Goodbye, Sir!
The preliminary examination days came. It was calm and relaxing days for me. Hindi na ako nahirapan masyado dahil nagreview naman ako. Kung ano naman ang itinuro ay iyon ang lumalabas sa exam kaya walang problema. Mahirap kung 'yong lalabas ay wala sa itinuro. But the system of our school is good.
Matapos ang examination ay naging abala na ako. Hindi na ako nakapagtrabaho sa opisina ni Sir Harry dahil halos araw-araw ay may practice para sa pageant. Masyado iyon na pinaghahandaan kaya kaming mga candidate ay busy masyado. Kahit nga sila Halsey at Ysabel ay abala na rin dahil may katungkulan sila pareho, kaya sila ang mamumuno sa magiging flow ng program. Pagdating naman sa gabi ay ite-train ako ni Halsey. Ang lakad ko, ang facial expressions, posture at talent portion na gaganapin, tatlong araw bago ang mismong pageant.
"I'm sorry Laurese! My sched is so hectic. Plano ko sana na sayaw ang talent mo but I can't plan it anymore!" she pouted. She looks pressured and stressed.
"Halsey, walang problema. Malaking bagay na 'to na kahit abala ka ay naisisingit mo pa ang pag-asikaso sa akin. I'll sing then," I answered her with a reassuring smile. She looks disappointed but later on, she smiled widely.
"Sabagay! Your voice is palaban naman. Naisip ko lang na dance sana para maiba, but well, it will be fine if you'll sing. Maliit lang naman na part 'to ng pageant," she said and smirked.
Naghanap kami ng magandang kanta na babagay sa boses ko. Nang makahanap ay kinabisa ko na iyon at inaral ang tamang paraan ng pagkanta noon.
Medyo nakaramdam na ako ng kaba dahil ramdam ko na ang papalapit na pageant. It will be on the last week of January. Pangalawang linggo na at hindi pa nakatutulong ang makita na confident masyado ang mga kalaban ko. Parang mga sanay na sanay.
"Uy, loosen up! You look so stiff kanina. Are you a first timer?"
Tinitigan ko ang katabi ko na ngayon ay mabait na nakangiti sa akin. Nakaupo kami sa bleachers. She handed me a bottled water. Isa siya sa tatlong candidate mula sa STEM strand.
"Salamat," saad ko nang tinanggap ang tubig. "At oo, first time ko," nahihiya kong saad. Ramdam ko na stiff talaga ako tignan. Pero nakakahiya na napuna ito. I probably look awkward.
"Well, kailangan mo magtiwala sa sarili mo. You're beautiful, sayang ang oppurtunity na manalo kung magpapatalo ka sa hiya mo. You're just one step away to the crown," she chuckled. Tumango ako at napangiti.
"Uh, i-ikaw ba? Sanay ka na ba?" tanong ko.
"Madalas na ako sumasali! But I always land on the runner up lang. Minsan, laglag. Sa totoo lang, bobita ako sa question and answer. I just act like I'm confident. Kunwari sure na sure ako sa sagot ko. I act like I'm confident, sa pagrampa at iba pa. But in reality, I'm not. I'm just good at masking up!" she giggled. "By the way, I'm Sandra!" dagdag niya at inilahad ang kaniyang kamay.
"I'm Therese," saad ko at nakangiti na tinanggap ang kaniyang kamay.
She playfully arched her brow.
"Well, I like you and I think, I want you as my friend. Pero pagkatapos na ng pageant. Ngayon, away-away muna!" humalakhak siya. I chuckled too. Kinaway niya ang kamay niya. "But kidding aside, goodluck sa atin. I'm rooting for you to be one of the winners. You have a potential," aniya.
Sasagot sana ako ngunit may tumawag sa kaniya. Nagpaalam siya at naglakad palayo. She is tall, has a fair skin and slender body. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya na nag-aact lang siya na may confidence. The way she walk away, wearing a sandals with 5 inches heels, she looks genuinely confident.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampirgeschichtenBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...