"Pumayag ka na Laurese. It's my fault kung bakit inabot ka ng ganitong oras! And it's my way para makabawi sa paghelp mo sa akin sa presentation ko bukas!" patuloy pa ring pamimilit niya.Umiling ako at nginitian siya. Sinulyapan ko ang papalubog ng araw. Tila naglalaban na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Nag-aagawan at nagtatalo kung sino ang dapat na pumwesto sa kalawakan. Halos marinig ko na rin ang mga matatanggap na sermon mamaya.
"Hindi na, Halsey. Hindi nababagay ang kotse niyo roon at mahihirapan lang kayo palabas dahil makitid ang mga daraanan. May pera pa naman akong natira, eksakto para pamasahe ko sa pagsakay ng tricycle."
"Pero—"
"Okay lang talaga Halsey. Mag-aalala lang ako lalo, maraming masasamang tao roon."
"I have my driver slash bodyguard. So no need to worry about me. Kaya nga ako mas nag-aalala dahil marami pala roong bad person, paano kung malagay ka sa danger!?" she pouted.
Napangiti ako muli. Sinulyapan ko ang magarang kotse nila. Sunod ay si Halsey. Hindi talaga nababagay sa isang lugar na magulo, marumi at masikip.
"Ayos lang. Sige na. Next time siguro?" saad ko. Inismiran niya ako. Ilang beses pa niyang sinubukan na kumbinsihin ako but I'm firm with my decision.
Pinanood ko ang pag-alis ng kotse nila. Ibinaba pa niya nang kaunti ang salamin nito para kumaway. I waved back and stared at it until it vanished on my sight. Napabuntong-hininga ako at nagsimulang maglakad palabas ng school.
Gustong-gusto ko tanggapin ang alok niya na isabay ako upang ihatid sa amin. Gustong-gusto ko lalo na't medyo pagod na ako at kailangan ko pa magreserba ng lakas para mamaya. Ngunit hindi pwede. Hindi siya pwede makita ng tiyo ko. Sa kotse pa lamang ay malalaman niyang marangya ang buhay ni Halsey. And he will force me to take advantage of it. That is the thing that I want to avoid. It is so rare to find a friend, lalo na sa buhay na meron ako. At ayokong sayangin iyon, kaya poprotektahan ko ito. Ilalayo ko siya sa aking tiyuhin.
Nagsinungaling ako nang sabihin ko na may pera pa ako. I sighed when I remembered my empty pocket. I gained scholarship for my junior highschool on this known prestiged school. Nasa huling taon na ako nito at hindi nakatutulong ang tambak na mga proyekto. Dahil may scholarship man ay kailangan ko pa rin talaga ng pera para panggawa sa mga kailangan ipasa. Ngunit hindi naman ako susuko dahil huling taon na ito. Sunod ay senior high na, at panibagong scholarship ang hinahabol ko. Huminga ako nang malalim at pinuno muna ng determinasyon ang napapagod kong katawan at kumakalam na sikmura.
Isang oras ang nilakad ko bago nakarating sa pamilyar na eskinita. Kada sulok ay may mga umpukan. Ang iba ay nagchi-chismisan, merong nagsusugal, nag-iinuman, at may nag-aaway pa. Tipikal na mga makikita rito. Itinuon ko na lang ang pansin sa daan na may mga butas-butas. Baka hindi ko pa mapansin, at mahulog pa ako sa kanal.
"Uy, Aling Salome, narito na pala si tisay!" saad ng isa sa tambay sa harap ng maliit na tindahan ng aking tiyahin. Gaya ng lagi nitong ayos ay hubad ang pang-itaas, suot ang malaking short na may iilang butas at may hawak na bote ng alak.
Nginitian ko siya nang bahagya bago itinulak ang sira-sirang gate ng compound na tinitirhan namin. Ilang hakbang ay ang gawa sa yero at kahoy na pinto ng aming bahay. Itinulak ko iyon at hindi na nabigla nang makita roon ang bata kong pinsan na naghihintay sa akin. Nagliwanag ang mukha nito nang makita ako.
My 4 years old cousin immediately hugged me. Napangiti ako at yumuko para yakapin siya pabalik.
"Kumusta, Maella?" I asked as I stared at her. Yumuko siya para kunin ang isang papel at ipinakita sa akin ang drawing niya. It is her and me, on a stickman figure. Maraming laruan sa paligid at pagkain. Sa likod ay may mansiyon at kotse.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...