Madness
Naaalala kong ilang beses akong nagising kaya ilang beses din akong pinatulog. At sa muling paggising ko, ang sakit ng ulo ang una kong ininda. Napasapo ako sa ulo at unti-unting nagmulat. Umupo ako mula sa pagkakahiga at napagtanto na nasa kama ako. I adjusted my vision, and slowly, the headache went away.
Napababa ang tingin ko sa katawan at nanlaki ang mata nang makita kung ano ang suot ko. I was wearing a very short and thin night dress. I can even see the crowns of my breasts! Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman na may suot akong underwear. Iba ang pakiramdam noon at nang silipin ko ay uminit ang aking pisngi. I never imagined that I'll wear something like this!
Iniharang ko ang buhok sa aking dibdib. Then I realized something again. Ang isa kong kamay ay nakaposas sa ulunan ng kama!
I look at the surrounding. Nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako.
Naalala ko si Sandra. And I feel so betrayed. It is so painful. 'Yung pinagkatiwalaan ko at tinuring na kaibigan ay ganito ang ginawa sa akin? Nagkakaroon na ako ng konklusyon kung ano ang mangyayari sa akin.
Bumukas ang pinto. Napatuwid ako ng upo nang pumasok ang tatlong malalaking lalake. Papasa silang bouncer sa isang bar. Sumipol ang isa nang makita ako ngunit agad siyang pinagalitan ng kasama. Lumapit sila sa akin.
"Kalagan niyo na. Bilis, naiinip na ang bigtime na customer ni Mamc," saad ng isa.
I gritted my teeth.
"Saan niyo ako dadalhin?" I coldly asked that made them stop.
"Doon sa nakabili sayo. Huwag ka ng maarte, big time 'yon. No'ng nakita ka, ang laki ng idinagdag sa bayad. Papartihan ka naman no'n ni Mamc," sagot niya at lumapit sa akin.
Akmang hahawakan niya ako kaya agad ko siyang sinipa. Nanlaki ang mata ko nang tumalsik siya sa kabilang dulo ng kwarto. Pati ang dalawa ay natigilan at tila namangha.
"Huwag kayong lalapit! Masasaktan ko kayo!" banta ko.
"Tres naman, ang arte mo. Nagkunwari ka pang tumalsik sa sipa ng babaeng 'to. Eh tignan mo, ang liit nito kumpara sa atin," tumawa ang lalake sa harap ko at akma muli akong hahawakan.
Pinilit ko na hilain ang kamay na nakaposas. Natanggal ang bakal na ulunan ng kama at pinatama ko iyon sa nagtangkang humawak sa akin. Natumba siya at agad akong tumayo saka umatras.
"M-mangyayari din 'yan sayo kapag sumubok ka!" banta ko sa natitirang isa.
Nanlalaki ang mata niya habang nakatitig sa akin.
"Mamc!" he shouted and left the room.
Sinulyapan ko ang dalawa na nasaktan ko. Wala na silang malay ngunit nakahinga ako nang maluwag dahil humihinga pa sila. Palabas na sana ako nang may pumasok na limang lalake kasama ang tumakbo kanina. He pointed me while he looks scared.
"Ayan! Siya! Ang lakas niya!" aniya.
Nagtawanan ang mga kasama niya at sinipat ako. May muling sumipol kaya halos gusto kong lumubog para hindi na lantad ang katawan ko.
"Eh sa liit niyan kumpara sa katawan natin? Nagloloko ka naman eh!"
"Bakit kayo natatakot? Eh babae lang 'ya—"
Tumakbo ako sa huling nagsalita at inihampas sa kaniya ang ulunan ng kama na kadikit ko pa rin dahil sa posas. Natumba siya kaya agad akong sinugod ng iba. Iniwasan ko ang mga suntok nila at sipa. I realized that my senses are so alert.
Naisip ko na sumipa ngunit naalala ko ang aking suot lalo na ang pang-ilalim. Kaya iyong ulunan na lang ng kama ang pinanghahampas ko. Iniaangat ko ang kamay at hinahayaan iyon na tumama sa kanila. I caught one on his neck and threw him away. I immediately bended my body when I felt someone behind me. Kitang-kita ko ang kamao niyang sumuntok sa hangin. Hinawakan ko iyon at pinilipit saka siya binalibag. Tumayo ako nang tuwid matapos noon.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...