Chapter 31

28.5K 1.4K 317
                                    

Abuela

Simula nang malaman ko ang totoo ay mas naging malapit kami ng aking abuela. But I still call her ate Alyanna when ate Julianna is around. Nanatili itong lihim dahil katulad nga ng sabi ng abuela, tila walang interest si ate. But sometimes, I feel bad for keeping it as a secret.

Naging excited ako para sa ikatlong taon ko sa kolehiyo dahil inakala ko na ito ang magiging pinaka-challenging. Sa taon kasi na ito gagawa ng thesis at gagawin ang aming ojt. Ngunit akala ko lang pala iyon.

"You're exempted, Miss Graciano. Hindi mo na kailangan na buuhin ang oras ng iyong ojt. You don't need to do it," saad ng aming dean.

My eyes widen. Naramdaman ko ang tila pagbagsak ng kung ano sa aking kalooban. Ngunit pinilit ko na ngitian ang aming dean.

"Why? This is one of the requirements po 'di ba para maka-graduate ako? Why am I exempted?" lito kong saad.

"Please talk to your sister, Maam Alyanna Graciano. She's the one who instructed this," nakangiti niyang saad.

Napailing-iling ako at hindi makapaniwala sa nangyari. Napapikit ako nang mariin at nang magmulat ay halos gusto kong magmakaawa.

"Please, let me do it. I want to experience it and I want to be fair!"

Hindi ko napigilan ang ang pagtaas ng boses dahil sa frustration. The dean's eyes widen and look down. Mukha siyang natakot imbes na magalit. Of course they are afraid! I don't want this privilege!

"Please, Miss Graciano. Ang Montecarlos ang malalagot pati na rin ang kompanya na gaganapan mo ng iyong ojt kung sakali," aniya na halos may kasamang pagmamakaawa.

I left the office frustrated. Ilang beses akong bumuntong-hininga. Ano pa ang silbe ng pag-aaral kong ito kung papasa lang ako nang ganito kadali! Thesis lamang ang pagtutuunan ko ng pansin, tapos ay okay na!

I want to cry and shout out of frustration. Para akong nasasakal. I want to talk to my grandmother, to hear her explanation. Ngunit alam ko na naman ang dahilan niya. Masyado niya akong itinataas. I can hear her saying that people don't deserve me because I'm too precious. Nakasasakal.

Naglalakad na ako palabas ng campus nang makasalubong ko si Halsey. Her eyes widen a bit when she saw me. Akma niya akong lalampasan ngunit hinarangan ko siya. Ngayon ay mukha na siyang iritado at nakaramdam ako ng munting sakit doon.

"Halsey, kumusta ka na?"

"I'm fine, as you can see! Now, tabi, dadaan ako.." mataray niyang saad at humakbang kaya pinigilan ko siya.

"Please, bumalik ka na. Or atleast visit ate Julianna. She needs you. Hindi pa rin siya okay, isang taon na ang nakaraan. Please?" I pleaded.

Kita ko sa iritado niyang ekspresyon kung paano dumaan ang pag-aalala. Ngunit halata na nagmamatigas siya. Binangga niya ako at naglakad paalis.

Ang pamilya ng Liente ay naghihirap na. Si kuya Harry na lang ang nasa mataas at tumutulong sa kaniyang pamilya. Unti-unti na silang nakapag-adjust. While Miriam, she remain on mud. Ganunpaman, nasa kaniya naman si Halsey kaya madalas bumibisita sa kaniya si kuya Harry. Ngunit umuuwi pa rin naman si kuya kay ate Julianna. And I can see his genuine love for my sister. Ikinatutuwa ko 'yon dahil kailangan siya ng ate ko. Baka hindi na nito kayanin pa ang depression kapag naagaw na rin nang tuluyan ang kaniyang asawa.

Nakakausap na si ate Julianna ngunit masyadong madalang. Kumakain ngunit masyadong kaunti at madalas ay halos hindi na. Ang maganda lamang na pagbabago sa kaniya ay hindi na siya sobrang tulala at kumikibo na kahit papaano. Nagpadala na rin kami ng doctor na kailangan niya ngunit nagagalit lamang siya at nagwawala. She wants to be alone. Pero madalas ko siyang binibisita sa kwarto niya at sinasamahan. Kinakausap at nagkekwento ako.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon