Chapter 21

2 1 0
                                    

Sayings by me;

Mich point of view

Masayang nag sisigawan ang mga tao sa crowed,tatlong school kasi ang nandito bibisita sa school namin. Basketball ang first game,School namin at ang Limnor Academy.
Nandito kami nila Channel at Maureen  sa dulo ng bench umupo dahil ayaw nilang doon kami sa  gitna.
Alam niyo baka maencounter pa namin sila ang mga Collantes Fam. Mahirap na like duhh!

May mga stuff rin school namin ang pumarito,may mga guest at may mga parents rin ang bumisita.

"Woahhhh! Ang galing nila 106-89! Ang galing talaga ni Leann!" Napakurap naman ako ng biglang sumigaw si Channel. Hindi ko namalayan tapos na pala ang laro nila kaya pala mas lalong umingay dahil sa sigawan ng mga studyante,pagkatapos ay nagsitayoan na rin ang iba.

"Tara canteen na tayo dumiretso." Aya at sabay tayo ni Maureen.

"Tara..." At tumayo na rin ako.

Naglakad narin kami patungong Canteen. Maaga pa naman dahi eight nagsimula ang laban at natapos rin ng nine thirty.
Nakita ko pa sila Frihia na pumunta sa gitna ng court at sinalubong ng yakap sila Ohh! -Lorenzo... Pero tinulak pala ni Lorenzo ng aakmang yumakap sana si Frihia.

Pagdating namin sa Canteen ay medyo may mga tao narin. Since hindi naman ako nagugutom bumili nalang ako ng Meniral water. Ilang minuto rin kaming pumila, pagkatapos naming bumili bumalik narin kami. Habang naglalakad kami ay may bigla nalang sumalubong saamin ng sigaw.

"Ate Channel! AteMaureen magready nadaw, dahil tayo na ang next game!" Sigaw ng kung sino.
Nagtakang  nagkatinginan ang dalawa.

"Huh? Kala ko ba bukas pa ang laban?" Nagtatakang sabi ni Maureen.
Nagulat rin ako,bakit nga ba ngayon? Eh sinabi nga kahapon ng coach nila na bukas pa ang laban nila sa volleyball.
Alam ko yon dahil sinabi ni Channel pagkatapos nilang nagtraining.

"Teka lang,psst! Sinong nagsabi sayo?" Aakmang umalis na sana ang freshman.

"Si Frihia..." Sabi niya. Mas lalong nakakataka ngayon ang sinabi niya."Kaya nga eh, hindi pa ako-kami o tayo ready. Tapos yong magiging kalaban natin ready na sila,dahil may pang incase sila laging handa..."medyo nadidismaya ding sabi niya.

"Daya naman, wait! bakit si Frihia ang-nasaan  ba si coach?" Tanong ni Maureen.

Kasalukuyang naglalakad na kami ngayon. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.

"Sinugod sa Hospital kagabi dahil daw inatake siya... Hindi ko alam kung ano ang sakit niya." Nagulat kami kaya...

"What!?"
" ano!?"
"Parang kahapon lang okay naman siya. Malas naman!sana magaling din agad si Coach  Dense." Malungkot na sabi ni Maureen.

"Kaya nga eh Si Frihia ang pumalit ni Coach, Remember siya ang captain."
Yon lang ang usapan saka pumunta na kami sa direksyon ng mga team mates  nila Channel sumama lang ako dahil. Nagtataka din ako.

"Iniba ang sched. Kaya wala na tayong magagawa." Sabi ni Frihia ngayon na nasa harap ng mga ka team.
"Bilisan niya,magpalit na kayo!" Pagmamadalu niya.

Teka! Wala ba silang jersey o galing sa school nato? Bakit ang basketball meron? Magsalita na sana ako pero bakit ako makikisali hindi ko naman problema iyon.

Nacurious lang talaga ako dahil sa dati kong school nun, sila na ang bahala sa jersey namin kaya wala na kaming problema.
Oo.. Varsity din ako dati, volleyball,soccer at siyempre marunong din ako sa basketball girls. Sayang lang dahil galing ako sa basagulerang studyante nabagsak ko ang mga subjects ko. Saka--

"Ano!?" Nabalik ang huwisyo ko ng bigla nalang silang sumigaw. Ano daw yon?

"Kaya maghanda na kayo. Dahil bukas pa ang jersey niyo madeliver,saka okay lang yon dahil magamit niyo rin sa championship at wag kayong mag alala may laban parin naman kayo bukas,i think pero hindi ako sure." Coach sa basketball ang nagsalita ngayon.

"Pero coach... Sige na nga mangsihiram nalang tayo." At ngayon si Channel na ang nagsalita.

"Hindi ako lalaro.." Isa sa team mates nila

"Ayaw ko rin.." Sabi din nang isa

Walo silang lahat at naging anim nalang sila ngayon at

"Ayaw ko rin." Ang freshman kanina.

"Ano? Maglalaro ba kayo o disqualified ang volleyball girls varsity sa'tin?" Parang naiinis na rin si Miss Valle. Siya ata ang coach teacher nito.
"Okay kung ayaw niyo, magpapasok nalang ako ng mga hindi varsity tutal marami namang gusto sumali dito." Tahimik nalang sila. "Kaso wala palang jersey." Muling sambit ni Miss Valle. Kaya nga hindi ko na mapigilang makisali.

"Hhmm... E-xcuse me." Tumingin naman silang lahat sakin. Except sa masamang tingin ng Family Collantes."may jersey ako dito ahh..extra kung gusto niyong manghiram."offer ko.

"Marunong kaba maglaro ng volleyball miss Nerd. Baka may maitulong ka samin maliban sa extra jersey mo?" Sarkastik na sabi ni Frihia kaya nasa kanya ang  attention ng lahat.

"Oo nga... Ahh baka hindi ate okay na yan ang jersey mo ilan ba ang extra mo?"

"D-al-awa." Nauutal kuno kung sabi.

"Oh sa kay Channel at Maureen na yan, okay na Miss Valle,coach? Lumaban tayo kahit kulang na atleast hindi tayo ma disqualified." Si Frihia. Saka nila isa-isa nilagay ang kanang kamay sa top at
... "Bigfight!!" Sabay sabay nilang sigaw.

"Maghanda na kayo may  limang minuto nalang kayo." Si coach

Binigay ko ang Jersey ko kina Channel at Maureen.
Pag alis nila Ay umalis na rin ako.

Lorenzo point of view

"May problema tayo ma'am Valle." Sabi ni Sir Roland

"Huh! Bakit?" Takang tanong ni Miss Valle

"Mukhang nagkamali ang Coach mo sinabi niya sa mga varsity niya na bukas pa ang laban at ang jersey ay hindi parin nadeliver dito." Mahinahong sabi ni Sir.

"Anong....  Wala bang nag inform sa kanya?"

"Eh...  Hindi ba dapat ikaw ang may karapatang maginform sa coach mo?" Medyo nagkasagutan sila.

Ano ba yan ang tanga naman! 

"Huwag tayo dito mag usap,puntahan natin ang mga volleyball varsity." Dagdag pa ni Sir Roland.

Tama! Dahil nasa harap namin sila.

Nandito kami sa pwesto namin  sa bench kasama ko si Zin na tahimik,at si Renz na tahimik rin, kaming tatlo lang ang magkasama dahil pagkasabing may problema ang volleyball varsity agad namang umalis ang dalawa pumunta siguro sila sa Dean office.

Ilang minuto lang ay nag annonsiyo na ang Emcee siguro, handa na daw ang volleyball girls sa laban kaya marami-rami na ring mga studyanteng nagsiupuan na.

Nagsimula na ang laban habang ang kalaban ay chill lang, parang may problema ang varsity sa school namin. Kulang sila Si Frihia,Sofia ,channel,Maureen at ang dalawang freshman ang naglaro lang.

Ngayon ko lang napagtantong, apilyedo ni Mich ang pritang nakalagay sa likod ng suot nila Channel at Maureen. Baka magkapreho lang nahiram nila.

Sa di kalayuan natanaw ko rin si Mich na tahimik nanuod ng volleyball. Her innocence face make me smile, even though she's a Nerd but i got a wierd feeling of her.

Arghhhh.... Minsan seryoso ako,minsan talkative at minsan Wierd.
Nasa wierd season ako ngayon.

#sensya sa grammar mga bess!
Merry Christmas people advance!

Great Pretender (Leona'sUniversity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon