Naupo si Ace sa gilid ng hospital bed, kung saan nakahiga at natutulog si Autumn. Pinagmasdan ni Ace ang natutulog na mukha nito, at natuon ang kanyang mga mata sa bandage na nasa may gilid ng noo nito.
She looked like a child, with her lying there, sleeping soundly. Inayos niya ang kumot na nakabalot sa kalahati ng katawan nito. Ilang oras na rin itong natutulog dahil na rin sa gamot na ibinigay sa kanya, na pain killer para sa sugat nito sa noo. Medyo malaki at nakabuka ang sugat nito kaya kinailangan itong tahiin para magsara.
Parang piniga ang puso niya, nang malaman niya iyun. Laking pasalamat na lang niya, dahil hindi napalakas ang pagkakabagsak ni Autumn sa sahig, kundi, baka nagka head injury ito and it could be fatal. And it was all his fault, ang galit na sabi niya sa sarili.
Kung inintindi niya lang sana si Autumn, at kung hindi lang binalot ng sobrang selos ang puso niya ay hindi ito mangyayari kay Autumn. Siya ang may gawa nito sa asawa at siya ang dapat sisihin.Laking pasalamat din niya sa babaeng crew ng burger joint na nagdala at nagbantay kay Autumn dito sa hospital, ito rin ang tumawag sa kanya at naalala niya ang sinabi nito sa kanya nang sagutin niya ang tawag na galing sa phone ni Autumn.
"Ah sir, si ma'am po hinimatay po sa restaurant, sinamahan ko po siya dito sa hospital kinuha ko po yung cellphone niya para po matawagan ko po yung pamilya niya, tapos tiningnan ko po yung nasa last call made niya, kaya po nakontak ko kayo" ang sagot ng babae sa kanya.
All the blood in his head were drained, at para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya iyun. Agad niyang kinuha ang pangalan ng hospital at parang baliw siyang nagmaneho papunta sa hospital.
Yes he drove like a madman while he cursed himself out loud habang nasa loob siya ng sasakyan.He has never been so afraid in his life. Yes, back in Sagada, ay natakot din siya ng maiwan si Autumn sa bundok. Pero ang naramdaman niya ng mga sandaling iyun ay doble o triple pa.
His heart was pounding wildly inside his chest as he tightly gripped the steering wheel. And for the first time in his life he called for Him.
He called Him, and he utter a prayer, na sana ay huwag nitong pabayaan si Autumn, at sana ay pagbigyan pa siya Nito ng isang pagkakataon, para makasama at mahalin si Autumn.
Nakausap niya ang babaeng crew na nag dala at nagbantay kay Autumn, and he was so grateful na inalok niya ito ng trabaho sa kanilang kumpanya.
Knowing na ang mga restaurant na katulad ng burger joint na pinagtatrabahuan ng babae ay puro contractual ang mga empleyado. Sinabihan niya itong magpunta sa kanilang opisina at ibibilin na niya ang kanyang pangalan sa HR department, because she's automatically employed sa kanilang company.
Laking tuwa at pasalamat ng babae sa kanyang ginawa. She was so grateful.
Pero napakaliit na kabayaran nito kumpara sa ginawa nitong pagtulong kay Autumn, dahil para kay Ace ay hindi matutumbasan ng kahit ano paman ang ginawa nito para kay Autumn.
Pagpasok niya sa loob ng private room, ay parang dinurog ang puso niya ng makita niya si Autumn na nakahiga at may bandage sa ulo, at namumutla ito.
Nakausap niya ang doctor na tumingin kay Autumn at over exertion ang cause ng kanyang pagkahimatay. Wala naman daw itong sakit at hindi rin daw ito buntis.
Hindi niya masabi sa doctor na hindi po talaga mabubuntis si Autumn, dahil virgin pa po ang asawa ko. But he just listened and kept his mouth shut as he listened intently sa mga ipinagbilin ng doctor sa kanya patungkol kay Autumn. Saka lang siya nagsalita nang nagpasalamat siya sa doctor.
BINABASA MO ANG
The Accidental Groom [Completed] Self - Published
RomansaA story where the husband will do anything....to get rid of his wife. Strictly for MATURE READERS ONLY 18 AND UP! Ace Valentin duPont, a playboy billionaire, who always paint the town red. He never settles for one woman, and stays away from long and...