Hindi ba dapat ikinunsulta mo muna sa akin ito?"
    Autumn was dumbfounded, hindi niya inakala na pati ang trabaho niya ay kailangan niyang ipaalam kay Ace. Tila ba daddy niya rin ito.
    "Ace trabaho ito"
    "Out of town?" ang di makapaniwalang sagot ni Ace, "look Autumn, I am worried about you, about your health, ayoko ng mangyari ang nangyari sa iyo noon"
     "It won't happen again! Dahil sa hindi naman mabigat na trabaho ang gagawin ko, it's an expo, a display of Filipino art and culture, as an interior designer and artist it piqued my interest, you know how much I love art" ang giit ni Autumn.
     "Ilang araw ka mawawala?" ang tanong ni Ace.
     "One day and one night dahil may gala sa gabi na kailangan kong puntahan, pero bago ang expo ay aalis na ako at mag check-in na lang ako sa hotel, I made hotel reservations already"
     Parang nagpintig ang tenga ni Ace, he felt betrayed dahil hindi man lang siya tinanong ni Autumn kung papayag ba siya. Hindi a dapat as her husband ay may karapatan siyang magdesisyun sa buhay nito? Ang tanong ni Ace sa sarili.
    "Ano pa bang magagawa ko, it looks like you already planned all about this, hindi ka na rin sana nagpaalam sa akin tutal, kaya mo naman na magdesisyun sa sarili mo" ang galit na sabi ni Ace sabay tayo nito sa upuan at iniwan nito si Autumn sa harap ng lamesa.
     Iyun ang unang beses nilang magtalo at unang beses na natulog sila na hindi magkayakap. They lay with their backs to each other.
    Autumn wanted to give in, gusto na sana niyang ikansela ang attendance niya, pero, kapag ginawa niya iyun, ay parang bumalik na naman ang buhay niya sa dati, ang buhay na tinakasan niya, ang buhay na kinokontrol.
     Ace tried to turn his back and to console Autumn. Pero, pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang marealised ni Autumn na kapag sinabi niya na huwag siyang pumunta, ay huwag siya pumunta. Gusto niya na siya ang piliin nito at hindi ang trabaho, ang sabi Ace sa sarili.
    Yes he let go of his grip, para mahalin si Autumn, but there was still a space in his heart and mind ang takot na masaktan. Hindi niya kakayanin o kayang isipin kung paano niya ihahandle ang heartache. Baka matulad siya kay Deven.
 

The Accidental Groom [Completed] Self - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon