Intense
Sa mga natirang buwan sa pagiging grade 12 student ay hindi ko na siya muling nakita pa. Honestly, I waited for him. I anticipated for his presence. Pumapasok ako lagi at umaasa na papasok siyang muli sa dapat na subject niya. Ngunit bigo ako sa tuwing hindi siya ang papasok sa pinto ng classroom. Hanggang sa natanggap ko na at umasa na lamang na darating ang araw na makita ko pa siya muli. Even a glimpse of him.
Hindi mawala sa akin ang paninisi sa sarili. Dahil sa akin kaya gano'n ang nangyari sa kaniya. He lost his job and was terminated. Nabahiran pa ng dumi ang mataas na tingin sa kaniya ng mga guro at iba pang opisyal sa paaralan na 'to.
Sir Sanchez was jailed because of the fact that he attempted to rape and kill me. Hindi niya binawi kailanman ang sinabi na mag kasabwat sila ni Sir Azriel, ngunit wala ring nahanap na ebidensiya kaya nalinis ang pangalan ng guro na tumulong sa akin. Malakas din na laban ang mga statement ko na nagpatunay na inosente siya.
Maam Alyza resigned. Nagkusa na rin siya umalis lalo na at buntis nga siya. I can't help but to think how messy her situation is. Kung hindi ko narinig ang usapan nila ni Sir Sanchez noon ay maiisip ko na maaaring si Sir Azriel ang ama ng kaniyang dinadala.
Naiisip ko rin tuloy kung kumusta ang puso niya ngayon...O kung alam ba niya ang katotohanan na si Sir Sanchez ang ama noon at may namagitan sa kanilang dalawa. He's surely inlove with Maam Alyza. Naaalala ko pa nga na silang dalawa ang wallpaper niya. Ngunit ganito ang mga nangyari.
Kung ang nasa isip niya na siya ang ama ng anak ni Maam Alyza ay malamang na pananagutan niya. Si Sir Azriel ang tipo ng lalake na may prinsipyo sa buhay. He's a responsible man. Ngunit ayon sa mga narinig ko ay single mom ang kinahantungan ni Maam. Kaya malamang ay alam niya ang totoo na hindi siya.
Pinilit kong tanggalin sa isip ang mga bagay na iyon. Those are adults' problem that I shouldn't stress myself about.
May kung ano man na nararamdamang bigat sa puso ko ay pinag-igihan ko ang pag-aaral. Sa huling dalawang buwan ng pag-aaral ko sa high school ay mas naging marami ang gawain at mabigat. We had our research on two subjects. Ang isa ay individual at ang isa naman ay by group. And luckily, my groupmates were cooperative. Maayos ang paggawa ng papers.
Ngunit naging masaya naman ang mga natirang panahon. We had a senior's night. Hindi na dapat ako sasali ngunit hindi pumayag si Halsey.
Magkahawak ang kamay na pumasok kami ni Halsey. We graced on the red carpet. May mga photographer na nagkalat at agad kaming kinuhanan ng litrato.
Halsey is seductive on her red tight gown. It has a high slit that reveals her long flawless legs. Lantad din ang kaniyang likod. Kumikintab ang morena niyang balat kahit pa gabi. Her short hair accented her jawline and collarbone. Hinawi niya ang buhok bago nagpose sa harap ng camera. Napakaganda niya lalo na sa gabing ito.
I am wearing a black off-shoulder mermaid gown that emphasized my milky white complexion. Pinasuot din ako ng itim na choker ni Halsey. My hair was brushed-up. Bagsak na bagsak ang kahabaan nito sa aking likod kaya natakpan ang lantad kong balat doon. Like Halsey, my eye make-up was dark and smoky. Kinulayan ng pula ang aking labi.
Photographers flocked around us. Hinawakan ako ni Halsey sa bewang at bahagyang humarap sa akin ang kaniyang katawan. I smiled on the camera. Kapwa kami nakasuot ng sandals na may five inches heels ngunit hanggang tenga lamang ako ni Halsey. I can't help but to be amazed on her aura. It is supermodel-like.
Nang matapos ay nakasalubong namin ang magkapatid. Ysabel looks like a princess on her blue ball gown. Off-shoulder iyon ngunit hindi revealing. Ysmael looks dashing on his suit with blue necktie, matching with his sister. Kaunting batian at pumasok na kami sa event hall. Isinuot na rin namin ang aming mga maskara na kakulay ng aming suot.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Kiss
VampireBloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na estudyante na umaasa na magkaroon ng magandang hinaharap. Isang gabi, nakatakda na ang kaniyang kamata...