Chapter 5

36K 1.6K 259
                                    

Blood

Napapaisip pa rin ako sa tanong na 'yon ni Sir A. Kumain ako nang iyon pa rin ang iniisip. But then I decided to stop thinking about it. It is weird but not something to be a big deal. Baka halata lang sa mukha ko na maraming iniisip o ano. Hindi ko talaga alam, pero hinayaan ko na lang.

Sa mga sumunod na araw naman ay balik sa normal. He never asked me again. Ang tanging naging interaksyon namin ay kapag may recitation o reporting sa classroom.

"December na, malapit na ang Christmas. May plano na ba ang pamilya ni Halsey?" tanong sa akin ni Ysmael. We are on our classroom. Lumabas saglit si Maam Melendez.

"Hindi ko pa alam. Wala pa silang nababanggit," saad ko.

"Hmm, last time ay sa Ilocos kayo pumunta. Maganda ba roon?" he asked.

I immediately nodded when I remembered our trip there. I enjoyed the view of the sunset on Sand Dunes, the thrilling Kapurpurawan Rock Formations and the white fine sand of the beaches there.

"Kayo ba ng family mo, may plano?" tanong ko. He nodded.

"Yes, we are thinking na pumunta sa Ilocos at doon ispend ang Christmas. But we're also thinking about another place. Naisip ni Mom, why not sumama sa inyo kung may plano kayo. The more, the merrier 'di ba? I'll tell it to Halsey, and maybe, I'll visit Tita Julianna and Tito Harry to talk about it. Kumusta na pala si Tita Julianna?" he asked. I slightly shrugged.

"Wala akong masyadong alam lalo na minsan ko lang siya nakikita. But, still no changes. Hindi pa rin siya nagsasalita," saad ko. He nodded.

Nakabalik na ang teacher namin. She scanned the whole room and smiled when she saw me. Bahagya man nabigla ay ngumiti na rin ako.

"Class dismiss. Miss Therese, please come with me," saad niya. Agad naman akong tumango at inayos ang mga gamit.

"Anong meron?" Ysmael whispered. Umiling ako dahil hindi ko rin alam kung bakit ako pinapasama.

Napatingin ako sa iba kong kaklaseng babae na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Napayuko ako at nagpaalam kay Ysmael bago sumunod kay Maam Melendez. She brought me on the faculty room. Lahat ng teachers dito ay mga HUMSS students ang hawak. Inilibot ko ang tingin sa kwarto. Naroon halos lahat ng teachers. I saw Sir A busy reading. Bahagya pang kunot ang noo niya. Umiwas ako ng tingin at sumunod lang kay Maam na patungo sa kumpol ng mga teacher.

"Here she is!" Maam Melendez cheerfully announced. Napatingin naman lahat ng naroon. Agad akong tinignan mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko naman ay uminit ang aking pisngi dahil sa atensyon na natatanggap. Naiilang ako kapag tinitignan ako.

"Oh, right!" saad ng isa sa medyo batang teacher doon. Tumayo siya at lumapit sa akin. She scanned me from head to toe. Hinawakan niya ako sa aking baba at pinalingon sa kaliwa't kanan at napatango-tango. "She's perfect!" saad niya kapagkuwan. Napakurap-kurap ako, naguguluhan sa nangyayari.

"Sabi ko naman sa inyo. Estudyante ko 'yan si Miss Laurelia Therese last year. She's beauty and brain. Palaging panlaban ng grade 11 sa quiz bee, battle of the brain and such," sabi ng dati kong teacher na si Maam Padua. Ako naman ay nahihiya na sa sitwasyon ko.

"That's why she's very familiar, pati na rin pangalan niya. So it is settled then, she'll be our representative," pumapalakpak na saad ng isa sa teacher.

"Wait, marami ding gustong sumali na student sa HUMSS department. Let's give them a chance," Maam Alyza said after she glanced at me.

"Of course. Magkakaroon ng assessment but Miss Therese doesn't need to undergo. Para lamang sa iba na gusto pa," saad ni Maam Melendez.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon