Chapter 28

29.1K 1.4K 265
                                    

Future

Pinagmasdan ko ang mga malalaking litrato sa harap ko. Ngayon ko lang 'to napagmasdan nang mabuti sa ilang araw na stay ko rito at napagtanto ko na hindi pala ito kuha ng camera. These were made by amazing painters. Hindi ako sigurado kung isa lang ba ang nagpinta o iba-iba. Pero malamang ay iba-iba nga dahil halata ang pagkaluma na ng mga ito.

Sa pinakataas ay ang napakagandang babae. Hanggang ilalim ng dibdib lamang ang ipininta ngunit kita pa rin na ang napakagandang vintage gown na suot niya. Tila kaedad ko lang at halos kamukha ko nga talaga. It is just that, she looks so intimidating. Napakaganda ng detalye ng pagpinta sa kaniya. Akala mo ay buhay na buhay kaya napagkamalan kong kuha ng camera. But I can feel that it is an old painting already. Sa baba banda ay nakasulat ang "Laurelia". Umawang ang aking labi. So she's our great grandmother that ate Alyanna is saying.

Sa tabi naman noon ay imahe ng isang lalake. Ang buhok nito ay medyo mahaba. His hair was fixed into a man bun. Itim na itim ang kaniyang buhok pati na rin ang mata. He looks like a dashing villain on fairytales. Itim pa ang kaniyang suot. He has a scary aura. Walang emosyon ang kaniyang mukha at tila matapang na nakatitig sa kung sino man ang titingin sa kaniyang imahe. Sa baba banda ay nakasulat ang 'Faustus Rios Vasquez'.

Sa baba ng imahe nila ay tila may espasyo para pa sa frame ngunit wala. But I notice a trace of two rectangular frame. Mukhang tinanggal ang dalawa.

Sunod ay ang frame na ni Mamá at Papá. Magkasama sila sa isang frame. Mamá looks young and gorgeous on the picture. Hindi nalalayo sa edad ko. Nakangiti siya nang sarado ang labi. Si Papá ay nakapalibot ang braso sa likod ni Mamá. Ang isa ay nasa harap lang, nakahawak sa kamay ng kaniyang asawa. And he's so handsome. Itim na itim din ang mata nito at buhok. Malinis ang gupit ng buhok at seryosong nakatitig lamang. Ngunit ang mga hawak niya kay Mamá ay masyadong mapang-angkin. Sa baba ay nakasulat ang pangalan nila.

'Alina Maurice Garcia-Graciano & Lucas Josef Graciano'

Sa baba na ay ang medyo mga bago pa kumpara sa iba. Ang imahe ni ate Julianna at ate Alyanna.

"Ipinipinta na rin ang iyo para idikit diyan."

Napalingon ako sa kadarating lang na si ate Alyanna. She smiled at me before looking at the picture.

"You are our heiress. Hindi lamang ng Graciano pati na rin ng iba pang apelyido ng mga dugo na nananalaytay sa atin. Tagapagmana ka ng Vasquez, Garcia at Graciano, Iulianna. Mga makakapangyarihang apelyido," aniya.

Napalunok ako sa kaniyang sinabi.

"B-bakit po sa akin lang?" tanong ko.

Nilingon niya ako saka ngumiti. Umangat ang kaniyang kamay at hinaplos ang aking buhok. She eyed me with so much adoration.

"Walang sariling anak si Julianna. Ako ay walang asawa. Ikaw, bata pa. Magkakaroon pa ng sariling pamilya at mga anak. At ikaw talaga ang nararapat," mahinahon niyang saad.

Tumango ako at sumulyap muli sa mga litrato. Napunta ang tingin ko sa nawawalang dalawang litrato. Itinuro ko ang pwesto noon.

"Nasaan po ang mga litrato doon? Mga anak po ba iyon ni Laurelia at Faustus?" I curiously asked. Ate Alyanna smiled then shook her head.

"Litrato 'yan ng nag-iisa nilang anak at asawa nito ngunit ninakaw kaya nawala," saad niya.

"Ibig sabihin, siya iyong lola natin na Laurelia din at tatlo ang pangalan katulad ko?" tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "Paano po nanakaw?" I curiously asked.

"Nang maging mag-asawa sila ay hindi sila nagtagal dito. Umalis din sila at sa ibang lugar nanirahan. Hindi ko nga maintindihan bakit nanakawin. Ngunit siguro dahil masyadong maganda ang mga pinta. Mabuti na lang hindi nanakaw ang kila Laurelia at Faustus. Kasama rin sa ninakaw nila ay ang mga ibang antique na kagamitan dito," pagke-kwento niya. "At nang lumaki ang anak nila na ngayon ay si Mamá na ay lumipat sila dito. Nang magka-asawa na kasi siya ay ginusto niya na rito tumira at palakihin tayong mga anak. Kahit pa gusto ni Papá na sa Spain na tumira," dagdag niya.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon