True Friend
Is it bad that I'm irritated kay Sandra?
Napasimangot ako nang makita na naroon na naman siya sa bandang dulo, kinakausap si sir Azriel matapos maghatid ng order nito. Ganito na lagi ang routine niya. Siya ang maghahatid kapag may order si Sir. I sighed as I clean the table. Sumulyap ako sa kanila at nakita na may maliit na ngiti sa labi ng aking professor habang may ginagawa sa kaniyang laptop. Si Sandra naman ay kinakausap siya.
Look at him, enjoying the attention that he's getting! Sa bagay, maganda si Sandra. She's also tall and slender. Napasimangot ako nang maalala na ganito rin siya kay maam Alyza noon na ganiyan din ang pigura. And yes, I noticed it! Parang type niya ata ang mga slender na babae. I pouted and glanced at my body. Kaya siguro noon ay halos 'di niya ako pansinin o 'di kaya suplado.
Naglakad ako patungo sa counter at doon naman naglinis. Pamela eyed me and her brow shot up.
"Tamlay mo girl. Okay ka lang?" tanong niya.
"Yeah."
May lumapit na customer kaya inasikaso ko ang order niya. I punched her orders and informed Pamela.
"Hindi ka ba anemic? Ang putla mo? Kaso parang hindi rin totally kasi ang pula naman ng labi mo," aniya habang inaasikaso ang paggawa ng kape.
"Okay lang ako, Pamela. Don't worry," I assured her.
Nang matapos sa ginagawa ay sa iba ko naman tinuon ang pansin. May palabas na customer kaya nagpasalamat ako at binati siya.
"Clear mo table no'n, be!"
Tumango ako kay Pamela at hinanap kung saan iyon galing. Halos lahat ay occupied at ang iba ay malinis maliban sa table na malapit kay sir Azriel. Nasa tabi pa rin niya si Sandra at nakikiusyuso.
Hmp! Duty niya ngayon, ah.
Nabitin ang pagngiti ni sir Azriel nang pumwesto ako sa mesa sa may tapat ng pwesto niya. He stared at me while I remain poker face.
"..nahihirapan nga ako sa purposive communication eh. Medyo magulo," may lambing ang boses ni Sandra.
Kumunot ang noo ko. Ang dali-dali lang ng subject na 'yon! Halos kadugtong lang ng subjects noong shs. It's easy as pie at common sense lang ang kailangan. Kapag marunong ka magbasa ay maiintindihan mo lahat ng mga lesson doon. Ang challenge lang naman ay kapag magsasalita ka na in english sa harap. Alin magulo ro'n? Communication models?
"Laurelia perfects my quizzes and exams on that subject. If you are confused on some matter, you can ask her. "
Napaangat ako ng tingin. Ngayon ay prenteng nakaupo si sir Azriel habang hinahaplos ang labi at nakatitig sa akin. May mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. Napawi ang ngiti ni Sandra at seryosong tumingin sa akin.
"Totoo ba 'yon?" walang ngiti na tanong ni Sandra.
Bahagya na lamang akong tumango at ngumiti. Binalik ko ang atensyon sa pagpunas ng mesa.
"Pero sigurado naman na may mga hindi rin siyang alam na parte. So can you help me, Azriel?" she asked sweetly.
Umiwas ako ng tingin nang napasimangot ako muli. Naglakad na ako palayo at bumalik sa may kusina. Tinapon ko ang plastic cups at hinugasan naman ang mga babasaging cups na ginamit.
"Therese, baka makabasag ka. Kaltas sweldo 'yan!" natatawang saad ni Pamela mula sa counter.
"H-hindi ko sinasadya at hindi naman n-nabasag," depende ko.
I calmed myself and stopped for a while.
Ano bang nangyayari sa akin? I'm getting agressive. Iyong emosyon ko masyadong lumalabas. I can't remember feeling this way kapag nakikita ko siya noon kasama si maam Alyza. Bakit ngayon ganito? Anong pinagkaiba?
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...