Professor
"Why are you crying, Iulianna? Alalahanin mo, kailangan mong maging matatag bilang tagapagmana," nakangiting saad ni Alyanna sa kaniyang apo.
Puno ng luha ang mata ng dalaga. Nasa sulok ito ng kwarto at yakap-yakap ang kaniyang tuhod.
"Gusto ko na pong umuwi. I want my Mamá. I need Azriel, please po. Hindi ko na kaya," umiiyak niyang saad.
Lumapit si Alyanna sa kaniyang apo. Hinaplos niya ang buhok nito pababa sa pisngi. Napangiti siya habang nakatitig sa maamo nitong mukha.
"Uuwi ka roon, hija? Naroon ang ate Julianna mo. Ang ina ni Helena na ngayon ay patay na at ikaw ang dahilan. Hindi mo dapat sayangin ang sakripisyo niya. Kung tutuusin, ikaw ang pumatay sa kaniya.." aniya habang nakangiti.
Ito ang naiisip niyang paraan upang maging matapang ito.
"Hindi..hindi abuela. Hindi ko 'yon gusto—"
"Ikaw ang dahilan, Iulianna. Kaya panindigan mo ang pagiging tagapagmana. Namatay si Helena para sayo."
Nagsimula muling umiyak nang umiyak si Laurelia. Sinabunutan nito ang sarili at sumigaw nang sumigaw. Halo-halong paghingi ng tulong, pagsuko, galit sa sarili at iba pa. Inuntog niya ang ulo sa sinasandalan na pader. Alyanna just watch Iulianna. Tumayo ito at kumuha ng kutsilyo. Nanatili naman niya itong pinanood. Iulianna slashed her wrist. Lumabas doon ang masaganang dugo ngunit ilang segundo lamang ay gumaling. Paulit-ulit niya iyon na ginawa habang umiiyak at sa huli ay sinaksak ang sarili. Umiiyak itong natumba at sumuka ng dugo.
"Ayoko na.."
Napailing si Alyanna at kinumpas ang kamay. Nahugot ang kutsilyo at unti-unting gumaling muli ang sugat. Iulianna cried and cried until she fell asleep.
"I'm so disappointed with you, Iulianna. Kailan ka ba titino? Kailan mo ba tatanggapin ang lahat?"
Umupo siya sa kama at pinanood matulog ang apo. Ilang oras ay nagising muli ito. Pagod na pagod na ang hitsura at masyado ng namamayat. Ang itim na itim nitong mata ay malamlam, nagmamakaawa sa kaniya.
"G-gusto ko lang ng simpleng buhay, abuela. Ibalik niyo na po ako kay Mamá—"
"Simpleng buhay? Helena's life was sacrificed for that? Really, Iulianna?"
Mariin itong pumikit at pilit na nilalabanan ang mga pumapasok na salita sa kaniyang isip. Sa maliit na wisyong natitira sa kaniya ay pilit siyang kumapit doon. Her abuela sighed and pulled her up. Sunod ay naglaho sila sa hangin. Pagmulat niya ng mata ay nasa maliit silang kwarto. Pagod na ang mga mata niya sa pagluha but she tried to look around. Her eyes widen when she saw someone.
"Tiyo.." she whispered.
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Mukha itong pagod ngunit nang makita siya ay napuno ng galit ang mata nito.
"Hayop ka, Laurelia! Pinatay mo ang anak ko! Pinabayaan mo si Maella. Pinatay mo siya! Wala kang utang na loob!" he shouted.
She remembered her dear cousin. Nanlaki ang mata niya at umiling-iling.
"H-hindi po! Inalagaan ko si Maella—"
"Pinatay mo siya!"
"Ikaw ang pumatay sa kaniya!" she shouted. Then she felt rage grow inside her. "Pinatay mo si Tiya sa harap niya! Halos patayin mo rin ako sa harap niya. Napanaginipan niya 'yon at takot na takot siya! Mag-isa niyang hinarap 'yon!"
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...