Agad na nag plano sina Ace at Lyndon noong gabi din na iyun, Parang 360 degree turn ang nangyaring pagbabago nito. From being miserable and suicidal, to being so elated and hopeful.
Matiyaga silang nag plano and they only have two days to execute the plan, kaya pagputok pa lang ng araw ay agad na kumilos ang dalawang magpinsan.
Dahil nga sa maraming kilala si Lyndon na fancy people ay agad na nakakuha ng pagkakataon si Ace na makausap ang isa sa mga nakasuhan na pulis na sangkot sa pagiging ninja cops. Palihim na nakipag usap si Ace sa abugado ng mga akusadong pulis at tumayo bilang emissary nila sa mga ito.
Ang misyon ay mapag alamanan kung sino pa ang mga ninja o scalawag cops na nasa loob at labas ng Crame na pwedeng maging mata at tenga nila. At ang deal ay name their price at willing si Ace na mag bayad ng kahit magkano.
Isang araw lang ang ibinigay na timeline ni Ace para sa sagot ng mga ito at tatlong oras siya na Naghintay sa coffee shop sa ibaba ng kanilang company building, para sa tawag ng abugado for lists of information at ang presyo na hihingiin ng mga ito.
Ace was feeling agitated, dahil kapag hindi sila nakakuha ng impormasyon na mula sa mga accused police scalawags, ay mababalewala lahat ng plano.
Ano ba ang plan b nila? Ang sabi ni Ace kay Lyndon, ay ang lumapit sa NPA o Abusayaff. Last resort niya iyun, ang sagot ni Ace kay Lyndon, na ikinalaki ng mga mata nito at tingin yata sa kanya na nababaliw na siya.
Well yun ang nangyayari sa kanya, nababaliw na siya, baliw na baliw kay Autumn. Nakailang kape na siya sa loob ng tatlong oras na paghihintay. At halos mapatalon siya ng biglang tumunog ang kanyang phone.
Kinakabahan niyang dinukot ang kanyang phone sa harapang bulsa ng kanyang pantalon. Tiningnan niya ang numero na nasa screen, it was the lawyer.
He closed his eyes and he took a deep breath, he opened the message, at halos mapatalon siya sa tuwa ng mabasa niya ang sagot ng abugado.
Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo palabas ng pinto palabas ng coffee shop. He has to get the amount na hinihingi ng mga pulis. Naintindihan niya kung bakit ganun kalaki ang halaga na hinihingi ng mga ito. Delikado ang gagawin nila lalo pa at anak ng PNP chief ang misyon nila. But he's willing to gave all his wealth.
Kahit pa gumapang siya sa hirap ay gagawin niya, maibigay lang niya ang halagang hinihingi ng mga ito. Alam niyang delikado rin ito para sa kanya, dahil kapag pumalpak ang lahat, sangkot siya sa kaso ng kidnapping.
Parang déjà vu ang nangyari, mukhang may kahaharapin na naman siyang kaso at sangkot na naman si Ace. Tinawagan ni Ace ang kanyang abugado, para makapag withdraw siya ng ganun na kalaki na halaga. Kinuha na rin niya ang tinatago niyang pera sa kanyang vault sa bahay.
Ipalalabas nila na may bibilhin na bahay si Ace at kailangan na maibigay niya ang pera para maiclose ang deal sa property.
Agad siyang nakipagkita sa kanyang abugado para magpunta sa kanyang bangko at makapag withdraw ng malaking amount ng pera, alam niyang mahihirapan siyang makapaglabas ng ganun na kalaking halaga ng pera.
At pagkatapos nga ng ilang oras nang usapan at pagtatalo, at kung hindi pa niya sinabi ikoclose na lang niya ang account niya ay di pa sila nito pagbibigyan. Although they have to wait for a long while bago niya nakuha ang pera, mauubusan na siya ng oras, ang sabi ni Ace sa sarili.
Pagkalabas niya ng bangko ay mabilis siyang nakipagkita sa abugado para kunin ang lists of information, nakausap na rin daw ng accused police ang mga ito kaya nakagrupo na ang mga ito at hinihintay na lang ang tawag niya.
Ibinigay ni Ace ang pera sa abugado, yun ang bayad para sa kliyente nito, at binigyan din niya ang abugado. The rest of the money ay mapupunta naman sa mga grupo ng scalawags na kakatagpuin niya sa ibinigay na address.
Alam niyang delikado, dahil pwedeng trapped at hulidap ang mangyari sa kanya o kunin lang ang pera at patayin na siya ng mga ito lalo na at makikita niya ang mga mukha nito, but he has to take the risk. He texted the address to Lyndon at ang lists in case na may mangyari sa kanya. Tiningnan niya ang oras, hapon na at wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula kay Lyndon.
Kapag hindi nagawa ni Lyndon ito, ay walang misyon na mangyayari bukas, at kailangan na naman nilang maghintay ng ilan pang araw na wala si Autumn. Hindi na niya kayang maghintay ng napaka tagal, sabik na sabik na siya kay Autumn.
May kadiliman na ng matunton niya ang hide out ng mga pulis na kausap niya. Sa probinsiya ng Tanay pa siya naka abot, at medyo liblib na ito.
"Lalaking naka maong na jacket" ang bulong ni Ace sa sarili, iyun kasi ang sinabi ng kausap niya kanina. Isang lalaking naka cap at maong jacket ang maghihintay sa kanya sa kalsada para samahan siya sa hide out ng mga ito.
Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa tabi ng kahabaan ng Marilaque hi way, ang sabi ng kausap niya kanina na sa harap ng tindahan ng bulalohan. lumabas siya sandali ng sasakyan at nagpalinga-linga.
Naupo siya sa mahabang upuan na may lamesa, naamoy niya ang masarap na sabaw ng bulalo, biglang kumulo ang kanyang tiyan. Kagabi pa pala siya hindi kumakain. Mukhang wala pa naman ang kausap niya, naisipan na muna niyang kumain habang naghihintay.
Bitbit ang malaking mangkok ng bulalo ay naupo si Ace sa may lamesa sa labas kung saan matatanaw niya ang mga tao. Naupo na siya at nagsimula ng kumain, agad niyang hinigop ang masarap at mainit na sabaw. Naalala niya si Autumn, kung paano nito lagi siyang nilulutuan ng masarap na bulalo.
"Autumn" ang bulong ni Ace.
Nang may maramdaman siyang tumabi sa kanya at may itinutok na matigas na bakal sa kanyang tagiliran.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomanceA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...