Chapter 22

29K 1.7K 327
                                    

Homesick

Ang guard sa bukana ng village ay tumawag muna sa mansion ng mga Liente bago kami nakapasok. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba habang tinatahak ng kotse ni sir Azriel ang daan patungo roon. Nang nasa harap na ng mansion ay tumigil siya.

"I'll wait for you here," he offered. Umiling ako at pilit siyang nginitian.

"Hindi na. Baka matagalan ako."

"Anong gagawin mo pagkatapos ng gagawin mo rito, Laurelia?" he seriously asked. Tinitigan ko siya. His eyes looks hopeful.

"Hindi ko alam.."

"Uuwi ka sa akin," mariin niyang saad na tila iyon ang tamang sagot.

Kumunot ang noo ko at pinilit na tinago ang ngiti sa pagnguso. Tumaas ang kilay niya habang pinagmamasdan ang ekspresyon ko.

"Kung makasabi ka niyan parang hindi professor ko, ah," hindi ko mapigilan na sabihin. Slowly, the side of his lips rose.

"Parang ano pala?" may bahid ng ngiti ang boses niya.

"Feeling jowa..." bulong ko. Humalakhak siya sa sinabi ko. Nang makahuma ay bahagyang tumagilid ang ulo niya habang nakatitig sa akin.

"Believe me, I'm more than that," he whispered.

I just pouted and look away. Kinalas ko ang seatbelt at pinanood naman niya ako. Nang mapagtanto ang sunod na gagawin ay lumabas siya ng kotse at umikot papunta sa pinto sa aking tabi. Then he opened it for me. Paglabas ko ay pinapanood niya lang ang bawat galaw ko.

"Why do you looks so nervous?" he asked.

I shrugged. Hindi ko rin alam ang sagot. Basta't nararamdaman ko ang kaba sa aking dibdib sa 'di malamang dahilan.

"You sure that I'll not wait for you?" he asked. Tumango ako. Iniabot niya sa akin ang kaniyang cellphone kaya nagtatakha naman akong tinignan siya. "Call me on your number when you're done. Susunduin kita. Low battery ang cellphone mo. I'll charge it on my condo," he uttered. Tumango ako at tinanggap iyon.

"Salamat. Tatawagan kita.." marahan kong saad. "Papasok na ako," paalam ko sa kaniya.

He nodded while staring at me. Then he step forward. Umangat ang kaniyang dalawang kamay at kinulong ang aking mukha sa pagitan noon. Napapikit ako nang hagkan niya ako sa noo nang matagal.

"Take care. I'll wait for your call.." he whispered against my forehead. Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya.

Pinanood ko ang kaniyang pag-alis. Napasapo ako sa dibdib habang tinatanaw ang papalayo niyang kotse. I can feel it. Something changed. Something upgraded.

I sighed and knocked on the tall gate of the mansion. Sa maliit na pinto sa gilid ay lumabas ang pamilyar na guard. I greeted back at him and thanked him. Naglakad ako patungo sa mansion. I feel like floating while walking. Kinakabahan talaga ako at hindi ko alam ang dahilan.

Sa malaking pinto ng mansion ay natanaw ko ang magulang ni Halsey. Maam Julianna is wearing a white dress while her black long hair is on sleek ponytail. I noticed her sad eyes. Sa tabi niya ay si sir Harry. When she saw me, tears cascaded down on her pinkish cheeks. Napuno ako ng pagtatakha. Nang makalapit ay sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Then she cried while caressing the back of my head. Ilang ulit niya akong hinalikan sa pisngi.

Hinaplos ko ang kaniyang likod at nag-angat ng tingin kay sir Harry na nasa likod niya. He's eyeing me intently with his sad but hopeful eyes.

"Oh my God!" I heard Maam Julianna uttered and kissed me on my head again. Lumayo siya sa akin at sinapo ang aking mukha. She eyed me gently and touched the details of my face.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon