Chapter 7

33.6K 1.8K 124
                                    

Sight

The last week before christmas vacation became so hectic that the past few days got blurry for me. Abala ang lahat sa pagtatapos ng mga magiging requirement para sa prelim. Ang mga guro ay kaniya-kaniyang nagbigay sa amin ng proyekto at activity na gagawin habang bakasyon. Everyone silently protested because they want to enjoy the vacation without thinking about school stuffs. Ngunit hindi naman kasi maaari iyon lalo na pagbalik namin ay magkakaroon agad ng preliminary examination. Ang mga take home projects at activities ay isa sa pagmumulan ng grades.

Karamihan ay individual projects maliban kay Sir A. Simple niyang sinabi na ayaw na niya makadagdag sa bigat ng gawain kaya gagawin niya itong project ng buong section.

"You are going to make a story. Lahat kayo ay gagawa at dapat magkaroon ng parte dahil gagawin niyo itong isang libro. It will be a diy or 'do-it-yourself' book," he said. Some grunted because they thought that the project will be very easy.

"Sir A, paano po 'yon? Magkikita-kita pa kami para makagawa noon?" one of my classmate asked. Sir A shook his head.

"You need to make an outline. Ilang araw pa bago ang last day, so you have your time to do it. Distribute it on your classmate before the vacation. 32 kayo sa klase, probably, two person on one chapter. You can easily communicate through messenger, since as I can see, everyone has their own nice phone," Sir A answered. Karamihan pa rin sa mga kaklase ko ay nakasimangot, tila nahihirapan sa ipapagawa.

"What will be the theme of the story, Sir?" Allison asked.

"Slice of life. I want something that depicts real life story. A story where in a person can really experience it and of course, something that has a moral lesson," sagot niya.

Nagsimula ang bulung-bulungan.

"Madali lang pala."

"You wish! Ang hirap kaya. Papahabain mo 'yon para makagawa ng isang chapter!"

"And one thousand will be the minimum number of words," mariin na saad ni Sir A kaya lalong nanghina ang mga kaklase ko.

But for me, it's fine. Maikli na ang isang libong salita bilang minimum lalo na at dalawa ang gagawa sa isang chapter.

"Pero Sir, kung through messenger lang, paano namin magagawa iyon into a book? We will be still required to meet up," saad ng isa.

"So here it is, there are 32 of you here in class. One of you will be assigned to do it. Iyong marunong at malinis gumawa. Siya rin ang aatasan ko sa ilang details na gusto ko kung sakali. So this student should be responsible. At dapat susundin niyo. Once he or she told you to pass your chapters, do it. You need to follow him or her. Kumbaga, he or she will be the leader, she will lead you on what you will do. Hindi na siya gagawa ng chapter niya, siya ang in charge sa paggawa ng book. But of course, mag-aambagan kayo para sa mga gagastusin niya. The excess one will join the group that will make the last chapter since it will be a long one," Sir A explained. Muling nagkaroon ng bulungan. Agad silang umayaw maging leader. They don't want big responsibilities for this vacation.

"Sir, for sure Bernardino wants to be the leader," Lorraine uttered after she stood. Nilingon ko siya at agad naghagikhikan ang iba niyang kaibigan. Allison just stared at me and smirked.

Lahat na ay nakatingin sa akin pati na rin si Sir A. I remembered my hectic schedule lalo na at ititrain ako nila Halsey at Ysabel para sa pageant. Sasamahan ko rin si Maella sa kaniyang sessions. I will be working hard para madagdagan ang ipon ko dahil sa mga pangregalo ko sa darating na pasko. Halsey's family will bring us to their one week vacation at Palawan. At marami pang gawain sa ibang subject. Can I do it?

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon