Chapter 37

31.1K 1.4K 431
                                    

Married

SPG

So Azriel and I got engaged. Hindi ko alam kung kailan kami magpapakasal dahil wala siyang sinabi. But it's okay. All I can feel is a pure bliss.

"Mommy La!"

Tumakbo patungo si Solemn kay Nanay Lauren. Agad naman kinarga ng reyna ang kaniyang apo at pinugpog ng halik sa mukha. Yumakap din sa kaniya si Gabril.

"Nanay, Tatay, miss ko kayo!" saad ni ate Patrisha at humalik sa kaniyang mga magulang.

"Nasaan ang asawa mo? Si Makheus?" mahinahon na saad ni Nanay Lauren.

Binalingan kami ni Azriel ni ate Patrisha saka yumakap at humalik sa amin. Then she hugged her mother again.

"Ayaw sumama, Nanay! Sabi niya it's too much daw. Nahihiya 'yon magpakita rito dahil na rin sa nangyari noon na digmaan sa kaharian na 'to at ng lahi nila," aniya at lumabi.

Hinaplos ni Nanay Lauren ang kaniyang mukha at puno ng pagmamahal na tinitigan. And I can't help but to miss my Mamá. Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni Azriel. Nilingon ko siya at naabutan ang nag-aalala niyang ekspersyon. I smiled at him.

"He needs to be here, my angel. Please tell Makheus that he's welcome here," Tatay Austin said.

"Oo nga, 'nak. Naku, ano gusto ng mga apo ko na pagkain, tara do'n at marami kaming hinanda para sa inyo!"

Pinanood ko ang pag-alis ni Nanay Lauren habang karga si Solemn at hawak si Gabril. Gusto pa pumunta sa akin ni Gabril kaso hindi na napansin ng reyna dahil sa pagkain na naghihintay. I just smile and waved at him. Sumunod na rin ang hari at akma rin kaming susunod ngunit dumating si Leo.

"Leo!" ate Patrisha said enthusiastically. Tumakbo siya palapit kay Leo at akma itong yuyuko ngunit dinamba na niya ito ng yakap.

I saw how Leo's expression changed. Seryoso siya ngunit ngayon ay tila nabigla. Mariin siyang pumikit at alam kong nasasaktan siya. Lumayo sa kaniya si ate Patrisha at tiningala siya. Then he gently stare at her.

"Mahal na prinsesa, dumating pala kayo.." mahinahon niyang saad.

"Oo, halos kadarating lang. Ang mga anak lang namin ang dala ko. Miss ka na pala ni Solemn," ate Patrisha smiled at him sweetly.

Habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko mapigilan mapaisip kung paano kung sila ang nagkatuluyan. I shook my head.

"Hey, what are you thinking?" Azriel asked me. I just smile at him and glance at the two again.

I realized that ate Patrisha is clueless about the truth. Na sila pala dapat talaga ngunit naagaw lang siya ni Makheus noong pinagbubuntis pa lang siya ni Nanay Lauren. But I can sense that Leo is special for her. Afterall, he's her original beloved. Kahit papaano may maliit na koneksyon ang naiwan kaya magaan ang loob sa kaniya ni ate Patrisha. But to Leo, ate Patrisha is still the love of his life.

Umalis na kami roon at sumunod sa hapag. Maya-maya pa ay katabi ko na rin si ate Patrisha na malaki ang ngiti.

"Tapos na kayo mag-usap?" I gently asked. She nodded and held my arms. Napapagitnaan na ako ng kambal.

"Yes. Namiss ko rin siya. Alam mo ba crush ko siya noon bago ko makilala si Makheus. Something was pulling me to Leo. Akala ko nga siya ang beloved ko pero no'ng nakilala ko si Makheus nakalimutan ko na 'yon.." humagikhik siya at napailing. "He was my first bestfriend, protector, crush, and like. Wala, naalala ko lang. Share ko lang!" she giggled.

Bumitaw siya sa akin at patakbo na tumungo sa mesa. Nasa kandungan ni Tatay Austin si Solemn at pinapakain ito. Si Nanay Lauren naman ay inaasikaso si Gabril. Umupo na rin kami ni Azriel at nakita ko kung paano kumislap ang mata ni Nanay Lauren.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon