Kaya nga ayaw niya ang idea na magpunta ang lahat ng kamag-anak niya, dahil magkikita sila ng karibal niya simula pa lang ng mga bata sila. Ang kanyang pinsan, na si Lyndon Bridge.
"Lyndon, akala ko ba nag falling down ka na, bakit nandito ka pa rin?" ang pang – aasar na bati ni Ace sa pinsan, dahil nga sa tunog ng pangalan nito, na Lyndon Bridge. Pero sa halip na maasar ay lalo lang lumapad ang mga ngiti sa mukha ng pinsan, na lalo niyang ikinainis.
"Mukhang nakatiyamba ka insan ah, oh nabulag lang itong si Autumn at ikaw ang nagustuhan? Hindi yata gumagana ang salamin ni Autumn mukhang nalabuan pa rin" ang pang aalaska sa kanya nito.
Hindi sumagot si Ace at ngumisi lang, habang nakatingin sa pinsan niya na naglalakad na papalapit kay Autumn.
"I'm Lyndon, Ace's cousin" ang pagpapakilala nito kay Autumn, iniabot nito ang kamay kay Autumn for a handshake. Pero nang abutin iyun ni Autumn, sa halip na isang handshake ang nangyari, hinila siya nito papalapit, sabay yakap nito sa kanya at halik sa kanyang pisngi.
And Ace was fuming with anger, NO, hindi siya nagseselos, wala pang babae na pinagselosan niya. Ayaw lang niya na pinakikialamanan ni Lyndon ang kanyang pag-aari. Yes! Kanya na si Autumn, hindi ba at fiancee na niya ito? Ang giit ni Ace sa sarili.
"She's so beautiful napaka swerte mo Ace" ang papuri ni Lyndon, na ikinapula ng mga pisngi ni Autumn, "naka helmet ka ba Autumn at hindi ka pa nauuntog?" ang biro ni Lyndon. Isang mahinang tawa ang isinagot ni Autumn, but Ace didn't find it funny.
"Hay naku, kayo talagang magpinsan puro kayo kalokohan, dun na tayo sa may dining para mameet naman ng mga tito at tita mo at mga pinsan si Autumn" ang sabi ng mama ni Ace.
"Let me" ang offer ni Lyndon kay Autumn ng braso nito, ngumiti naman si Autumn sabay hawak sa braso ni Lyndon at sabay silang nagtungo sa dining habang nakakunot ang noo at di maipinta ang mukha ni Ace na na kasunod sa likuran nila.
Talagang sobra siyang inaasar nitong Lyndon Bridge na ito, lahat na lang ng kanya ay gusto nitong makuha, ang inis na sabi ni Ace habang nakatingin kina Lyndon at Autumn. May sinabi si Lyndon kay Autumn at medyo idinikit nito ang labi sa tenga ni Autumn. Tumangu-tango si Autumn at mahinang natawa. Nagtataka nga siya, at kilalang suplado si Lyndon sa mga babae, pero bakit kay Autumn, napaka attentive nito, ganuon na lang ba ang karisma ni Autumn, kaya pati ang kilalang suplado na si Lyndon ay nahulog sa charms nito?
Kumukulo na talaga ang dugo ni Ace, lalo na pagpasok nila ng dining. Hinila ni Lyndon ang silya para kay Autumn at mahinang thank you ang isinagot ni Autumn. Uupo sana si Lyndon sa tabi ni Autumn pero mabilis na sumingit si Ace. Hindi na siya papayag na magpa charming ang pinsan kay Autumn.
"Excuse me pero ako dapat ang nakaupo diyan" ang sabi ni Ace, nang hinarangan niya si Lyndon na maupo sa katabing upuan ni Autumn.
"Oh, I'm sorry" ang sagot ni Lyndon, na mukha namang hindi sinsero ang paghingi nito ng paumanhin. Sinundan lang ng tingin ni Ace si Lyndon na umikot sa kabilang side ng lamesa, kaharap ni Autumn at katabi ng mama niya, sa head ng lamesa ang kanyang papa, siya ang nasa left side nito, kasunod ni Autumn sa kaliwa nito ang lola niya. Naroon din ang mga tita at tito niya na mga kapatid ng mama at at mga kapatid ng papa niya, ganun na rin ang dalawa pa niyang kapatid na lalaki na mas nakababata sa kanya, na panandalian lang ang pagstay ng mga ito sa Pilipinas dahil kailangan ding bumalik ng mga ito sa France dahil nag-aaral pa ang mga ito.
Nagsimula na silang kumain, ang lola ni Ace ay inasikaso ng husto si Autumn, nilagyan ng maraming pagkain ang plato niya nito, at hindi naman niya ito matanggihan. Napasulyap na lang si Autumn kay Ace na di na mapigilan ang hindi ngumiti ng makitang tinambakan ng maraming pagkain ang plato ni Autumn.
"Lola, baka po tumaba naman si Autumn" ang biro ni Ace.
"Huh, I think she needed more meat in her body, lalo na kapag nag buntis ka, kailangan na malaman ang katawan niya" ang sagot ng lola ni Ace.
Muntik ng masamid si Autumn dahil sa sinabi ng lola ni Ace, at napansin iyun ni Ace, kaya hinagod nito ang kanyang likod. Pero hindi iyun nakatulong, parang lalong nagsikip ang lalamunan ni Autumn ng maramdaman ang mainit na palad ni Ace na humahagod ng kanyang likod.
"Are you OK?" ang alalang tanong ni Ace, sabay abot ng baso ng tubig kay Autumn na agad naman nitong kinuha at uminom ng tubig.
"Si lola talaga puro biro" ang sagot ni Ace, "nabulunan tuloy si Autumn"
"Aba, bakit? Totoo naman ang sinasabi ko, bakit ayaw nyo pa bang magka – anak?" ang usisa ng lola ni Ace.
"Siguro po years pagkatapos ng kasal" ang sagot ni Ace.
"Ay anak, huwag namang ganun, gusto na namin ng daddy mo ng apo, at sana soon" ang malambing na sabi ng mama ni Ace.
"Oo nga, maganda yung habang bata pa kayo ay magbaby na, gusto ko yung marami para maraming bata rito sa bahay kapag pasko" ang nakangiting sabat naman ng papa ni Ace.
Di napigilan ni Autumn ang mapatingin sa kanyang katabi na si Ace na mukhang natutuwa sa discomfort niya.
"Well depende po iyan kay Autumn" ang panggigipit ni Ace, ngayon ikaw naman ang makaranas ng interrogation, ang natutuwang sabi ni Ace sa sarili. At naalala na naman niya ang gabing nagpunta ang daddy ni Autumn sa unit niya.
"Autumn?" ang umaasang tanong ng mama ni Ace sa kanya.
"Ahm" ang sambit ni Autumn, pero di niya naituloy ang sasabihin ng sumabat si Lyndon.
"Siguro ang dapat nating tanungin ay si Ace, siya itong maraming babae na nakakasama gabi-gabi, e paano nga naman makakabuo kung hindi naman si Autumn ang katabi?" ang sabat ni Lyndon.
Tumikom ang mga labi ni Ace, bakit ba nakikisabat ang lalaking ito? Bakit ba laging may tagapagtanggol si Autumn? Ang tanong ni Ace sa sarili.
"Yeah, I agree Ace, kailan mo ba ihihinto ang night life mo?" ang galit na sabi ng papa ni Ace sa kanya, "akala mo ba nakakatuwa na malaman na gabi-gabi ay laman ka ng bar? At iba-iba ang babaeng kasama? Nakakahiya sa pamilya natin at sa kumpanya at sa pamilya ni Autumn" ang dugtong pa nito.
Napabuntong-hininga na lang si Ace at itinikom ang bibig, ayaw niyang makipag talo sa kanyang papa at alam ni Ace na matatalo lang siya.
"I almost give up on you, but nang tawagan mo kami at sinabi na engaged ka na at gusto mong mamanhikan, parang nagliwanag ang kalangitan, at nakakita pa kami ng pag-asa sa iyo" ang muling sabi ng papa ni Ace.
"At hindi lang basta-bastang babae, she's a cultured woman and a daughter of a man with integrity" ang papuri pa ng papa ni Ace.
Hindi maiwasan ni Autumn na mamula ang mga pisngi, a cultured woman? Yes she was, kung alam lang ng mga ito na siya ang may kagagawan kung bakit nasa ganitong kalagayan ang anak nila, ang sabi ni Autumn sa sarili.
Pero hindi na siya pwedeng umatras ngayon, she had taken the risks, saka na niya pagsisisihan ang lahat kapag nasaktan na siya. But for now? NO, nagsisimula pa lang siya.
"You know Ace, I'm really surprised na isang katulad ni Autumn ang makukuha mo na galing sa isang magandang pamilya" ang sabi muli ni Lyndon, "we're so scared that you'll take home a girl that you met on a prostitute den"
Si Ace naman ang nasamid, sa sinabi ni Lyndon, yeah right! Ang sabi ng isipan ni Ace, tama ang expectations mo na sa isang expensive whore hotel niya nakilala si Autumn.
"Paano nga pala kayo nag kakilala" ang tanong ng tita ni Ace, sumandal lang si Ace sa backrest ng siya at ipinatong ang mga kamay niya sa lamesa.
"Si Autumn ang MAGALING MAGKWENTO pagdating diyan" ang sagot ni Ace.
"I met him sa condo, may client kasi ako doon at nauntog siya sa paa ng bedframe" ang sabi ni Autumn.
Lyndon blurted a laugh, at nagkatinginan naman ang mga magulang ni Ace.
"So it's love at first sight?" ang excited na tanong ng mama ni Ace, while she clasped her hands.
Ace snorted at namula naman ang mga pisngi ni Autumn.
"But I was so curious? Bakit biglaan yata ang proposal mo Ace? Well I understand you, jackpot ka talaga kay Autumn, but I mean it was so sudden" ang usisa ni Lyndon.
Ace glanced at Autumn, na tila ba hinihintay din ang sagot niya, napabuntong-hininga siya at nagkibit-balikat.
"Nahuli kasi kami ng daddy niya na nakapatong ako sa kanya sa ibabaw ng kama" ang sagot ni Ace at nang napatingin siya kay Autumn kita niya ang gulat at pamumula ng mukha nito habang bahagyang nakabuka ang bibig nito. Good, she felt uncomfortable, tama lang sa kanya yun, ang sabi ni Ace sa sarili.
Nagkatawanan ang lahat ng mga kasama nila sa lamesa, "eh anong ginawa mo apo? Hinugot mo?" ang pilyang tanong ng lola ni Ace.
"Mama" ang saway ng papa ni Ace sa lola niya. Habang si Ace naman ay humagalpak ng tawa.
Lalong namula ang mga pisngi ni Autumn dahil sa sinabi ng lola ni Ace, at napagtanto niya kung kanino nagmana ng kapilyuhan si Ace.
"Kaya sinabi ng daddy ni Autumn sa akin na kailangan kong pakasalan si Autumn, or else" ang sabi ni Ace sabay senyas ng kamay nito, na tila ba ginilitan siya ng leeg.
"Aba, kahit ako rin naman, ganun din ang gagawin ko, hindi ako papayag ng nakuha mo na ang gusto sa anak ko ng ganun na lang? Kasal dapat, kaya tama lang ang ginawa ni Ramon" ang pagsang-ayon ng papa ni Ace.
"Tama! Kaya ko rin naman nakuha ang daddy ng papa ni Ace ay dahil sa tinutukan siya ng ama ko ng itak at nahuli kaming nakapasok ang kamay nito sa aking blusa" ang nagingiting kwento ng lola ni Ace.
Napailing na lang ang papa ni Ace dahil sa kapilyahan ng kanyang mama, at si Ace naman ay patuloy sa pagtawa ng malakas."Eh ano naman ang unang balak ninyong gawin?" ang tanong ng mama ni Ace.
"Pumirma ng Prenuptial agreement" ang sagot ni Ace.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomanceA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...